***Reporting sa klase***Ngayon nga ay nasa classroom kami at dahil reporting ayan may kanya-kanya kaming mundo. Ako at si Melissa nagbabasa ng Ebook, si keziah katext ang bf niya, habang si Ana Fe, Sarah, at Airah ayon! As usual ano ba ang ginagawa namin edi! nag chikahan... at wow! Amazing si June nagsusulat? Ano kaya nakain nito? Ibig sabihin nakikinig siya at nag t-take note. Wow! I'm so proud to my friend! Talagang nagbabagong buhay na si June teka di naman new year ah... para mag bagong buhay! Hay! Wag na nga lang makialam analie magbasa ka nalang ng Ebook sa Cell Phone mo.
O__O mata ko yan! Ng paglingon ko kay june! Akala ko ba nagbagong buhay na ito eh.. ano tong nakikita ko ngayon. Si June at Ana kina Airah na at Melissa na naka harap. At sakto pa talaga paglingon ko. Pak!! Sapol sa mukha si Melissa pinalo siya ng notebook ni Sarah at timing sa mukha niya tumama. Alangan naman di kasi sila nagkasundo sa narrative report namin sa P.E eh...pasensiya na guys ganyan lang talaga kami kung maglambingan nag pipisikalan. kaya ngayon ang mukha ni Melissa di maipinta naka kunot ang noo, magkasalubong na kilay at nakangangang bibig eh.. sa kayo daw ba ang magulat. Kaya, ang sakit talaga ng tiyan ko kakatawa. Ang mahirap pa kailangan kong tumawa ng walang ingay na lumalabas sa bibig ko kasi may klase nga diba!
"alert sa Dengue"
Kakatawa pa nga lang namin, pumalit kaagad ang problema. Papunta kami ngayon sa San Pedro hospital si keziah kasi naka confine doon dahil sa dengue at mababa na masiyado ang platelets niya umabot na ng singko. Kaya ito kami at kinakabahan na masiyado lakad takbo na ang ginagawa namin.
Lakad
Takbo...
Lakad...
Takbo...
June: anong room ba si keziah?
Sarah: room 6 daw sabi ng mama niya! Natataranta na talaga kami.
Ana Fe: ito room 6!
Papasok na sana kami ng may lumabas na doctor mula sa loob.
Melissa: dok, kumusta po ang pasyente sa loob?
Airah: mga kaibigan niya po kami..
Doktor: I'm sorry pero wala na siya.. at umalis na ang doctor..
Parang gumuho ang mundo namin sa aming narinig. Nagsimula ng tumulo ang mga luha sa aming mga mata.at agad na kaming pumasok sa loob at nakikiiyak na sa umiiyak doon sa loob.
Ana Fe: wala na si Kez, wala na ang kaibigan natin!
Wala na kaming pakialam kahit sino man tong mga kasama naming umiiyak.
Melissa: bakit mo kami iniwan kez???
Analie: diba g-graduate pa tayo.
Sarah: sabay pa tayong maghahanap ng trabaho diba???
June at Airah: kez, gumising ka!!!
Huhuhu!!!!!!
Sandali! Bakit biglang tumahimik at feeling ko kami nalang ang umiiyak ngayon huminto kami sa pag-iyak at lingon sa kanan, lingon sa kaliwa, at humarap sa mga taong nandoon at pinagtitinginan kami.
Analie: sandali kilala niyo ba sila??
Sarah: hindi ko kilala eh,,.... Kayo kilala niyo ba??
Hindi!! Sabay naming lima.
June: wag niyong sabihing mali ang room na pinasukan natin.
Ana Fe: sandali, room 6 tong pinasukan natin diba??
Naguguluhan na ang mga taong nakatingin sa amin.
Airah: excuse me po, room 6 po ba ito??
Girl 1: naku mga hija, nagkakamali kayo room 9 ito.
Ana Fe: pero room 6 po yong number sa labas.
Boy 1: naku! Iyon ba pasensiya na kayo! Nasira iyon kanina ng magwala ang nobyo ng anak namin dahil di niya matanggap ang pagkawala ng anak namin.
Ganoon po ba.. pasensiya napo kayo sa abala..
Condolence po at tumango nalang pareho yong mga nakausap namin.
Nakakahiya naman oh! May mga boys pa namang nakakita sa katangahan namin kanina. Tse! Ano bayan may sakit na nga ang kaibigan namin at ito pa talaga ang inisip ko. At ayon nagtulakan na nga kami palabas.
Pumasok na talaga kami sa totoong room 6 at andoon nga si kez naka upo sa bed at ang putla. May sakit nga diba.
KEEEEZZZZZZ!!!!!!!!!! At niyakap namin siya.
Keziah: guys, di ako mamamatay sa dengue nito eh... mamamatay ako dahil sa inyo! Hindi ako makahinga ! please space naman pag may time..
Sorry!!! Sabay naming anim.
Keziah: ano ba nangyayari sa inyo? Tingnan niyo nga yang mga mukha niyo parang kayo pa ang may sakit eh..
Melissa: sorry kez!! Kung mukha kaming may sakit huh... may iniyakan kasi kami don sa kabilang kwarto , nakiiyak kami.
Tumawa siya at nagtanong kung bakit... kahit sabihin ko pang wag ng ikwento hay naku! Mapipigilan niyo ba tong mga kasama ko kaya si keziah pinagtawanan kami. Dito narin kami kumain dala kasi namin ang mga paborito naming siomai at chicken skin at syempre pinapa- inggit lang namin si keziah kasi bawal pa siyang kumain ng mga ganito. Hahahaha sige pagtawanan mo pa kami ngayon ikaw naman pagtatawanan namin kainin mo yang sandamakmak sa dami na durian diyan sa table mo may dengue ka diba pwes! Yan ang kainin mo. At hapon na kami umalis ng ospital.
Lesson Learned:
Wag! Basta- basta papasok ng room. Siguraduhin muna kung tama ba ang pinasukan mo kung ayaw niyong matulad sa amin. False alarm lang pala.

BINABASA MO ANG
Tropang Walang Iwanan
HumorIto ay kwento ng magkakaibigang hindi ko alam kung paano naging magkaibigan. Pero isa lang ang masasabi ko pasaway man at mahilig sa mga kalokohan. Pero masasabi kong sila ang aking tropa na kahit kailan ay di nang-iiwan. Sa kainan, kwentuhan, kulit...