Kabanata 21 - Tamang Panahon

30 2 0
                                    

Maaga na akong umalis sa bahay pero mas maaaga pa atang umalis si Mommy. I rarely see her at home. Unlike my contests before, mom and kuya manages to book some hotel near the contest place just to be with me as support, but now they're not here with me. Hindi ko nga alam kung alam ba nilang may contest ako ngayon.

"Akin na 'yang gamit mo," sabi ni Jon at siya na ang nagdala ng duffel bag ko dahil backpack lang naman ang dala niya.

I realized na ang dami kong dala for the 3 day event dahil may backpack at small bag pa ako. Girls would relate and understand.

Jon insisted na sabay na kaming pumunta sa school dahil mapanganib sa daan dahil sobrang aga pa. I agreed dahil it's a good excuse for us to be together. I know that we're having many problems right now and I shouldn't be selfish. But I need him beside me because I need someone to lean on.

I'm still recalling if I had brought all important things dahil feeling ko may nakalimutan ako. Kaso di naman ako makapagfocus sa pagiisip dahil sa daldal ni Jon. Marami pa itong ikinwento kaya ayun tuloy para kaming baliw sa daan and worst ay kami nalang pala ang hinihintay sa school. We're late!

"Sorry po," sabi agad ni Jon pagdating namin. They're already in the van, lahat halos ay tahimik dahil it's still 3 in the morning.

There are only two spaces left, one beside Pola and the other one is on Jerome's side. Gets na agad namin ni Jon kung saan uupo.

Sa Tarlac gaganapin ang RSPC at halos isang oras mahigit lang ang tatakbuhin ng aming biyahe. Opening program lang ang meron kami ngayon at bukas pa ang main contest. Hindi ako makatulog ngayon dahil naghihintay parin ako ng text nila mommy at kuya.

"Tss," mahinang sabi ni Jerome kaya't napatingin ako sakanya. Inis itong nakatingin sa kanyang phone.

"May problema?" Bulong ko sakanya. Nagulat naman ito sa biglaan kong pagsasalita ngunit agad din itong ngumiti.

"Wala babe, yung transferee lang kasi sa Grade 11, yung ina-eye nila Maam Rikka na baka maging officer next year, panay ang text sa akin," halata ang pagkaasar sa tono niya. Iniabot pa nito sa akin ang phone niya para makita ko.

From: TWC - Jasmine
Hi Kuya

From: TWC - Jasmine
Kuya Jerome, may meeting po ba bukas?

From: TWC - Jasmine
Kuya, congrats po nakapasok kayo sa DSPC, sana all.

From: TWC - Jasmine
Kuya, ingat po kayo.

Marami pang text si Jasmine sakanya at dalawang beses lang ata nagreply si Jerome. Dati pa pala nagtetext ito sakanya, I wonder why he doesn't even spend time to reply eh nakakapagtext naman siya sa akin.

"Ba't di mo replayan?" Nagtatakang tanong ko.

"Is this a kind of test from you? Of course, I don't reply usually to other girls. I'm committed to you," nakangiting sabi nito and there goes the guilt feeling savoring my whole system. I just smiled at him dahil the more I speak ay mas nadadagdagan pa ang kasalanan at kasinungalingan ko sakanya.

I really feel bad dahil heto si Jerome at nagpapakaloyal boyfriend sa akin while I'm here accepting a suitor... a suitor that I also like. Is it bad that I'm finally letting my heart choose? Am I being too much selfish?

"Aurora, baba na tayo," aya sa akin ni Jerome. Nasa Tarlac na kami at nakahanap na sila ng fast food for breakfast. Wala na naman ako sa mood dahil hindi parin ako kino-contact nila Mom at patuloy kong naaalala ang mga problema. Anxieties.

"May sakit ka ba?" Hinawakan pa nito ang aking noo to check my temperature. "I'll order for you." Nakangiting sabi nito and he left me on the table to wait for him.

Isang linggo na akong ganito lalo na kapag wala akong kausap or kasama. Lagi kong naiisip ang mga problema kaya buti nalang ay wala rin ako sa bahay. Dahil kung naroon ako'y wala na naman akong maayos na tulog, hindi rin ako kakain at iiyak nalang ako buong araw. The contest is a nice escape.

Unplanned Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon