Chapter 23

213 23 4
                                    

Halos magkagulo sila sa loob ng kuwarto at dali dali naman si Vice humanap ng Doctor, akala ba nila ayos na?

Bakit biglang bumitaw si Aga?

Lumapit si Arturo sa kinapupuwestuhan noong dalawa na halos nag aagaw buhay na, pilit siyang gumagawa ng paraan upang mabuhay ang mga ito pero parang ang may katawan na mismo ang bumibitaw.

"Usap na, lumaban kayo, kahit na para sa amin, para sa sarili niyong pagmamahalan. Labanan niyo muna para sa sarili niyo, maililigtas niyo 'yun, huwag niyo muna alalahanin ang isa't isa." pabulong na sabi ni Arturo bago dumating ang mga nurse.

Nirevive nila si Aga at muling naging ayos ang kalagayan nito.

Umalis din agad sila at huminga ng malalim si Arturo.

He's been there. Not with Vienna, but with his first love.

Aga taught that it was a painting of Lea painted by Lea's parents in silver room. But no, it was his first love.

Painted by his own hands.

Hindi niya naipaglaban si Clara noon, ang digmaan ng "Clara de Salvador, Muhlach War"

Parehas galit ang magulang nila sa isa't isa, sinubukan nilang magtanan ngunit nahuli sila.

Ayaw ng magulang ni Clara kay Arturo dahil mahirap lang siya noon.

Not until Vienna came, nagkaanak sila, nahirapan si Vienna dahil puro bampira ang lumabas sa kanya, lima pa.

Nagtrabaho ng maigi si Arturo, naging pinuno siya ng bayan, at'yaka lamang siya nagustuhan ng magulang ni Clara.

Tamang tao sa maling oras.

Napaluha si Arturo ng naalala iyon, kaya kahit muntikan ng magtaksil si Lea sa kanilang bayan, tinanggap niya ito para kay Aga, dahil ayaw niyang maranasan ng anak niya ang paghihirap na naranasan niya.

Kung may natutunan man siya doon, iyon ay ang mahalin niya si Vienna dahil siya ang tumayo ng panahong walang makapitan si Arturo.

Pero paano ba nagkaroon ng pagmamahalan sa pagitan ni Vienna at Arturo?

--

Mahigit isang taon na ang nakakalipas ng nagkaroon ng labanan. Hanggang ngayon, hindi pa din nagigising si Aga at Lea, pakiramdam ay ayaw na ng mga ito gumising ngunit ayaw din naman ipatagtag ang mga machine na bumubuhay dito.

Pa iba iba din ang lagay ng kanilang katawan, minsan aakalain mong patay na, minsan naman biglang babalik sa normal.

"Kailan ba kayo gigising?" bulong ni Charlene habang nakatingin kay Aga at Lea

"Lahat kami naghahantay na oh? Kasal na agad ha? Pagkatapos nito." sabi ni Charlene ng biglang gumalaw ang kamay ni Lea

At minulat ang mata.

"Lea!" sigaw ni Vice at napatingin si Lea sa katabi niya, nanlumo ang itsura ni Lea sa nakita.

"Babes, gising na. Gising na ako, sabi mo susunod ka." sabi ni Lea sa maliliit na boses at ang kasunod na nood ay ang paggalaw ng kamay ni Aga, hinanap pa noon ang kamay ni Lea bago tuluyan na imulat ang mata.

"Ang corny niyo kahit sa kamatayan! Magigising na lang kayo ganyan pa eksena!" sabi ni Vice habang umiiyak at nagtatalak habang nagtatampo.

"Tahan na, buhay na nga kami oh, buhay na." sabi ni Lea sa kanya at natawa naman si Vice

"Sus, nagising ka kasi narinig mo ang kasal." sabi ni Charlene at napatawa naman doon si Aga, may punto kung tutuusin.

"Ikaw pala nagsabi noon? Naalarma ako eh. Akala ko kasi nasa normal lang kami ni Lea." sabi pa ni Aga at kinindatan si Lea.

Naalala kasi ni Lea lahat ng nangyari habang wala silang mga malay, napakaimposible maalala pero naalala niya.

Kung paano siya halikan ni Aga doon.

Bakit iyon pa naalala niya?

Yours for CenturiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon