Aga's POV
Hindi ko alam, pakiramdam ko habang buhay na ako magkukulong sa bahay na ito. Ayaw ko lumabas, dahil alam ko na kapag nakita ako ng iba, magkakagulo sila, masiyado silang natatakot sa akin kahit wala naman akong gagawin.
Lalo na si Ian, he's been my friend before, kaso disappointed ang Papa niya sa kanya dahil nangunguna kami sa listahan ng Royalty.
Kaya naman namin i-give up 'yun eh pero knowing na may patakaran na sinusunod sa larong 'to, hindi madali, kung wala naman sinusunod, bakit hindi namin sila hayaan?
Akala nila, lagi akong nasa kuwarto ko, gintong pinto. Nah, lagi akong nasa kabilang kuwarto na katabi lamang ng pinto ko.
Nakita ko iyong pinta ng mag-asawa na niligtas ko noon, napakagandang babae.
Gandang babae, sarap halikan.
Ang halay.
Bakit? Totoo naman.
Until one day, nagpakita siya dito sa mansyon. Hindi ako palaging nagpapakita sa kanya noon pero kusang lumalapit ang paa ko para malapitan siya na para bang ayoko ng pakawalan.
Alam kong mali, alam kong dapat hindi, pero sino ba ako? Minsan hindi ko din kayang pigilan nararamdaman ko.
I feel like I'm going insane, watching the hands on the clock go by
Wishing you get out of my brain.
But I really can't.
"Lea." tawag ko sa kanya, I know she's confused. Paanong hindi ko malalaman pangalan niya, painting pa lang niya, mahal ko na.
Ang sexy pa.
Dahan dahan niya akong nilingon, shocked ka ba? Guapo ko eh.
Pinagtaasan ko siya ng kilay, napatikhim naman siya.
"Paano ka nakakapasok dito? Hindi mo ba alam na lahat ng nagtatangkang pumasok dito ay napapaso sa gintong pinto?" sabi ko at dahan dahan lumapit sa kanya, hindi ko alam kung bakit siya ay hindi kaya nga walang nakakapagbukas ng pinto na iyan.
What? Hindi niya ba alam na nakakapaso 'yan? Bakit parang takang taka? Bakit 'di napaso?
"Sino po kayo? Hindi ko po alam na nakakapaso po iyong gintong pinto gayong wala naman akong nararamdaman" sabi niya at mas lalo akong naglakas loob na lumapit sa kanya, napasandal siya sa pinto, boom.
Kinuha ko ang dalawang kamay niya gamit ang isang kamay ko at nilagay sa taas ng ulo niya.
"Ariel, pero Aga ang itatawag mo." sabi ko at dinikit ang mukha sa leeg, kabado siya, pinagpapawisan nga eh.
"A-aga" tawag niya sa pangalan ko, damn it, ang sexy. Isa pa nga.
"Eyes on me, Lea Georgian." sabi ko sa kanya, mas'yadong kabado, I don't bite when it's her.
"Dito kana matutulog. Araw araw. That's my order or kung ayaw mo, bukas ang pintuan ng mansyon." sabi ko pa, malay ko sa lumalabas sa sinasabi, argh, nasabi ko na, may magagawa pa ba?
"Sinaraduhan kanina noong bodyguard ni Arturo" sabi niya at napataas ang kilay ko, pilosopa.
"1 bad attitude, 1 kiss. Try me, baby." sabi ko at kinindatan siya, hinalikan ko naman siya ng mabilis at agad nagtago.
Nabitin ata. Hanap hanapin mo ako, Lea. Panigurado na iyan.
Sa susunod na araw, hinahanap hanap siya ng sistema ko.
Ang tamis naman kasi mas'yado ng labi.
--
Madaming araw ang sinusubok kong hindi magpakita sa kaniya ngunit bawat paghinga ko ay parang siya lang ang gusto puntahan ng paa ko.
Ipinahamak ko pa ang aking sarili na lumabas para lamang makita siyang palagi.
--
But look at us, naging asawa ko naman talaga siya.
Mamaya pa, manganganak na siya tapos nagfa-flash back pa sa akin kung paano kami nagkakilala.
Oo, tama kayo, magkakaanak siya, akala ko lahat ng witch noon dahil kay Angelika ay masama, maliban na lang ng tinulungan kami ng witch ng mga baby, tinulungan niya si Lea magkaroon ng anak, not like sila 'yun.
Kami ni Lea, may pinainom lang siya sa amin.
"Agaaaa!!" matinis na sigaw niya kaya naman napatakbo ako sa kanya
"Kalma, babes, naandito lang ako okay?" sabi ko sa kanya, bakit ngayon kasi? 'Di kami ready, hanep.
Agad siyang dinala doon sa room kung saan siya manganganak, bawal daw ako sumama, anong klaseng hospital 'to.
"Aga, nakakahilo ka." sabi ni Vice sa akin at sinamaan ko siya ng tingin
"Ayaw kakalma." si Richard naman ang nagsabi, napakinig ko kung paano umiri si Lea, at ang alam ko lang, hilong hilo na ako.
"Baka mapahamak si Lea!" pagsasabi ko sa kanila at agad silang napailing
"ang kulit, hindi nga." sabi naman ni Vienna, aba? Malay ko.
Uminom ako ng dugo pero nawala na ako sa sarili ko ng narinig ko na naman umiri si Lea, natumba na ako.
--
Nagising ako sa kuwarto, katabi ko si Lea, hawak anak namin. Babae at Lalaki.
"Anak ko." sabi ko at umayos ng pagkakaupo
"Twins, ito na nanganak, haha!" sabi sa akin ni Lea at inabot sa akin, nakita ko doon sina Vice at mga kapatid ko
"Ba't kayo tumatawa?" pagtatanong ko sa kanila at tinaasan ng kilay
"Wala, feeling ko ikaw nanganak, nahimatay pa. Huwag ka na bubuo sa susunod ha. Madami pa kami dito, madami pa magpapalahi." sabi ni Simon at tatawa tawa, agad ko silang inirapan, pati si Lea, tumatawa.
Nakakatawa 'yon? Siya kasi, iiri iri ng malakas, nasa tono pa.
"Welcome to our world, Payne Gracie Salonga Muhlach and Martin Sossimo Salonga Muhlach" sabi ni Lea habang sinusundan ang mukha ng anak namin.
The day that I believe forever is true.
-The End-

BINABASA MO ANG
Yours for Centuries
Fiksi PenggemarIpaglalaban kita kahit kamatayan ko pa ang kapalit. Sa mundong puno ng pagpapataasan ng buhay, anong gagawin mo kung may taong kumokontrol sa'yo? Saan ka papanig? Sa tama o sa mali? Magtitiwala ka ba kung alam mong una pa lang malaki na ang pinagkai...