Chapter 4

9 1 0
                                    

"Lagot kayo kay manong Guard"

Dito na nga nagsimula ang Tropang walang Iwanan. Asan ang isa andoon din ang lahat halimbawa pupunta ng c.r yong isa pupunta na ang lahat, ang isa ang iihi ang the rest ay haharap lang sa salamin. Isa pa kapag pupunta ng library ang apat susunod ang tatlo at ang tanging ginawa lang doon sa library ay ayon nag f-facebook wala namang nakabantay eh... talagang gumawa pa ng kalokohan sa loob pa mismo ng library huh...

Kaya kapag nasa boarding house kami ng pinsan ko sa paborito naming tambayan promise!! Parang sasabog ito sa sobrang ingay namin.

Kanta dito, kanta doon!

Hindi naman kagandahan ang mga boses.

Tok! Tok! Tok! May kumakatok po baka naguluhan kayo anong tunog yan.

-_- zipper your mouth guys at natahimik nga kami lahat ng mapagsino ang dumating.

Chananan!!!!! Ka boardmate ng pinsan ko.. Good Evening ate Queen!! Chorus naming anim ngumiti lang ito. Ang mga pasaway ngayon ay nagmukhang mga anghel parang mga di makabasag pinggan.

Di rin naman nagtagal ang ka boardmate niya agad din naman itong umalis kaya

PARTY!!! PARTY!!! At inilabas na nga ni sarah ang mga pagkaing dala niya mula sa kanila kaya biglang natahimik ang paligid at ang tanging naririnig ngayon ay ang tunog ng mga kutsara at ang pagnguya ng bawat isa.

Ana Fe: Grabe! Ang sikip na ng uniform ko, busog na busog talaga ako.

Melissa: busog daw, san kaya niya nilalagay yong mga kinain niya di man lang tumataba.

Nagtawanan ang lahat!!

Keziah: teka anong oras nab a?

Sarah: 7:00 p.m

Airah: ahh!! 7:00 ok lang...------------

HUH!!!!!! 7:00 na!!!! sabay naming lahat

Analie: naku! Lagot na tayo nito..

June: tara na!! kaya nagmadali na kaming nagpunta sa school wala kasi kaming first period 5:30-6:30 at ngayon nga late na kami ng thirty minutes sa second subject namin. Kaya nagdesisyon na lang kami na mag akyat bakod. Isa-isa na nga kaming nakatawid hooh! Pwede napala kaming mag akyat bahay nito.

Psssstttt!!! Anong ginagawa niyo----------Guard

Tttaaakkkkbbbooo!!!! --------June

Sa sobrang takot namin ay nakarating kami sa may center stage ng campus at hinihingal talaga kami eh sa kayo daw ang tumakbo syempre hihingalin talaga kami.

Keziah: naku lagot ako sa mama at papa ko nito.. habang tinatanggal niya ang mga hairpin sa buhok niya.

Melissa: ano na gagawin natin??

Airah: ana fe dali maghubad ka!

Ana Fe: syonga ! ka ba?? Bakit ako maghuhubad? Nasa kagipitan na nga tayo kalokohan pa yang iniisip mo.

Airah: dali na maghubad ka palit kayo ni June ng damit. magpalit-palit tayo ng damit. Kaya nagpalit- palit na nga kami ng damit. Kinakabahan pa rin talaga ako at nakokonsensya.

Analie: guys harapin nalang natin yong mga guard.

Sarah: tama! Harapin nalang natin consequence natin, kasalanan din naman natin diba kung bakit nangyayari ito satin.

Melissa: hoy! Seryoso paano pag isumbong tayo sa parents natin??

Analie: hindi yan, hindi na tayo mga elementary at high school. Kasi mas lalo nating pinapatagal mas lalo nating pinapalala ang sitwasyon. Ang mala MMK kong sabi natauhan din naman mga kasama ko at nagdesisyon na nga kaming puntahan sila manong guard.

AJA!! Sigaw naming lahat.

