"Horror Scene sa School"
(keziah's POV)
Nasa may C.R kami ni Analie para umihi nauna akong pumasok sa isang cubicle at sa kabila naman siya. Nag-uusap kami habang pareho kaming nasa loob ng magkaibang cubicle.
Paglabas ko ay nagulat ako ng saktong lumabas siya sa cubicle na ginamit niya sa may dulo pala siya pumasok akala ko ay yong sa tabi ng pinasukan ko. Doon ko kasi naririnig ang boses niya.
Keziah: an akala ko dito ka pumasok! sabay turo sa cubicle na tabi ng pinasukan ko.
Ngumiti lang siya at seryosong tiningnan ang sarili sa salamin. Nanibago talaga ako sa babaeng to. Napakatahimik niya si Analie nga ba tong kasama ko? oh! no! baka kanina pa natapos si Analie at nauna na sa room! hindi! hindi!!
Analie: kez... ang seryoso niyang sabi di man lang siya tumingin sakin. nakatingin parin siya sa sarili niya sa salamin. kaya tiningnan ko talaga siya may kakaiba talaga sa kanya eh.. di kaya natatae natong babaeng to? baka naman constipated?
Keziah: Bakit???
Analie: Sinong pipiliin mo kung may isa pang analie ang lalabas at sasabihin niya na siya si Analie. At dyan siya lumabas sa cubicle na tinuturo mo kung saan mo naririnig ang boses ko.
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya natatakot na ako parang di na ako makagalaw sa sobrang takot.
Guys! tulungan niyo ako! sinasabi ko na nga ba hindi siya ang kaibigan ko impakta ang kasama ko ngayon! Tatakbo ako! 123----
pero paano ako tatakbo? nasa may door siya banda!? mag papanggap nalang kaya akong nahimatay baka matakot siya. adik! ako nga ang tinatakot nito asa pang matakot to pag hinimatay ako. Baka naman tulungan niya ako wag na lang iniisip ko pa lang na hahawakan ako ng impaktang to di ko na talaga ma take...
aaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!!!!!! help me gusto kong isigaw pero di ko magawa.
Analie: Sino ang pipiliin mo sa aming dalawa?
Tinakbuhan yata ako ng dugo at feeling ko putlang putla na ako sa sobrang kaba at takot.
Keziah: S-siya!!?? patanong kong sagot. Kasi don ko naririnig yong boses mo an.
Tiningnan Niya ako bigla! at yong mga mata niya nakakatakot! galit na galit siya. Tapos bigla rin siyang ngumiti ng nakakatakot habang nakatingin parin sakin.
Analie: Anong gagawin mo kapag biglang sumara ang pinto at maiwan tayong dalawa . Ngumiti ulit siya. Kinabahan na talaga ako.
aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!! sa wakas ay sigaw ko at tumakbo na ako palabas at ang alam ko nabunggo ko siya ahh... wala na akong pakialam basta ang importante makalabas ako dito.
*** ***
Hoy! Kez! sigaw ko joke ko lang yon ako to si Analie! Hoy! hintayin mo ako! Tinakot lang kita! sigaw ko habang hinahabol siya.
Sinubukan ko lang naman kung ano ang magiging reaksiyon niya di ko naman akalain na matatakot siya. Takbo pa rin siya ng takbo kaya natural hinahabol ko siya kaya tumatakbo rin ako! Pero ang lakas tumakbo ng babaeng to eh... Siguro pinaglihi ito sa kuneho. Pagdating ng room ayon! chika dito chika don di niya talaga ako pinapannsin at ayaw niya ding lumapit sa akin.
AAARRRRAAAAYYYY!!!!! sigaw ko napalingon ang iba naming kaklase sa akin ano magagawa ko eh... may kumurot sa akin eh.. ang sakit. Pag lingon ko.
*__* V Si Keziah naka peace sign sinasabi na nga ba eh...
Analie: Bakit mo ako kinurot??
Keziah: Yehey!!! nagbalik na si Analie!
Saan ba ako galing?? ano bang nangyayari sa babaeng to?
Keziah: Sinubukan ko lang kung si Analie ka na talaga sabi kasi nila di daw nakakaramdam ang mga multo. Pero ikaw naramdaman mo yong kurot ko kaya si Analie ka na nga di ka na impakta.
Akala niya talaga huh!? multo ako! sa ganda at cute kong to? hehe feeler Sapakin ko kaya ang babaeng to ng matauhan. Joke lang baka magalit si Arnel wala pa naman akong lablayp walang magtatanggol sa akin. kaya peace tayo nel huh???
"Photocopy"
Next week na pala ang deadline ng mga drawings namin sa Geography subject namin. Ano ang gagawin ko? wala na akong time para mag drawing 30+ yong id-drawing namin tapos next week na ipapasa.
na..na..na..na..na..na Ai! butiki Ai! mali cellphone ko pala.
Hello!
Keziah: Hoy! An! tapos kana ba sa drawings mo?
AKO!!! oo tapos na!!
yong apat! the rest hindi pa! hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh...
Keziah: wag ka na mag-alala an apat naman tayong di pa tapos mag draw.
Analie: So ano ang gagawin natin?:
Keziah: nakulayan na ba ang mga drawings nila Melissa?
Analie: I guess hindi pa!!?? patanong kong sagot.
Keziah: Wow! ang laki ng naitulong mo.! Ganito nalang pag dipa niya nakulayan yong sa kanya pa photocopy natin.
At to cut the long story short nagpa photocopy nga kami di pa kasi nakulayan ni Melissa yong sa kanya at kinulayan na namin. At ng deadline na nagpasa na nga kami medyo kinabahan din ako baka mahalata ni maam buti nalang hindi siguro di niya nahalata matanda na kasi eh... malabo na ang mga mata.

BINABASA MO ANG
Tropang Walang Iwanan
HumorIto ay kwento ng magkakaibigang hindi ko alam kung paano naging magkaibigan. Pero isa lang ang masasabi ko pasaway man at mahilig sa mga kalokohan. Pero masasabi kong sila ang aking tropa na kahit kailan ay di nang-iiwan. Sa kainan, kwentuhan, kulit...