"Si Jon pala ang partner mo sa pageant, nak?"
I was eating my favorite pancakes when mom asked. Bigla tuloy pumasok sa aking isipan ang kahihiyan ko kagabi at napasapo ako sa'king noo. Kailangan kong bilisan kumain dahil panigurado ay sasabay nanaman papasok si Jon and I don't want to see him dahil nahihiya talaga ako.
"Yes, mom. I forgot to tell you."
"Becca and I have hired a pageant trainor. Although model kayo pareho ni Jon, iba parin talaga pag pageant kaya magte-training kayo mamaya," I just nodded and focused myself on eating. talagang pinaghahandaan ni mommy ang first pageant ko.
"Okay, Mom. I'll go ahead na," sabi ko nang matapos sa pagkain. Kinuha ko na ang aking gamit at humalik sa pisngi ni mommy upang makaalis na agad. I checked the time at mas maaga ito sa normal na alis ko tuwing umaga papasok sa school.
"Good morning, dancerist."
Napatalon ako paglabas ko ng gate ng makita si Jon. Tinakpan ko ang aking mukha habang naglakad nang mabilis. Seryoso niya akong binati pero alam kong nang-aasar lang ito.I don't know that he has this side as well.
"Why are you not on your usual self?" Sabi nito habang binibilisan ang lakad upang masabayan ako. Parang mas gusto ko na ang masungit na pagkatao nito kaysa sa mapangaasar na kaharap ko ngayon.
Hindi ko ito pinansin at hindi rin naman ito nagsalita ulit as we reached the school.
Pagpasok sa classroom ay katahimikan ang bumungad sa amin. Maybe because of our assignment in Accounting, buti nalang at nagawa ko na ito kagabi pa lang. Jerome is busy talking to his friends but he managed to greet me. Pagkababa ko ng bag ay lumapit na ako kaagad sa mga kaibigan ko to check if pareho kami ng answers.
"Anong final answer mo, Au?" tanong ni Jamie na tila tapos na rin sa kanyang assignment.
"563,203, same ba tayo?"
"Yes," napatingin kaming lahat kay Jon dahil sumagot ito. Naalala ko na naman ang pang-aasar nito.
"Di ikaw tinatanong ko," sabi ko as I rolled my eyes on him.
"Am I talking to you?" I chose not to answer him and just continued talking with my friends.
Buti nalang at pareho rin kami ng final answers ng girls. Pero di parin natin sure, pwedeng balanse pero mali ang sagot. Nagchikahan nalang muna kami lalo na't maaga pa.
"The pageant is 3 weeks from now, Au. May talent ka na?" Mary asked. She's really interested sa pagsali ko.
Sa totoo lang ay wala pa kong naiisip for my talent. Kumakanta naman talaga ako at sumasayaw pero nahihiya parin akong ipakita sa iba ang side ko na iyon.
"May talent na 'yan," Jon interrupted once again and there I saw him smirked. Will he tell them what happened last night? Nagulat ang mga kaibigan ko dahil minsan lang ito magsalitasa room. Alam ko na ang sasabihin niya kaya tumakbo ko papunta sa kanya.
"Ano?" The girls demanded.
"Kahapon nag-jsksnsizns," di natuloy ni Jon ang kanyang sinasabi matapos kong takpan ang kanyang bibig at nagtawanan naman ang aking mga kaibigan.
Tinabig ni Jon ang kamay ko, "Kadiri." Dinaig pa ata ako ito sa kaartehan! Pinalo ko ito sa braso and he chuckled. Masaya siguro siya na naasar ako. I smiled at him because slowly he's becoming comfortable in class.
"Looks like you're having fun," napabaling ang tingin ko kay Jerome na ngayo'y naglakad na palabas.
"Au, follow him," sabi ni Ruth na kinakabahan na rin. Kahit hindi niya naman sabihin ay gagawin ko talaga iyon. Sinundan ko si Jerome at nakita kong umupo siya sa may study area.
BINABASA MO ANG
Unplanned Love - COMPLETED
Romance"Isama mo naman ako sa plano mo..." Upon losing her dad, Aurora Vanessa Ynez lived her life by following the plans of the people around her. Paano kapag ang lahat ng kailangan mong gawin ay nakaplano at nakatakda na? Paano kung sa bagay na iyon nak...