Chapter 6

237 22 0
                                        

Nakatulugan ko na ang pag-iyak ko ngunit nagising na lamang ako ng may kayakap ako, si Aga. Kuwarto niya na ito ngayon.

Natutulog din pala sila...

Paano ako nakarating dito? Isa pa, hindi ba't sumuway naman ako kagabi at akala ko naman ay maiintindihan kung hindi ako dito tutulog?

Pinagmasdan ko ang lalaking katabi ko ngayon, guapo siya kapag tulog, huwag natin pag usapan pag gising, baka himatayin na ako. Hindi ko lang maintindihan kung bakit agad niyang sinabi ang tungkol sa magulang ko, ang hirap kasi magpalinlang lalo na at bampira siya, madami siyang kapangyarihan.

Hinawakan ko ang pisngi niya, malamig pala talaga ang bampira.

"Done staring?" sabi niya sabay mulat kaya naalis ko agad ang kamay ko sa mukha niya at agad na napaiwas ng tingin, buwiset, nakakahiya.

"Nakakalipad ba kayo?" tanong ko sa kanya at sinisimulan na naman niyang haplusin ang buhok ko, damn it, bakit ba gustong gusto ko ang ginagawa niya sa akin?

Hindi ko alam kung bakit hindi ako pumapalag sa yakap, sa halik, sa haplos niya, hindi ko alam kung gusto ko o sadyang wala akong laban pagdating sa kanya.

"Hindi, nakakatalon ng mataas, oo." sagot niya at bahagyang tumingin sa akin para tingnan kung ano ang reaksiyon ko sa sinasabi niya pero nananatili akong kyuryoso.

"Eh, paano niyo masasabi kung masarap o hindi ang dugo?" tanong ko ulit, hala! Hindi pa ako nagpapabango, pawisan pa man din ako kanina!

"Depende sa amoy, kung malansa o mabango, amoy na amoy ko ang sa iyo pero hindi ko alam kung paano ko nako-control ang sarili ko. Sa'yo lang ako ganito, Lea." sabi pa niya at hinalikan ang noo ko kaya para ako ngayon na nagpipigil ng hininga.

Hindi ko alam kung sapat ba ang pinagsasabi niya para maniwala ako sa kaniya.

"Clingy pala ang bampira, ano?" sabi ko sa kanya, wala siyang ginagawa kundi humaplos, yumakap, jusko, magaan naman sa pakiramdam. Gusto ko din naman este gusto niya. Wala tayong palag.

He chuckled.

"Naliligo ba kayo?" tanong ko ulit, bampira sila, sa kabaong sila dapat natutulog. Ganoon naman ang kuwento lagi, 'di ba?

Minsan nga ang kuwento, hindi sila natutulog.

"Hindi ako sa kabaong natutulog at hindi ko naransan mapunta sa kabaong dahil ang magulang ko ay mula na talaga sa lahi ng mga bampira. My Mom turned into a vampire habang nasa tiyan niya pa ako kaya full blood ako ng bampira. Naliligo ako, siyempre, iyong iba, hindi. Maswerte ka at nasa akin ka." nababasa nga pala ni Aga nasa isip ko kaya nasagot niya pati iyong pagtulog pero hindi ba't may ibinigay sa akin si Boo para hindi mabasa ang mga iniisip ko, then why Aga can do that?

Ulol, kung swerte ako ba't mo pinatay magulang ko?

Tinry kong hindi umimik, baka mabasa niya iyon.

"Hindi nga. Wala din naman talab ang binigay ni Bamboo, naririnig ko pa din kung gaano kaingay ang isip mo." sambit niya sa mahina na boses at napatawa pa ng kaunti na animo'y may nakakatawa talaga sa sinabi niya.

Maniwala sa'yo, pangit pangit ka naman!

"Bakit ka nakikipag usap sa akin kung ako pala pumatay? Pinuri puri mo ako kaninang guapo kahit 'di ka tumingin." kalmado pa din ang boses ni Aga kahit medyo nakakaasar na ang mga sinasabi ko at naaasar na din ako sa sinasabi niya.

Paano ako hindi makikipag usap sa'yo? As if makakapalag ako! Baka nga bukas, hindi na ako sinisikatan ng araw!

"Walang tumatama na araw dito, Lea." sabi niya at tumingin pa sa kurtina, esi kung ganoon, mamamatay ako ng hindi nasisikatan ng araw pala?!

Ayaw mo kasi i-try, 'di ka naman matutusta! Magiging abo lang.

"May tama ka siguro sa utak, kanina noong nagising ka, pinupuri mo'ko, ngayon naman na mulat na mulat ka, ni-aasar mo'ko. You think it would make me mad, babes?" tatawa tawa pa niyang sinasabi kaya napanguso ako. Kung hindi siya magagalit, paano? Gusto ko lang naman malaman.

