Chapter 13

225 24 3
                                        

Hindi pa din ako lumalabas ng kuwarto ko, bukas ang bintana habang ako ay nakatitig dito sa labas.

Hindi nga pala tumitibok ang puso ng mga bampira, anong ie-expect ko? Mamahalin ako noon pabalik? Ang labo 'di ba?

Binuksan ko muli ang laptop ko at tiningnan iyong message ni Ian, kanina pa iyon.

Ian: Ikaw ninang ng magiging anak namin ha? Hahahhaa.

Hindi pa nga kayo naikakasal, anak agad? Pake ko sa magiging anak niyo? Puwede naman na sila sila na lang magplano.

Me: Ah, ang agang invitation ha? Hahaha!

Biglang online, nice one.

Ian: Anong maaga? May laman na, Lea. Ikaw talaga.

Ano daw? May kung anong tumulo sa mata ko pero agad ko itong pinahid, buwiset, Ian, oo, gago ka.

May laman na? Ang bilis naman. Bakit hindi man lang ako na-inform?

Me: Ay, talaga? Ang bilis mo naman, Ian! Ano pala balak mo dito sa mga Muhlach?

Ian: Patayin ang pinakamalakas sa kanila para maingatan ang anak ko, hindi na ngayon royalty ang pinag uusapan, anak ko na.

Hanep, royalty ka pa ba sa lagay na 'yan? Wow, mahal na mahal mo ah.

Sabay sabay nating sabihin: Sana all.

Pinatay ko na agad ang laptop at agad na nagtaklob ng unan sa aking mukha at nagsisisgaw.

"Grrrrr!! Ano bang ginawa ko ha?!" pagsigaw sigaw ko

"Saan ba ako nagkulang sa pagkakaibigan natin?! Arghh! Ikaw din Aga, saan ako nagkukang sa'yo?!!"

"Ayokoooo na!!"

Nang may biglang kumuha ng unan at niyakap ako ng mahigpit.

"Tama na, naikuwento na sa akin ni Simon. Wanna hear my explanation?" pagtatanong ni Aga at agad akong umupo at inalis ang pagkakayakap niya, kung maaari sana, layuan niya na lang ako!

Bakit kay Simon makikinig siya pero sa akin, hindi?

Tinitigan ko pa siya nago tumango. So, ano? Kung hindi ako nagsisigaw, wala 'tong pake?

"Ayokong may nagi-iloveyou sa iyo na iba. Ayokong sa iba ka umiiyak. Ayokong sa iba mo sinasabi. Ayokong ikaw ang magpo-protekta sa akin kasi ako dapat ang gagawa noon sa'yo. Ayokong sa iba ka masaya, kasi gusto ko sa akin lang, Babes. Ako lang." dire diretsong sabi sa akin ni Aga na parang alam na alam talaga niya ang sinasabi niya.

"Kasi sa buong buhay ko, basta nakikita kita, naramdaman ko na naman ang kakaiba sa loob ng katawan ko, na para bang, dapat sa akin ka lang, sa'yo ako, na, baka kasi magkagusto ka sa iba at iyon ang piliin mo. Hindi ko kaya, Lea. Baby girl, I can kill them kung iyon lang ang paraan para sa akin ka lang." sabi pa niya habang ang mga mata ay mariin na nakatitig sa akin at ang kamay niyang humahamplos sa aking pisngi.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kaya ba siya nagalit kasi nabasa niya iyong mga Iloveyou ni Ian sa cellphone ko? Oh, ghad.

"Iyong kung ano tayo? Asawa kita. A-SA-WA. Sinong baliw ang aayaw kung ang nag iisang Lea na ng buhay ko ang nagtanong?" dugtong pa niya at halos hindi ko maalis sa mukha ko ang pagkamangha ko sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"E-engaged na si Ian, Aga. W-wala ka naman dapat ikaselos.." dahan dahan ang pananalita ko, pinipigilan magkamali sa sinasabi

"Hindi ko m-masabi sa'yo kasi g-galit ka sa akin." pag-amin ko sa kanya at halos hindi ko na matitigan sa mata

Yours for CenturiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon