Kabanata 15 - Sagot

36 10 0
                                    

"Daniel Jones Ruiz, 18, representing 12 ABM A!"

"Aurora Vanessa Ynez, 17, representing 12 ABM A!"

Malakas na sigawan ang namutawi sa auditorium. Nakita kong nagtatatalon pa ang aming adviser at mga kaklase. Gusto ko sanang tumawa ngunit kailangan kong magfocus.

Umikot na ko't nagsimulang maglakad papunta sa gitna ng stage kung saan kami magpapangabot ni Jon. I can say that we're both doing it flawlessly like how Madam Yuri would like it. Nakarinig muli kami ng malakas na tilian.

Agad rin kaming nagpalit ng damit para sa next part, the Sportswear. Buti nalang at hindi na ako masyadong nagrereact over this things. I am wearing a blue and white combination of a tennis outfit, worried kung maayos ko bang magagawa ang routine.

Nireretouch ako ngayon habang nanonood na lang muna kami sa tv namin sa backstage dahil boy's na ang nakasalang. There I saw Jon smiling big and wide while wearing a blue and white basketball outfit. Perfect ang bawat drill niya. I hope I can do the same.

"Candidate number 7, Aurora Vanessa Ynez," the host uttered.

Agad akong pumasok at rumampa with my chin held up. Nasa gilid na ako nang bigla kong nahulog ang raketa at nagulat ang lahat. I managed to smile at agad na nagawan ko iyon ng paraan. Malakas na naghiyawan ang audience, sana'y hindi naging halata ang pagkakamali ko.

Malungkot tuloy ako pagkadating sa backstage but Madam Yuri tried to uplift me, " Kahit nagkamali ka'y maganda parin yung pagkakahulog mo! Parang naging part ng routine!"

Lumapit sa akin si Jon na ngayon ay naka-tuxedo na, "You did well. Malapit nang matapos, we can do this," he said as he smiled. I changed into my champagne colored long dress for the formal wear.

"Ms. Aurora, how are you feeling today?" The host asked.

"I'm feeling good!" Masayang sabi ko kahit na mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaba. Nasa gitna ako ngayon for the question and answer. There's just one question for all of us kaya naka head phones kami so that we won't be able to hear our co-contestant's answer.

"What if someone you love left you and suddenly returned? Are you up for second chances?" I was caught off guard. Bakit saktong sakto naman ang tanong sa'kin?

I answered with full honesty, "No, because if that someone you love already leave then they don't deserve you. If you love someone, then you should stay. Accept whatever is going through and fight together, there's no point in leaving," I answered as I felt my eyes tearing up but I managed to smile.

Sana tama ang sagot ko.

"Our Mr. Autumn High is no other than..... Candidate Number...7! Daniel Jones Ruiz!" biglang naghiyawan ang madla.

He really deserve it dahil Jon owned the stage. Habang inaabot niya ang award ay sumulyap pa ito sa akin at ngumiti. Kinabahan tuloy ako lalo. I just clapped my hands.

Tinawag na ang 2nd runner up... then 1st runner up... Nawalan na ako ng pag-asa dahil marami pang magagaling na kalaban ko ang hindi pa natatawag. I just accepted that I lose.

"And now... this year's Ms. Autumn High is no other than...Candidate #...7! Aurora Vanessa Ynez!" Nabingi na ako and I can't believe that I won. Agad akong naglakad sa gitna, hindi na napigilan ang aking luha sa pagtulo.

"See! You did it!" Masayang ani ni Mary habang pinapasa ang korona sa akin at pagkatapos ay niyakap niya ako. Pinagtabi na kami ni Jon and then he mouthed me, "I'm proud of you." Hindi parin talaga ako makapaniwala sa aking pagkapanalo.

Masaya ngunit nakakapagod dahil maraming nagpakuha ng litrato sa amin ni Jon ...especially from the lower grades. Pinagkaguluhan naman kami ng section namin at napatigil nang bigla silang nagtilian.

Unplanned Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon