Si Hannah na ang Giver!!
punuan na ang mga sasakyan kasi umuulan eh... Ginugutom na talaga ako ay! kami pala! nakalimutan ko may mga kasama pala ako.
Hannah: Guys! tara sa Mcdo!
Melissa: wow! rich Kid!
Ana Fe: Libre mo???
Hannah: bakit sinabi ko bang kanya-kanyang bayad!?
Airah: so libre nga??
Hannah: wag na nga lang!!
Ana Fe: Hannah naman joke lang kaw talaga!
Pagkapasok namin sa may Mcdo humanap na kaagad kami ng pwesto at pinabayaan na si Hannah mag-order. At umupo na kami na parang mga reyna na naghihintay ng pagkain.
Hoy! Guys! di niyo ba ako tutulungan? ang bigat oh! sigaw ni Hannah sa amin habang bitbit niya ang tray ng order namin.
Kainan na!!!! 1 piece chicken And rice with drinks. Wala na bankrupt na si Hannah ang dami niyang pinakain.
*__* Thanks Hannahbebs! ang pa cute naming sabi.
Hannah: Your Welcome! wag na kayong pa cute di bagay sa inyo! Di joke lang pero di ko na dadagdagan yang kinain niyo tama na iyan.
Busog ako masiyado Thanks kay bata. At ito kami malapit na sa may San Pedro naghahanap ng masasakyan
Lakad!!
Hinto!!
Lakad!!
Hinto!! at bigla kaming tumawid without looking sa traffic light na naka Go pala kaya yong mga sasakyan nagtakbuhan na kaya
Aaaaaahhhhhhhh!!!!!! nasa gitna kami ng kalsada at ng makita namin ang papalapit sa aming sasakyan ay tumigil na kami sa gitna. Dahil sa gulat at takot pinikit ko na lang ang mga mata ko akala ko katapusan na namin buti nalang... ang sasakyan ang umiwas sa amin.
Thank You Lord nakauwi pa kaming buhay!
" Char_An Break Up"
Andito ako ngayon sa canteen na pinag tatrabahuan ko at dahil masakit parin ang lood ko alam niyo na sa Never Talk Back to a Gangster ayon kinuha ko yong CP ko at nag type
" Sino ang mahilig sa Wattpad!! Guys may never talk back to a Gangster ba kayo??"
tapos send to all my contacts o diba nice Idea.
1 message receive!
From Chana (High School Friend ko)
Ako dhai meron!
Talaga ! see nag work ang plano ko.
To: Chana
Talaga yong kadugtong ng Talk Back and your Dead?
Chana:
Oo!
Yes! Yes! Makakabasa na ako Yehey! Hep! Hep! Hooray! Yehey ang saya- saya ko!
To Chana:
Pwede pa Bluetooth Chan??
Chana:
Of course! Basta ikaw! Lakas mo kaya sakin!
To Chana:
Thank you Chan. J asan ka ba ngayon?
Kung saan man siya ngayon pupuntahan ko talaga siya para mabasa ko na !
Chana:
Sa Iloilo dhai.
Tama ba ang nabasa ko o nahihilo lang ako.? Si Chana nasa Iloilo? Naman oh! Paano ko siya pupuntahan eh.. ang layo- layo non! Sige nga Analie punta ka ng Iloilo.
BINABASA MO ANG
Tropang Walang Iwanan
HumorIto ay kwento ng magkakaibigang hindi ko alam kung paano naging magkaibigan. Pero isa lang ang masasabi ko pasaway man at mahilig sa mga kalokohan. Pero masasabi kong sila ang aking tropa na kahit kailan ay di nang-iiwan. Sa kainan, kwentuhan, kulit...