Chapter 2

257 24 1
                                        

Pagkatapos ko kumain, ay agad akong nagpabango ako noong binigay ni Bamboo. Sakto naman na dumating si Bamboo doon at tinitingnan pa kung ano ano ang pinag gagawa ko sa buhay pero hindi ko naman pinansin ang pagdating niya.

Ang sarap amuyin noong pabango, feel na feel ko tuloy gamitin.

"Oh, ready ka?" sabi niya at agad naman ako napakunot ng noo, o, saan naman ang punta? Wala naman akong balak lumabas dahil madami pa akong nakita na libro sa library.

"Lea, hindi ka maituturing na turista dito kung hindi ka magpapakita sa isang miyembro ng pamilyang Muhlach, iisipin nila na pinagtatangkaan mo sila ng masama." mahabang sabi niya, kung ganoon ay mas kailangan ko pala mag ingat, dahil kapag nalaman nila kung bakit naandito ako ay baka hindi na ako maka uwi.

Nabasa ko nga iyon sa libro, kahit wala silang pakielam, kailangan mong magpakita muna para makasigurado sila sa kahihinatnan ng bayan nila, para namang may magagawa talaga akong masama sa kanila, impormasyon lang naman ang kailangan ko.

"Boo, may alam ka bang trabaho dito?" tanong ko sa kanya at napakunot naman ang noo niya siguro ay dahil doon na din sa tinawag mo sa kaniya, maganda naman, a.

"Kasabay na noon, papipiliin ka nila kung turista o magta-trabaho ka dito, guro o pulubi lamang ang pamimilian mo, huwag mo mamaliitin ang pulubi dahil hindi sila ginagawang pulubi kagaya ng nakikita mo sa daan, doon sila naninirahan sa mansyon ng mga Muhlach, pinapakain sila doon ngunit ginagawa silang alay sa pinakamalakas na anak, hindi ko lang alam ang nangyayari pagkatapos noon." sabi muli niya, seryoso ba? Buhay pa kaya mga pulubi doon?

And galing naman ng pulubi dito kung ganoon, imported.

Hindi ko muna siya pinaalis at tinabihan ko muna siya

"Kung ganoon, sino ka sa tatlong mamamayan dito? Hindi ba't dito kana lumaki mula pagkabata mo? Ilang taon kana? Anong ibig sabihin noong alay?" tanong ko sa kaniya kaya napakunot ang noo niya sa akin, masiyado ata akong halata.

Kung matagal na dito si Boo, baka mas madami ako masabi kay Ian, malaki ang suweldo ko kung ganoon nga.

"Man-at-arms. Wala kang pake kung ilang taon ako, tss. Daming tanong. Tara na." sabi niya, napakasuplado naman? Iaano ko ba 'to? Sana mabilaukan siya kapag kumain.

Sumakay kami sa sasakyan niya, wala na 'yung driver niyang kasing pangit niya, hindi naman niya naririnig ang sabi ko, hindi ba? Sabi niya tahimik daw.

Ngayon, pulubi na lamang pala ako. Mas okay. Kung gagawin akong alay, ibig sabihin makikita ko ang pinakamalakas nilang anak, 'di ba? At siguro naman buhay pa ako matapos noon.

Tahimik lamang kami, hanggang sa maging lubak lubak ang daan, ito ay ang kasalungat ng daan ng silangang hotel ko, ito na ang papuntang dulo ng kanluran.

Nakita ko agad ang isang bahay, mukhang haunted house, pero sobrang laki naman ng mansyon na ito, kung iisipin nga ay parang palasyo na din ito.

Halatang matibay.

Pinapasok agad kami ni Boo, paano nangyari 'yun? Eh, tiningnan niya lang naman 'yung body guard na malalim pa sa dagat ang eye bags.

Pagkababa namin ng sakayan, nagbukas na agad ng pinto ang mansyon.

"Mr. Bamboo, nasa pangalawang palapag po, sa meeting room." sabi noong katulong na maganda pa ata sa akin? I kind of feel insecure but..

No way, I am Lea Georgian Salonga, I am the most beautiful woman, duh.

"Ang chix naman nang mga maid dito. Huwag ka magpupulubi, Lea ah? Ikaw ang magmumukhang nag iisang katulong dito." pang-aasar ni Bamboo kaya naman tinarayan ko agad siya at kukurutin sa tainga but he was that hot kaya naiiwas ko agad ang kamay ko.

Yours for CenturiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon