Kabanata 7 - Bago

74 16 0
                                    

"Good evening, Aurora."

Why is he here? Laking gulat ko nang batiin ako ni Jon, ang bago naming kapitbahay. Nginitian ko lang siya at dumiretso na sa dining area. There I saw a little version of Jon, the kid also has the same deep dark brown eyes, but he looks gentle.

"Nung wala ka pala ay nakausap ko at nakilala ko na yung kapitbahay natin. Laking gulat ko na it was Becca, yung kinekwento ko sa'yo na college bestfriend ko kaso we lost contact of each other," masayang kwento sa'kin ni mom nang makaupo na kami.

"So why are they here?" Tanong ko at tsaka ko lang narealize na rude pala ang pagkakasabi ko.

"Anak." Medyo nagalit si mommy sa tanong ko. "Becca will be managing their business here, madalas maiiwanan ang dalawa sa bahay, the kids are still new here kaya I suggested na pwede sila tumungo rito when their mom is not around. Tsaka may sakit ang Lola nila so si Becca ang madalas na nakabantay."

"Ah," yun lang ang naisagot ko kay mommy sabay tingin kay Jon, "I'm so sorry, I was a little bit rude kanina."

Tumango sa'kin si Jon, "Yeah, it's fine. By the way, my brother, Dave." I waved to the little boy and he smiled at me. The dinner finished swiftly. Sila mommy lang ang panay usap habang ako'y nagmadaling kumain upang makapagpahinga na dahil pagod ako sa biyahe.

Naging busy kami sa mga huling araw ng buwan ng Mayo. Ngayon ay kagagaling lang namin sa catering service na kukuhanin namin for the food tasting. Nakabubusog.

"Can we go ahead sa mall?" Tanong sa akin ni Jerome matapos kami sa food tasting.

"Sige, I have to buy a new calculator for school." That's how the both of us date. Madalas ay gumagala lang kami sa mall. Nag-iikot, just like normal friends.

Mabilis na lumipas ang mga araw since busy kami for the party. Marami pang kulang pero may event organizer naman kami kaya mas napapadali ang lahat. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil first day of classes namin.

Jerome and I are both Grade 12 Students at ABM ang aming strand. Hindi na kami nagkahiwalay ng section nito since then. Hindi kami sabay pumapasok ni Jerome because I always prefer to walk dahil malapit lang din naman ang school sa aming bahay, like my old school before. I want to enjoy breathing fresh air every morning. Marami rin namang naglalakad so it's safe.

Pagkadating ko sa school ay palisawlisaw na ang mga estudyante. Ang iba'y aligaga sa paghanap ng kanilang sections. Maaga akong nakarating sa classroom dahil alam ko na kung saaan ako. Laking gulat na nandoon na agad si Jerome dahil madalas ay nauuna ako sakanya. Pagpasok ko ay agad siyang kumaway.

"Babe!" He called me, "I saved a seat for you."

Nakita ko ang pagtingin sa akin ng mga kaklase ko, ang iba'y nang-aasar. Hobby nila 'yon.

Matagal bago ako nakapag-adjust sa Autumn High (AH). At first, I really isolated myself sa lahat to the point na si Jerome lang ang kinakausap ko. But he eventually guided me at doon nagsimula na makakilala pa ako ng ibang tao. AH became the home of my freedom. Bumalik rin ako sa dating ako, but still with the remains of everything.

Kung dati ay kinaiinisan ako ng iba lalo na ng mga younger batches dahil when I came to the scene ay tila hinadlangan ko na ang mga buhay ng fangirls ni Jerome. Sa una'y sobrang nahirapan ako lalo na at panay ang tingin nila sa akin at bulungan. But eventually they've accepted it. Lalo na ng ipinakilala na akong girlfriend nito. The respect was gained back slowly.

"Good morning class, this year ay may isang transferee na madadagdag sa section ninyo, galing siyang ibang bansa, so please come in," sabi ng aming adviser, Ms. Romalyn.

Unplanned Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon