"June's Birthday"
Ang bilis talaga ng araw katatapos palang ng birthday ko tapos summer na. Tapos pasukan na ulit. At ngayon birthday na naman ni June!
Si Melissa nauna na kina June siya ang spy namin ngayon!
at hinihintay namin ang text niya!1 new message: From Melissa
Guys! punta na kayo dito susunduin na ni June si hannah dalian niyo huh!!!
June's POV
Kainis naman tong si hanna oh!! di ba naman alam ang daan papunta sa amin ito tuloy ako birthday na birthday ko nanunundo pa ako ng kaibigan.
1 new message receive.
2 message receive
3 message receive
4 message receive
5 message receive
Sino ba itong text ng text pag isa lang ang sender nito lagot talaga tong taong to eh...
kaya binasa ko..
From Pastora Analie:
June! sorry di pala ako pwede may gagawin ako sorry! Happy Birthday June!
From Ana Fe:
June! sorry overtime ako sa Mcdo ngayon! Happy Birthday June!
From Airah:
June nasabi naba sayo ni Ana overtime kami ngayon sa Mcdo sorry! kaming tatlo ni sarah wala daw load kasi si sarah eh... Happy Birthday June!
From Keziah:
June!! huhu Happy Birthday June! sorry di ako pinayagan ni mama eh.. sorry!!
Nanghina ako bigla at nawalan ng gana ano ba naman to oh!! sa lahat ng araw na pwedeng busy sila ngayon pa talaga na birthday ko salamat guys huh salamat... So ngayon tatlo lang kami ni Melissa at Hannah ang kakain sa mga niluto namin wow! galing! maliligo kami ng dagat ng kami lang tatlo kainis!!!
*** ****
Papunta na nga kami ni Hannah sa may beach club wala na akong gana!
Pagdating don!!
AAAhhh!!! may nagtapon sa akin ng tubig!!
Sino ang may gawa nito kainis!!!
pagtingin ko O___O! gulat ako masyado lahat ng mga nag text sakin na di sila makakapunta ay nandito at bago ako makapag react.
HAPPY BIRTHDAY JUNENALYN!!!!
aaaahhhhh!!!! full name ko pa talaga ang sinigaw!!!
sa inis ko ay pinaghahampas ko sila lahat akala ko tatlo lang kami ngayon...
Kaya ayon tawanan! hilahan papunta ng dagat!! kainan!! at ang saya ko talaga akala ko wala talaga ang mga bruhang to eh!!!

BINABASA MO ANG
Tropang Walang Iwanan
HumorIto ay kwento ng magkakaibigang hindi ko alam kung paano naging magkaibigan. Pero isa lang ang masasabi ko pasaway man at mahilig sa mga kalokohan. Pero masasabi kong sila ang aking tropa na kahit kailan ay di nang-iiwan. Sa kainan, kwentuhan, kulit...