"Fun Run is FUN!!"
An, kez gising na! 4 a.m. na ang gising sa amin ni sarah ang bibigat ng mga talukap ko sa mata eh paano ba naman kasi ala una na kami nakatulog. Kaya ito nag prepare na nga kami nagsoot lang kami ng jogging pants at lose shirt para sa event na ito. First time ko sumali kaya medyo excited din ako. Pagdating ng school hinanap na naming agad ang apat at nakita din namin sila kaagad.
5
4
3
2
1
Bogs! Tunog poi yon ng baril ibig sabihin ay magsisimula na. Yong iba nagtakbuhan na kami ito at naglalakad ano to? Fun run o alay lakad.?
Ana Fe: takbo tayo! Dali! Para ma alive naman yong mga dugo natin. At tumakbo na nga kami. Kakatakbo pa nga lang namin ng may matalisod ako at dahil dito ako ay napaluhod sa kalsada ang sakit ng tuhod ko. O__O silang anim yan ang lalaki ng mga mata akala mo shock talaga sa nangyari??? Ng biglang
Hahahahahahahaha!!!!!!! Sinasabi ko na nga ba eh... nadapa na ako't, masakit pa ang tuhod pinagtawanan pa talaga ako.
Arrrayyy...... tulungan niyo ako. Ang lalakas talaga ng tawa nila kaya pati yong ibang participants sa amin na nakatingin. Parang wala ng bukas kung makatawa tong mga to ah... inilahad din naman ni Melissa ang kamay niya habang tumatawa parin. Fun run talaga siya kasi ang saya-saya nila eh..
Lesson learned: ang tunay na kaibigan ay pagtatawanan ka muna bago ka tutulungan. Kaya sa susunod kung ayaw niyong mapahiya mag ingat ka.
Mga alas 7 tapos na ang event na enjoy masiyado para sa kanila habang para sakin ay nakakahiya. Punta na kami kaagad sa boarding house ni sarah at nagsitulog kami tatlo sa bed at apat kami sa sahig. Mga 12 na ng magising kami at ito nga at kumakain na kami.
Subo..
Nguya..
Subo..
Nguya..
Ng muntik na naming mailuwa ang kinakain namin ng biglang bumukas ang pinto.
Aaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!! Multo!! O_____O joke lang hindi multo ang nakita namin kundi ang mama ni kez di naman siya nakakatakot eh... yan lang talaga yong mga guilty dahil may mga nagawang di tama. Ayon ! after niya buksan ang pintuan nilibot niya pa talaga ang mga mata niya sa loob parang may hinahanap. May kalaro ba ng hide and seek itong si tita anabel at parang may hinahanap ui... si tita kayo po yong taya nuh?? Pero syempre di ko yon sinabi nuh...
Sarah: Tita Anabel kain po tayo!
Tita Anabel: salamat pero wala akong gana. Tiningnan niya si keziah at hinablot ang cp na hawak niya.di niya kasi naitago eh.. sa nagulat nga nuh... "diba ang sabi ko sayo bawal kang gumamit ng cellphone bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo. ! Tita wala pong malambot na ulo.. bakit pa kasi tutol kayo kay arnel eh??
At ito nga yong rason kung bakit takot na takot kami kay tita anabel eh.. kasi kinuha nila yong cp ni keziah ng malaman nila ang relationship ng anak nila at ni arnel at kami naman itong mapagmahal na kaibigan ay tinulungan si keziah na makontak si arnel at pina hiram siya nito ng cp. At ngayon nakita at nakuha pa talaga ni tita anabel ang cp lagot na...
Kayo! Alam ko kayo yong mga kaibigan ng anak ko please wag niyo naman siyang itolerate. Dahil gusto talaga namin ng papa niya na makapagtapos siya ng pag-aaral. Mahinahon ngunit tagos sa puso ang mga sinabi ni tita. Kaya ito kami at tahimik parin. Dinala niya si kez pauwi . ilang minuto ng nakaalis sila kez ay tahimik parin kami masiyado.. super tahimik as in nakakabinging katahimikan.

BINABASA MO ANG
Tropang Walang Iwanan
HumorIto ay kwento ng magkakaibigang hindi ko alam kung paano naging magkaibigan. Pero isa lang ang masasabi ko pasaway man at mahilig sa mga kalokohan. Pero masasabi kong sila ang aking tropa na kahit kailan ay di nang-iiwan. Sa kainan, kwentuhan, kulit...