Dumating na sila Mommy at Kuya at naaubutan nilang nandito parin si Jerome. Uuwi na sana ito ngunit ipinilit nila na sumabay na si Jerome sa dinner namin. Dire-diretso lang si mommy sa dining area at hindi manlang binati ang binata.
"Oh, it's your anniversary?" Nang-aasar na tanong ni kuya. Buti nalang at ito narinig ni Jerome.
"Yeah, he surprised me," mahinang sabi ko at tinawanan lang ako nito.
Nagsimula na kaming kumain ngunit tahimik parin si mommy.
"Jerome," seryosong sabi nito. Bakit kakaiba ang kinikilos ng aking ina? "How's the preparation for the engagement party?" She said ng hindi manlang ngumingiti. Why is mommy acting weird?
"Almost done po tita. The invitations will be soon released po, it will exactly happen a month from now," di ata ako makakain sa sinabi nito. Ang lapit na.
Soon, everything will be official. Hindi pa nangyayari but I already feel suffocated.
"Kelan ninyo kami balak i-update patungkol doon?" Kapag party na?"
"Mommy," seryosong sabi ko. She didn't even looked at me.
"Sorry po tita. I thought Lolo is talking to you po, yun ang sabi niya."
Tumahimik na si mommy so I thought the dinner will be peaceful but kuya spoke, "I need to go."
"Huh? San ka pupunta?" Nagtatakang tanong ko. Gabi na at hindi pa ito tapos kumain.
"I-I just need to meet someone," he said and kissed me and mommy goodbye.
Si mommy ay umakyat na kaagad sa kanyang kwarto pagkaalis ni kuya. Di kalaunan ay nagpaalam na rin si Jerome.
"Sorry for what happened," sabi ko kay Jerome. Pasakay na ito sa sasakyan nila. Agad nito akong hinaltak at niyakap, "No problem. Happy Anniversary, I love you." Hinalikan niya ko sa noo and I just smiled at him.
Sorry for everything, Jerome.
My mind is so occupied. Something is wrong with mommy at maging sa pag-alis ni kuya. And here am I knowing nothing. Nakaalis na ang sasakyan nila Jerome at napabuntong hininga ako.
I need someone to talk to. I checked my phone pero wala pa rin itong text mula kanina.
Ayokong pumasok muna kaya't nanatili ako sa labas. Naupo muna ko may sidewalk. I better wait for kuya dahil it's easier to ask him.
Matagal akong nagmuni-muni sa labas nang napansin na may nakapark na isang black van. Dead end na ang bahay namin at wala rin naman kaming ganyang sasakyan. I was about to go near it nang marinig kong tumunog ang gate ng kapitbahay.
"Where are you going?" Nagtatakang tanong ni Jon. Naglakad na ako pabalik sakanya.
"Uhmm, is that van yours?" Tanong ko at itinuro ito. Agad itong umiling at sumeryoso ang itsura, "Let's go inside."
Hinatak na ako nito papasok sa aming bahay. He immediately closed it.
"Why? May problema?" Tanong ko.
"Tss. I've seen that van roaming around the village this past few days. Don't go near it, huh?" Seryosong sabi nito at agad na tumango.
"Bakit di ka nagreply?" I said as I crossed my arms. Natawa ito at mahinang pinitik ang noo ko.
"Aray!" Pinalo ko ito sa braso. Tumawa lang ito.
"Baliw ka ba? I just didn't text para hindi mahalata," nakangising sabi nito. Proud na proud na naman siya dahil nagamit niya ang isip niya.
BINABASA MO ANG
Unplanned Love - COMPLETED
Romance"Isama mo naman ako sa plano mo..." Upon losing her dad, Aurora Vanessa Ynez lived her life by following the plans of the people around her. Paano kapag ang lahat ng kailangan mong gawin ay nakaplano at nakatakda na? Paano kung sa bagay na iyon nak...