Chapter 3

5 1 0
                                    

First Day este! First Night of School"

Riiinnnnngggggg!!!!!! Si Sarah tumatawag Hello insan sagot ko. Insan mag reserve ka ng tatlong upuan for us-Sarah

Me:sige insan kanino yong isa?? Sarah: para kay Keziah anak ng pastor namin. Me: ah! Ganoon ba sige- sige!!

At nagtabi nga kaming tatlo. Gaya ng nakasanayan isa-isang nagpakilala every subject. Paulit-ulit kong naririnig ang mga names ng mga classmates ko, alangan ba naman four subjects every night. Every night kasi Evening program kami. Ayoko sana mag evening pero anong magagawa ko??

Mag protesta sa harap ng president ng School???

Naku!! Puputi nalang siguro ang uwak ay wala paring nangyayari.. Kasi naman full nayong day program.

Haay!!! Ang ingay-ingay ng mga kaklase ko samantalang kaming tatlo ay tahimik lang sa aming upuan. Simula ng magsimula na ang klase ay kami-kami narin ang nagsasama kasi feeling namin kami lang ang nagkaka intindihan at nagkakasundo very hyper kasi ng iba naming mga kaklase eh...

Tuwing uwian naman ay sumasabay ako sa SASA girls namely: Melissa, Ana Fe,Airah Lou at June at syempre kasali din ako don kasi taga Doña Salud Sasa ako.

Kapag nasa sasakyan na kami napaka ingay ng mga kasama ko kung saan-saan napupunta ang topic kaya di maiwasang pagtitinginan kami ng mga taong kasabay namin at minsan pa nga ay sinasaway kami dahil sa sobrang ingay.

Kung mag j-joke naman sila ako ang nagiging hurado kapag tatawa ako ibig sabihin nakakatawa yong joke pag hindi naman it means WAALLEEYY!! Ang joke mo.

Tuwing Sabado, ang mga Sasa girls at si Keziah ay sa Boarding House ni Sarah naglalagi doon kami kumakain at natutulog din minsan tuwing tanghali in short don ang tambayan namin. Kahit maliit lang ang Boarding House na iyon ay nagkasya kaming pito, paano ba namang hindi magkasya kapag matutulog kami, tatlo sa may bed at apat sa sahig kaya kapag lalabas ka dahil naiihi kana at masyado pang himbing ang pagkaka tulog nila;

Pigilan mo nalang muna para di mo sila maiistorbo sa tulog.

In short para kaming mga sardinas sa loob.

Unti-unti nga ay naging close na kami sa isa't-isa kami lang naman din kasi ang laging nagsasama.

Oo nga pala kami ay nag-aaral sa isang tanyag at nangungunang paaralan dito sa Pilipinas isa itong public but very standard ang pagtuturo sa madaling sabi mura at kalidad.

Kapag ikaw ay nag-aaral sa paaralang ito iisipin ng mga tao na ikaw ay matalino, minsan nga titingnan ka nila from head to toe lalo na't parang di ka kapani- paniwalang matalino ka.

Napakahirap pumasok sa school na ito may entrance exam pa two hundred items lang naman at sasagutin mo in two hours ang tataas pa ng mga stories, situation at etc. ibig sabihin wala lang isang minuto para sagutin mo ang isang numero. At ang resulta ng exam na iyon ang magsasabi kong pwede kaba sa kursong kukunin mo.Pag hindi okay Goodbye!! Ililipat ka nila sa ibang kurso na mas fit daw sayo.

Kung tatanungin niyo kami kung bakit kami nakapasok sa paaralang ito??

aba! malay din namin siguro ay matatalino lang talaga kami.

Feeler!! Baka kasi iisipin niyo ginamitan namin ng spell yong mga teachers

hindi ah..!!

Basta nagpapasalamat nalang kami sa Maykapal at kami ay nakapasok at nakapag aral sa paaralang ito.

*****

Tropang Walang IwananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon