Kabanata 13 - Maling Pinto

45 13 0
                                    

Kasalukuyang nakapila ngayon si Jerome upang bumili ng pagkain namin habang ako nama'y nakaupo kasama ang aming mga kaibigan.

"Alam mo, Aurora. Hindi naman sa dinadagdagan ko ang kaba mo pero magaling yung taga section B ng stem! Siya yung nag 1st runner up kay Mary last year, di ko nga alam kung bakit nanalo pa tong si Ma--aaaray!" Di na niya naituloy ang kanyang sasabihin ng bigla siyang pasukan ng tinapay sa bibig ni Mary.

"Alam mo, Grey, ay oops! Wala ka nga palang alam," pambabara ni Mary kay Grey, kaibigan ni Jerome.

Usually kami ang sabay sabay kapag breaktime. Jerome is with his friends Grey and Harold habanag kasama ko naman ang tatlo kong kaibigan. Madalas rin ang pag-aasaran ni Mary at Grey, di na ko magtataka pag sila ang nagkatuluyan.

"Don't mind what Grey said," singit ni Jerome dala ang pagkain namin. Agad niyang inayos ang burger ko upang makain ko na ito at inabot sa akin.

"Yeah... Pero I'm still kinda nervous. Halos lahat ng kasali ay sanay mag pageant. Ako lang ata baguhan sa mga yon," kinakabahang sagot ko sakanya sabay kagat nalang sa pagkain.

"Nasaan na ang girlfriend kong matapang?" Sabi ni Jerome at talagang tumitingin tingin pa siya sa paligid at pati na rin sa ilalim ng lamesa.

Natawa ako sa ginawa niya at aaminin kong lumakas ang aking loob. Everything feels so good with Jerome. His support never fails to uplift me.

"Basta wag ka ng kabahan, babe! I'll still accompany you sa ibang practices. Magdadala pa ko ng banner," dagdag pa ni Jerome at pinalo ko naman ito sa braso habang tumatawa.

"Baliw," sabi ko.

"Baliw sa'yo," napalakas ang pagkakasabi niya kaya nakigulo na ang aming mga kaibigan.

"Ganoon pala dapat para makuha ang atensiyon ng babae, may bago na naman po tayong natutunan mula kay Master Jerome," sabi ni Grey habang tumatawa. "Subukan ko nga sa'yo, Mary! Bilis sabihin mo yung line ni Aurora."

"Baliw," natatawang sabi ni Mary na nagpa-uto na kay Grey.

"Baliw ka!" Biglang tumakbo si Grey nang makita na tumayo na si Mary.

"Hoy, tumigil nga kayong dalawa! Ako ang mapapagalitan sa inyo!" Nagulat kami ng biglang sumigaw si Jamie.

Hinawakan ko ang kamay nito upang mapakalma siya. Alam kong SG president ito, pero bakit tila mabigat ang pagkakasabi niya sa dalawa kahit na naglolokohan lang ito. Nag-abot ng tubig si Harold kay Jamie. Tinanggap niya naman ito at ininom.

"Sorry na girl! Don't be so stressed out," nakangiting sabi Mary ngunit kita mo ang pagkagulat sa kanyang mga mata, marahil ay nabigla sa pagkagalit ni Jamie.

Tumango lang si Jamie at nagpatuloy nalang siya sa pagkain. I pressed her hands and asked, "You good?" She didn't responded kaya't napabaling naman ang tingin ko ngayon kay Ruth upang humingi ng tulong, pero umiling lang rin ito. I guess she doesn't need our interrogations now.

Dahil mukhang hindi parin ayos ang aking mga kaibigan ay inimbitahan ko sila sa bahay upang mapanuod ang aking final practice for the talent portion.

Nakasakay kami ngayon sa sasakyan nila Jerome dahil sasama rin siya sa amin. Naging madalas rin ang binata sa bahay dahil nga kinuha ko siyang partner para sa sayaw ko, wherein gaganap siyang Prince Phillip.

"O, nandito rin pala sila Jamie," bati ni Mommy sa aking mga kaibigan pagdating namin sa bahay.

Sandali lang ang naging practice ngayon kaya't saktong dinner ay natapos kami. Inabutan muna ako ng tubig ni Jerome after naming sumayaw.

Unplanned Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon