"Where do Broken Heart Goes"
Dito kami sa boarding house hinihintay namin si June.
Keziah: ang tagal ni June ah!
Melissa: asan na kaya yon?
Keziah: na text niyo naba?
Ana Fe: oo, pero di naman siya nag r-reply eh...
Klase na wala pa rin si June natapos na ang klase at wala parin siya. Lumipas ang isa, dalawa, tatlong araw, isang Linggo ay wala pa rin si June.
Sarah: asan nab a si June? Asan na kaya yong babaeng yon?
Ana Fe @ Hannah: di kaya nakidnap?
Keziah: baka! Nakipag tanan.!
Analie: naku! Di naman siguro.
TOK!
TOK!
TOK!
Ng buksan namin... O_______O !
JUNEEEEE!!!!!!!!!!
Analie: bakit ngayon ka lang?
Keziah: saan ka galing?
Sarah: ok ka lang ba?
Melissa: anong nangyari sayo?
Airah: nagpunta ako sa inyo pero wala ka.
Ana Fe: so ano na?
Hannah: sino kumidnap sayo? Ang out ofg topic na tanong ni Hannah.
June: wait guys huh! Pweden bang isa-isa lang di naman siguro tayo nagmamadali nuh???
Melissa: mag kwento kana kasi makikinig kami.
Biglang bumalot ang katahimikan at bumakas sa mukha ni June ang kalungkutan.
June: wala na kami ni Carl.
AANNNOOOO!!!!???? OA namin mag react nuh??..
Melissa: guys! Tahimik di atin tong boarding house huh wag sumigaw!
Aaannnoooooo!!!!??? Inulit namin ng walang boses ang lumalabas sa aming mga bibig.
(Author's note Melissa wag ng subukan)
June: sabi ko wala na kami ni Carl!
Analie: pero bakit naman?
June: nabuntis niya yong kapitbahay nila.
Sisigaw na naman sana kami ng ano.. ng bigla kaming tiningnan ni Sarah ng masama kaya tahimik guys. At ayon niyakap nalang namin si June yon lang kasi yong magagawa namin sa ngayon eh... at hinayaan lang namin siyang umiyak.
Isang Linggo ang lumipas naku! Si June biglang na addict sa blind date at halos araw-araw may ka blind date at iba-iba pa talaga June parang awa mo na SPG yan eh... may bata tayong kasama si Hannah. Nasa Mall kami ngayon at pumipili ng damit na bibilhin, in the end white t-shirt ang napili namin at may naka sulat "I do what I want!" at ngayon nga ay pauwi na kami
June: hoy! Samahan niyo ako bukas huh... may ka blind date ako dito kami sa Mall magkikita tapos susuotin natin tong binili nating t-shirt huh... please...
hay! Ano pa nga ba magagawa namin pasalamat ka June at broken hearted ka kung hindi ay! Hindi talaga ako sasama sa blind date na iyan.
June: basta bukas huh! Sa may entrance ng Mall tayo magkita.
"Blind Date"
June's POV
Pinagtitinginan kami ng mga tao. Eh.. pano ba naman pareho kami ng mga damit. At ngayon nga ay isa nalang ang kulang sa amin. Hulaan niyo kung sino.? Sige na nga sasabihin ko na kung sino. Eh! sino pa ba eh.. di si Airah.

BINABASA MO ANG
Tropang Walang Iwanan
HumorIto ay kwento ng magkakaibigang hindi ko alam kung paano naging magkaibigan. Pero isa lang ang masasabi ko pasaway man at mahilig sa mga kalokohan. Pero masasabi kong sila ang aking tropa na kahit kailan ay di nang-iiwan. Sa kainan, kwentuhan, kulit...