Pumunta na nga kami sa may guard house ngunit wala kaming naabutan ni kahit iisang guard doon. Siguro ay nag join force na sila kahahanap sa amin.

Ana Fe: hoy! Tingnan niyo oh! Camera!

June: camera?? Sabihin mo CCTV.

Ana Fe: parehas din yon! Eh may camera din naman na word ang CCTV ah!

Melissa: hali! kayo! Selfie- selfie tayo!

Sige!! ----- chorus ng lahat

Melissa: Sige! Peace sign! *__* v ! Look up! Look down!

Guard1: Kayo! Anong ginagawa niyo?!

O___O mga mata namin. Intensity 1 yong shock namin . pero saglit lang ito at agad naman kaming natauhan.

Sarah: manong guard sorry po..kami po yong umakyat ng bakod sorry po talaga.

Hindi napo mauulit sabay naming pito. At sabay-sabay pa talaga kaming yumuko lahat

Guard2: eh! Bakit ba kayo umakyat ng bakod??

Keziah: ma l-late napo kasi kami eh...

SORRY PO TALAGA!!! Sabi namin sincere nayan huh,.. kasi naka capslock!!

Guard3: sige pero warning na kayo pag inulit niyo pa ito ay i-rereport na namin kayo sa head namin.

OPO!! Mga manong guard promise di napo kami uulit.

Guard4: sige isulat niyo ang name niyo dito at pirmahan niyo. Sabay abot ng isang logbook.

At ngayon nga ay pabalik na kami ng room. Lesson learned: wag umakyat ng bakod lalo na't hindi niyo pag aari! Kasi baka next time mapagkamalan pa kayong akyat bahay gang.

Ana Fe: hindi ba kayo gutom!? Napalingon kami lahat sa kanya.

ANA FE! GUTOM KANA NAMAN!? Sabay naming anim....

Hay!!! salamat tapos narin ang klase inaantok na talaga ako sobra napagod ako kakatakbo kanina eh... at gaya ng inaasahan andito kami ngayon at naglalakad sa kahabaan ng Bajada high way... kanina tumatakbo kami, ngayon ay naglalakad naman kami nakakapagod na ah!!

bakit??? Naghahanap kasi kami ng sasakyan na kasya kami lahat kasi halos lahat ng dumadaang sasakyan ay puno na.

lakad..

lakad..

Melissa: alam niyo ba na kinabahan talaga ako kanina promise.

June: nakita niyo ba ang mukha ni Keziah nakakatawa talaga habang tinatanggal niya ang mga pin sa buhok niya promise...

Nagtawanan kami... hahahahaha!!!!!!!! Tawa po namin iyan tumawa nga kami diba...

Airah: Hoy! May sasa. Pero lumampas na ito di man lang namin napansin na may bakanteng jeep slash multicab ang dumaan dahil tawa kami ng tawa.

Melissa: tama ba ang nakikita ko Sasa ba ang rota ng nakikita ko paki klaro nga guys bulag kasi ako eh... (ikaklaro ko lang po wala po kaming kaibigang bulag hindi lang po talaga siya nakakakita pag malayo in short near sighted po siya.)

Sasa nga!!! *_____* Kami yan

At pinara na nga namin at nilampasan lang kami nito ngunit huminto naman kaya nagtakbuhan na kami palapit sa multicab para sumakay.

Takbo!

Takbo!

Takbo!

Malapit na guys ilang steps nalang ng bigla itong umandar at umalis. Ganoon lang bastosan! Napahiya kami don ah... as in nakakahiya...

Aaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!!!!! Burahin niyo nalang po mga pangalan namin sa birth certificate... ang daming nakatingin sa amin ngayon umulan! Kumulog at kumidlat sana at mawala lahat ng mga matang nakatingin sa amin.

Gora! Girls! Kaya natin to 1..2..3.. yuko at lakad ulit... After 48 years nakauwi rin naman kami..

**************

Tropang Walang IwananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon