Chapter 7

5 1 0
                                        

"Ana Fe & Char Love story Part I"

Isang tanghali habang nasa tambayan kami syempre sa boarding house ni sarah at masayang nag chi-chikahan about don sa kinema. Mag i-isang Linggo na mula nong festival pero ito kami at di pa rin maka move on sa panalo namin. Tawa pa kami ng tawa sa mga palpak namin na ngayon lang namin na realize at naisip.

Tawa!

Tawa!

Tawa!

Huh! Huh! -------------

Sarah: sino yon??

Keziah: may umiiyak ba??

Lingon lahat kay ana dahil ito naman talaga ang mula pa kanina eh... sobra ng tahimik.

June: ui! Anong nangyayari sayo?

Umiling lang si ana bilang sagot

Airah: sasabihin mo o tatawagan namin si char.

Ana fe: walang hiyang unggoy na yon.

Melissa :bakit?? Na seryoso na kami lahat. First time ko kasing makitang umiiyak si ana.

Ana fe: pina asa niya lang ako... huhuhuhu

ANO!!!??? Sigaw naming anim.

Ana Fe: nanliligaw siya tapos ngayon biglang nag back out. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya.

Analie: Psshhh!!! Tama na ann don't cry sayang yong mga luha mo. Maaayos din ang lahat okay....

Sarah: June tawagan mo nga si char.

Keziah: tama at papuntahin mo dito as in now! Na!...

Tinawagan nga ni June si char at dumating din naman ito agad.

Airah: lalabas lang kami huh... sabay senyas samin ng labas. Mag-usap muna kayo.

(Ana Fe's POV)

Nakayuko lang ako ngayon bahala siya sa buhay niya nakakainis siya.

Char: ana sorry na ui.... Di ko naman intension na sabihin yon eh...sorry na please...

At hinawakan niya mga kamay ko. Pero hinablot ko ito sungit nuh?? Eh sa naiinis ako eh paki niya ba!

Ana Fe: PAASA KA KASI!!

Char: psshh!! Don't shout. Mahinahon niyang sabi seryoso ako sayo hindi to joke lang di ko lang talaga sinasadya na masabi yon. Masisisi mo ba ako eh... nag selos lang naman ako eh... nakita ko kasi na nag-uusap kayo nong classmate mo na boy. Sorry na potchi...

Inangat ko ang mukha ko at tiningnan siya.

Talaga! Nagseselos ka lang??

Tumango lang siya at ngumiti. Kaya ngumiti na rin ako.

Char: so okay na tayo??

Tumango lang ako bilang sagot nagulat pa ako ng bigla niya akong niyakap kaya niyakap ko narin siya

Ana Fe: sige papasukin mo na sila. Ang mahina kung sabi kaya ang masunurin na si char ay binuksan din agad ang pintuan.

Arrraaayyyy!!!! Ang angal ng anim kung mga kaibigan ng ma stampede sila sa may pintuan kasi....

Ana Fe: nakikinig ba kayo sa usapan namin???

Tango-tango lang sila *__* v peace!!! Sabay nilang anim

Natawa nalang kami ni char. At ngayon nga officially ng nanliligaw si char sa akin.

*** Text by: Jamich***

Nanonood kami ngayon ng video sa Cell phone ni June ito ay yong text by Jamich at isang phrase ang tumatak sa amin sa videong iyon ang salitang "ano ba kita?" oo nga nuh..

Keziah: Hoy! Guys ano ko ba kayo?

Syempre kaibigan at kaklase ang duet naming anim.

Melissa: alangan naman Kez nanay. At tumawa kami

Ana Fe: ikaw Kez ano mo ba si Arnel?

Keziah: Si Dodong!!! With sparkling eyes pa talaga yan at ang ngiti ay abot sa tenga. Of course I'm proud to say that he is my boyfriend..!!!

Melissa @ Analie: ok guys out of order kami sa topic na iyan. Ano daw out of order ano kami toilet ito talagang si Ms. Author oh... wala ng ibang words na magamit.

Melissa: guys allergy kami sa ganyan.

Analie: So matutulog muna kami huh.. gisingin niyo nalang kami pag tapos na ang topic na iyan.

Sarah: OA ng mga ito oh..

Airah: eh... ikaw Sar ano mo ba si mhai mo?

Tumingin kaming lahat sa kanya.

"Sarah's POV"

Ayan! Kasi nagsalita kapa ayan tuloy hot seat ka. Mata nila naka focus na sa akin at sigurado ako pati mga tenga niyan ready na sa mga sasabihin ko.

Uuuhhhmmm.... Ka MU?

June: ano yan sar tanong?

Keziah: alam mo sar oo nalang yong kulang eh... yong salitang oo nalang talaga.

Ana Fe: sabihin na kasi ang oo.

Melissa: bakit ikaw nag oo kana ba kay char?

Ana Fe: di pa ! iba naman kami ni char eh... iba din si Sarah at Jovanie.

Airah: psssh!!! Tahimik guys.

Analie: so ano na???

June: alam mo sar sa nakikita namin sa inyo wala namang pinagka iba yong MU at yong mga nakikita nating mag syota diyan sa labas eh..nag tatawagan kayo, nagkikita almost one year na siyang nanliligaw sayo. Tama nga si kez oo nalang yong kulang eh...

Keziah: wag mo ng hintayin sar na sasabihin ni jovanie sa harap mo ang salitang ano ba kita?

Tumango silang lahat na parang mga batang naintindihan ang kwento ng guro nila.

Airah: kasi sar wala kayong pinanghahawakan sa isa't-isa.

Ana Fe: wow! May pinanghuhugutan...

Airah: tse! Tahimik ka nga ana!

Natameme ako sa mga pinagsasabi nila tama nga ano ko ba siya. Paano pag may nagustuhan siyang iba. Paano pag ipagpalit niya ako wala akong karapatang mag react kasi di siya akin.

KOREK!!! Kami nuh?? Tinamaan ka nuh?? Kaya isip-isip sar.

Oo na!

Oo na!

Tama na! sige pag-iisipan ko. Ang nasagot ko nalang sa kanila.

Tropang Walang IwananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon