"Karaniwang Nangyayari every First week of School"Malapit ng mag end ang Linggo wala pa rin kaming teacher bakasyon pa ba sa kanila o baka late lang talaga ang mga kalendaryo nila kaya akala nila ay bakasyon parin ngayon. May kanya-kanya kaming posisyon may nag c-chikahan, may nagbabasa ng E-book sino pa ba edi ako, Melissa at Airah. At si Ana ayon nakaupo sa may teacher's desk okay lang naman eh... wala pa namang teacher.
nang may biglang pumasok at feeling ko teacher talaga siya.
O__O kung may mas malaki pa ng matang to yon na ang mata ni Ana dahil sa takot kasi nasa may teacher's desk siya.
Kaya agad na napatayo si Ana at halatang namumutla at pati kami natakot din for her. Dahil sa bagong dating na teacher!! para kasing alam niyo na parang di siya girl di rin naman boy!!
Can I borrow an eraser??!!------ teacher
Ana: y-yes!!! sir sagot ni Ana.
Sus! eraser lang pala ang kailangan natakot pa kami masyado.
Thank You---- teacher at umalis na ito!! kaya si ana pinagtawanan talaga namin.. namutla kasi siya sa takot eh...
Second Period na nga at may teacher na kami at magbibigay lang daw siya ng mga reports namin.
Teacher: so who will be the First reporter?
Bigla naming itinaas ang kamay ni Melissa na ikinagulat nito buti nalang di siya nakita ng teacher dahil baka siya talaga ang mauuna. kaya dahil sa inis ni Melissa pinaghahampas niya kami hahaha.
Last Subject na nga at katako-takot talaga ang teacher nato akalin mo bawal ang bagpack tuwing uniform days, tapos dapat black shoes talaga bawal ang rubber at dapat walang dumi o alikabok na makikita sa shoes mo at dapat din naka lipstick ang mga babae at kung may isa sa mga ito ang di mo magawa ansent ka kaagad sa klase niya over!!
kung ni- required niya pa kami ng high heelsna shoes iisipin ko na talaga na mali ang napasukanko hindi education kundi training ng pang Ms. Universe di pa naman ako qualified don.. height ko palang di na tanggap. Pero di pa naman daw sure na siya talaga ang teacher namin sa subject nato!! kaya, hay!!! salamat!!
"Melissa's B-day!"
(Hannah's POV)
Andito kami sa bahay nila Melissa ngayon syempre birthday niya mahirap naman kung nasa kina ana kami gayong birthday naman ni Melissa. Hay! matanda na talaga si Melissa imagine 20 yrs. old na sya. Hindi pa kami kumain kasi wala pa si June and speaking of June ang tagal niya talaga gutom na talaga ako masyado ayaw naman ni Melissa na mauna na kaming kumain kasi gusto niya sabay kaming lahat nag order kasi siya ng siomai at chicken skin just for us oh! diba!
Analie: Bata tawagan mo nga si June ang tagal ata nya!
Hannah: Sige- sige!
at nag dial na nga ako sinagot naman agad ni June.
oy! June san kana? ikaw nalang yong wala! at di daw kami kakain hangga't wala ka.
June: Ganoon ba! I'm with Carl right now!
Hannah: ANOOO!!!!????
June: chelax girl! mali ang inisip mo!
mali daw ang iniisip ko ano nga bang iniisip ko?
June: yong girl na nabuntis ni Carl nasa Hospital paki sabi nalang kay Melissa HAPPY B-DAY! babawi nalang ako next time okay!!!
at pinatayan niya na ako ng phone.
(June's POV)
Andito nga kami ngayon sa ospital dinugo kasi yong nabuntis ni Carl. Oo si Carl as in capital C-A-R-L yong ex ko! baka nagtataka kayo bakit ko siya kasama ngayon kasi naman eh.. di ko siya matanggihan emergency kasi kahit na nasaktan ako before at kahit anong pilit na kalimutan ko siya di ko magawa eh... oo masaya ako kasi andyan ang mga kaibigan ko pero pag mag-isa nalang ako don na ako nag e-emote ano magagawa ko masakit talaga eh... at nong humingi ng tawad itong si Carl oo tanga na kung tanga pinatawad ko siya at naging magkaibigan kami. At kanina nga ng tawagan niya ako di ko siya matanggihan babawi nalang ako sa susunod kay Melissa.
Doc kumusta yong bata tanong ko sa doctor na kalalabas lang ng Emergency room bahala na yong ina basta yong bata ang mahalaga ngayon!
Doctor: I'm sorry pero di namin nailigtas ang bata.
nanlumo ako sa narinig ko kahit na sabihin pa na may galit ako sa ina ng bata, at ngayong wala na ang baby may chance na kami ulit ni Carl pero mali eh... yong bata na ang pinag-uusapan dito kawawa naman yong baby. At si Carl ayon nasa may upuan di ko alam ano ang iniisip niya ngayon tahimik lang kasi siya.
(Analie's POV)
Nasa school na kami, si Melissa nagtampo talaga kay June kasi nagawa daw nitong ipagpalit siya sa Carl na yon na iniwan at sinaktan siya. At ngayon nga ay nakikita ko na si June papalapit sa amin na naka smile at parang wala lang nangyari
June: Hi! guys!! nag hello!! naman kami lahat except kay Melissa at nag walk out pa talaga. kaya naiwan kaming nakatunganga at nagtinginan sa isa't-isa. Di pala talaga joke tong kay Melissa seryoso na talaga to away na kung away!
Lumipas ang isang gabi, dalawa, tatlo, apat, hanggang sa isang Linggo hindi pa rin sila nagkakabati at pati kami ay nahihirapan ito na yata yong pinaka mahirap na pagsubok sa amin. dahil pati kami nahihirapang mag adjust. Ngayong araw si Melissa dapat i-bonding namin bukas si June naman at dapat present ang lahat para di isipin ng isa na may pinapaburan kami. Alam niyo yong feeling na ganon!
At tuwing Sabado at nasa tambayan kami upang kumain di na kami gaya ng dati na masaya, nagtatawanan kasi andoon sila pareho at spell AWKWARD guys!! Ang awkward ng atmosphere!!
Don't tell me ganito kami hanggang sa birthday ni Hannah.

BINABASA MO ANG
Tropang Walang Iwanan
HumorIto ay kwento ng magkakaibigang hindi ko alam kung paano naging magkaibigan. Pero isa lang ang masasabi ko pasaway man at mahilig sa mga kalokohan. Pero masasabi kong sila ang aking tropa na kahit kailan ay di nang-iiwan. Sa kainan, kwentuhan, kulit...