*** ***Natatawa ako tuwing naaalala ko ang mga pangyayaring iyon sa buhay namin. At ngayon nga ay graduate na kami parang kailan lang ng mag first year kami, nagkakilala at naging magkaibigan, magkasamang naglalakad tuwing uwian, sabay kumakain sa tambayan, sabay na nagkokopyahan tuwing exams, magkasabay sa lungkot at saya, at sa seryoso at kulitan man. Sabay nga naming nasoot ang aming mga itim na toga kasi kahit na may mga kalukuhan kaming ginagawa di naman namin pinapabayaan ang aming pag-aaral at nagtutulungan din naman kami gaya ng sa exam, quizzes at syempre sa assignments. Makulit kami pero seryoso din kung kinakailangan.
CONGRATULATIONS GRADUATES!!! Ang sabi ng School President , salitang nagpabalik sa akin sa realidad. Ang sarap pakinggan kaya di ko maiwasang mapangiti graduate na nga kami. At nagtayuan na ang lahat at sabay- sabay naming inihagis ang aming mga graduation hat (graduation hat nalang ginamit ko di ko kasi alam yong name basta yong part ng toga na nasa ulo hahaha). At ayon syempre mawawala ba ang selfie o groufie syempre hindi!
Kung tatanungin niyo ang mga loveteam sa grupo ang "charana" short for Char & ana, Knel for Keziah & Arnel, at ang Jv_Jane for Jiovanie & Sarah Jane ayon going strong parin.
Si June at Carl naman, sila na ulit nagpa ubaya na yong babaeng nabuntis ni Carl. At dahil wala na ang baby pinalaya niya na si carl kasi alam niya naman daw talaga na from the very beginning na si June talaga ang mahal ni carl napilitan lang ito dahil sa baby.
Si Airah naman may manliligaw na si Prince actually manliligaw niya na ito simula high School pero dahil strict ang mga tita niya aral muna . at hinintay siya ni Carl hanggang sa maka graduate at ngayon nga ay nanliligaw na ito ulit.
At ako, si Melissa at Hannah ito still searching pero gaya nga ng sabi nila di naman kailangang hanapin eh... kusang darating sa buhay mo ang pag-ibig.
Grumadwet man kami at magkakahiwa-hiwalay mananatiling magkaibigan pa rin kami kahit na makakakilala man kami ng mga bagong kaibigan kasi ika nga nila "meet new friends but keep the old ones" Tropang walang Iwanan kaya to o mas funny sa tawag na Tropang Potchi!..
**END**

BINABASA MO ANG
Tropang Walang Iwanan
HumorIto ay kwento ng magkakaibigang hindi ko alam kung paano naging magkaibigan. Pero isa lang ang masasabi ko pasaway man at mahilig sa mga kalokohan. Pero masasabi kong sila ang aking tropa na kahit kailan ay di nang-iiwan. Sa kainan, kwentuhan, kulit...