"KNEL Loveteam"
Kung may mga Julquen (Julia Montes & Enrique) xikim for (Xian & Kim Chiu), Enrich for (Enchong at Erich at etc. may KNEL din kami nuh akala niyo kayo lang marunong huh. May lovelife din kaya mga kaibigan ko pwera saming dalawa ni Melissa. May Char_An din kami at FYI uulitin ko for the information of everybody sila na! yehey! Magdiwang!! Ang lahat... ang cute , cute nga nila tingnan eh ako yong kinikilig sa dalawang to eh... si char ang humahawak ng sweldo ni ana sa Mcdo. Siya rin ang nag b-buget sa sweldo nila. Teka matanong ko lang baliktad naba ang mundo ngayon lalaki naba talaga ang humahawak ng sweldo?? Sagutin niyo ang tanong ko guys dali!! At tuwing hapon may dala silang pagkain sa tambayanat kami lahat ay makakakain ! kaya busog kami lahat pag andiyan si char at ana. Para silang mga magulang namin na naghahanap buhay para sa mga anak nila at kami nga ang kanilang mga anak, mga palamunin masyado. Ma b-bankrupt kayo pag kami nilibre niyo hehe di joke lang try niyo nalang kaming ilibre para malaman niyo sagot. At isa pa may Jorah din kami stand for Jovanie and Sarah yon nga lang ay pending pa.
Napalayo na yata tayo guys! Sige balik na tayo sa Knel loveteam. Kung ang char at ana loveteam ay okay na okay kabaliktaran naman itong dalawang to. "you and I against the world kasi ang drama" at yon nga ang problema nitong isa kasi ayaw ng parents niya sa relationship nila ni Arnel. Sandali! kuya ko yon ah... hehe joke lang magkaname lang sila. Kaya ito new problem na naman . kawawa naman itong kaibigan namin iyak ng iyak ng iyak sa harapan namin at gabi na masiyado. Panigurado malalaki eyebugs namin nito bukas eh... dito kami ngayon sa boarding house ni sarah dito kami matutulog ngayon kasi may fun run bukas sa school namin buti anlang wala si ate queen yong ka boardmate ni sarah sa kaibigan niya daw siya matutulog. Actually di naman kami lahat dito natulog kina sarah kami lang naman ni keziah nuh. Ayaw kasi pumayag ng parents ng iba lalo na si Melissa strict ang parents ko ang drama ng batang yon eh... 19 years old na naman palibhasa youngest kasi. Teka youngest din naman ako ah!
Hoy analie! Nakikinig kaba?? - keziah
Ai! Oo nga pala may kausap pala ako nakalimutan ko kasi.
OO kez nakikinig ako hayaan mo ipagdadasal natin yan gusto mo i-prayer request natin kina Arwin, julito, John Paul, Cindy, Mae Ann at Marjorie? (mga church friend ko na kilala din ni keziah at friend din sila) bukas na natin ipagpatuloy. Ang bait ko ring kaibigan nuh? Nahihirapan na nga ang kaibigan ko at nangangailangan ng tulong eh.. eto at sasabihin kong bukas nalang ituloy . sorry naman nuh.. eh di kasi ako good adviser eh, baka mali pa ang mabigay kong advice. Di muna kami natulog ni sarah hanggang di pa nakakatulog itong isa. Kaya for sure sabog kami nito kinabukasan.
Lesson Learned: Matulog ng maaga para walang eyebugs if may problema pag usapan ng maaga. Pag gabi na masyado ipagpabukas nalang di joke lang. kung ano ang kayang gawin ngayon wag ng ipagpabukas.
BINABASA MO ANG
Tropang Walang Iwanan
HumorIto ay kwento ng magkakaibigang hindi ko alam kung paano naging magkaibigan. Pero isa lang ang masasabi ko pasaway man at mahilig sa mga kalokohan. Pero masasabi kong sila ang aking tropa na kahit kailan ay di nang-iiwan. Sa kainan, kwentuhan, kulit...