Kanina baby, ngayon babes? Abnormal ka ba? Daming panawag ah, ilang babae na nadaanan niyang mga salitang 'yan?

"Ikaw lang at iisa ka." sabi niya at bahagyang pinisil ang aking pisngi kaya napaatras ako ng kaunti doon ngunit inilapit lamang niya ang aking katawan sa kaniya.

Gasgas na 'yan!

Tumawa na lang siya at nakitawa na lang din ako, kahit hindi ko na din maintindihan kung bakit siya tumatawa.

Nakikisali lamang ako.

"Ang lakas mo ha, hindi ka natakot sa akin. Medyo lang, pakinig ko kalabog ng dibdib mo eh. Sabi ba naman, Aga, Aga, Aga, Aga." nagtatas kilay niyang sabi, sa sobrang kahanginan niya, matangay kaya siya? O mananatili siyang nakatayo?

"Alam mo, gutom na ako, gutom ka na din siguro, tara na sa baba! Huwag ka magkulong dito!" sabi ko sa kanya at pinipilit siya kahit pakiramdam ko ay hindi pa din siya baba kahit ano man ang gawin kong pilit.

Ngunit tinitigan niya lang ako at umiling.

"Hindi ako bababa." sabi niya habang umiiling iling pa sa akin, bakit ba takot na takot ito bumaba?

"Kung may nangyari man noon, tapos na iyon, Aga. At kung may hindi natapos, naandito na ako para sa'yo. Tara na." sabi ko sa kanya at tumitig ulit siya sa akin na tinitingnan kung tunay nga ba ang sinabi ko.

I think, I need to calm myself down, ako na lamang ang aalam kung sino nga, kung Veneracion nga o Muhlach.

Tumango naman siya at agad na nag-ayos, pakiramdam ko ay nakuha ko ang kaniyang tiwala sa madali na panahon.

Umupo muna siya pagkatapos mag-ayos, akala ko bababa na kami pero napatigil pa siya kaya naman tiningnan ko.

"Huy, Aga." pagtawag ko sa kanya at tiningnan niya naman ako at pumupungay ang kaniyang mata ng tingnan ako.

"No. Leave." pagkasabi niya noon ay parang kusang umalis ang mga paa ko papunta sa pintuan at agad binuksan iyon para makalabas.

Leave? Hanep ah, hindi naman ako ang naglakad papunta dito sa kuwarto niya!

Bumaba agad ako at nakita ko agad si Boo, mabuti pa nga ito kaysa kay Aga, mas madali kausap!

"Bamboo!" tawag ko sa kanya at inamoy niya muna ako pero sinalubong ko na siya ng yakap.

"Hindi ka nagpapabango? Baliw kaba?" may pagtatakang tanong niya sa akin, pati ba naman iyon ay mapapansin pa talaga niya?

"Alam ko na kung anong mayroon dito sa mansyon na ito." sabi ko at'yaka umupo sa tabi niya, naiwan naman siyang nakatunganga, kaya hinila ko pa ito palapit sa akin.

"What? That fast? Ikaw lang din ang lumabas ng pintuan na ginto ng buhay." sabi pa niya habang pinagmamasdan ako kaya napatingin ako sa third floor, kinakain ba ni Aga?

"Kaibigan mo ba siya?" sabi ko, malay natin, tagal tagal na ni Boo dito, kung kaibigan niya si Aga, paano niya naging kaibigan si Ian?

"Oo. Kilala niya din ako." sabi pa ni Bamboo, napapikit na lamang ako at napabuga ng hangin.

"So, hindi ka din normal kasi naamoy mo ako. Bampira ka din?" mahinang sabi ko, may makarinig pa at bakit pa ba ako matatakot? Lahat naman ata ng naandito, bampira.

"Hindi." sabi niya at agad na kinuha iyong dalawang plastic na dala niya at'yaka binigay sa akin

"Bumalik kana sa kuwarto mo at kumain, madami 'yan ah pero ibigay mo muna ito sa kanya" sabi niya doon sa isang plastic na pula, sa unang tingin ko pa lamang ay alam ko ng dugo iyon.

Ang lansa kamo.

Agad din nawala si Bamboo sa harapan ko, kamusta na kaya sina Mama?

Pagkabalik ko sa taas, nakatingin sa taas si Aga at agad kong ibinaba iyong plastic na pula at aalis na sana ng pinigilan niya ako. Gamit tingin niya.

"Eat here. Naandito na lahat ng gamit mo." sabi niya sabay turo sa mga bag ko, kanina lamang ay pinapalabas labas niya ako tapos ngayon dito na niya ako gusto.

Napanganga naman ako at napatingin sa kanya.

Ganoon ba talaga ako kabagal umakyat sa hagdanan? O sadyang mas kaya niya pang bilisan ng hindi napapansin dahil halos isinabay niya ako sa kaniya.

Yours for CenturiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon