Madaming araw ang dumadaan na paulit ulit lamang ang nangyayari sa akin, puwede kaya ako lumabas dito, hindi naman siguro iyon big deal kung gagawin ko nga?
Hindi nga mahilig magpakita si Aga, akala ko pagkatapos ng usap usap namin, magpapakita pa ulit, hindi na pala.
"Arturo." tawag ko ng makita ko siya sa labas at pinagmamasdan ang nakikita niya kahit puro patay naman na iyon at tumingin naman siya sa akin, naiisip ko minsan na hindi ako masiyadong makapagbigay respeto.
First name basis sila masiyado.
"Iha." pagtigil niya sa pagtingin sa kapaligiran at hinihintay niya ang aking sasabihin.
"Maaari po ba akong lumabas?" pagtatanong ko at tumango naman siya, ibig sabihin noon, ay ayos lamang kahit hindi na ako bumalik?
Natatawa ako sa iniisip ko pero siyempre, babalik pa din naman ako.
Agad din siyang umalis at umakyat ako sa gintong pintuan, naandoon lahat gamit ko eh.
Mabilis akong nagpalit ng isang dress na pula na may halong itim, hindi naman ako aattend ng party pero ito lang ang mayroon dito. Dinamihan ko din ang pabango ko at nagbaon, baka maamoy pa ako ng ibang bampira.
Pagkalabas ko ng bahay, may isang daanan ngunit para bang ang gubat dumaan dito pero tinahak ko pa din.
Dire-diretso ang lakad ko ng may bigla na namang may narinig na asong nauulol, ano kaya nangyayari doon?
Sa sobrang kyuryoso ko ay ninanais kong tingnan iyon dahil halos ang mga tao na nadaan dito ay walang pakiealm doon.
Dumiretso pa ako ng lakad, madami din palang kabahayan dito kahit puro puna na ang nadadaanan, miski ang mga ugat ng puno na ito at kasing tangkad ko na ata.
May nakita akong isang tindahan ng kung ano ano kaya naglakad ako papunta doon, may mga espada, may pana, may mga langis, aanhin ko naman 'yun? Jusko. Imbis na bumili, doon ako nagpunta sa sunod na tindahan, naandoon naman iyong mga palamuti.
Madaming mga bracelet na may tali para sa singsing, mayroon din na lace choker, medyo nahiya akong tingnan iyon kaya ibinaling ko sa iba ang aking tingin. Mayroon din na kuwintas at hikaw.
Nagtingin pa ako ng mga singsing nila hanggang sa makita ko iyong isang singsing na may diymante na kulay pula na nahahaluan ng itim.
"Magkano po ito?" pagtatanong ko doon sa babae at tinitigan niya ako ng madiin
"Baguhan ka ba dito?" tanong niya sa akin
Tumango naman ako bago niya sinabi ang presyo at binigay sa akin ang singsing, binayadan ko naman iyon agad, medyo mahal.
Umalis naman agad ako at isinuot ang singsing. Sa pagpapatuloy ko sa paglalakad, umabot ako sa lugar na wala mas'yadong tao, walang bahay ngunit madami pa din puno pero may ilog na itong nadadaanan ko, napakalinis, halos makita ko na ang itsura ko sa ilog.
Naupo ako sa bato na katabi nito, hindi pa naman oras ng pagpapakain kay Aga, kaya dito muna ako, isa pa, hindi naman pala siya bata, kaya naman niyang bumaba.
Kung susubukan ko na tumalon dito sa batong kinauupuan ko, sa dagat ang tapon ko, hindi sa ilog.
Wala mas'yadong maingay dito, payapa. Ano ngayon ang gusto pa malaman ni Ian ganoong alam niya ang patakaran dito? Panigurado naman na nakapunta na siya dito.
Sila nga ba ang pumatay sa magulang ko?
Sa tagal ng pag iisip ko, pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Mali, talagang may nakatingin sa akin.
Agad akong tumayo at pumikit ngunit sa pagpikit ko, nakita ko ang tao sa taas ng puno kaya naman iminulat ko ang mata ko at tumingin doon.
Agad siyang bumaba at agad na nagbago ang kulay ng mata, bakit ang kaniya ay pula, ang kay Aga ay dilaw?
"Baguhan ka dito? Paano nakapasok dito ang isang tao?" sabi niya ng may lumabas na naman na isa pa, pula din ang kulay ng mga mata nito.
Dalawa na sila sa harapan ko ngunit wala pa din ako nararamdaman na takot, hindi ko din alam kung bakit hindi man lang ako matakot takot sa kanila.
Maya maya ay nasa likod ko na ang isa, at ang isa ay nasa harapan ko.
Akmang susugod na sila ng agad din ako umipod papuntang tabihan kaya sila ang nagkasalpukan, bampira nga, tanga naman.
Agad na dumating si Bamboo at nag-anyong malaking aso? Ito pa 'yung parang asong umuungol na nauulol?
Totoo ba 'tong nakikita ko? Tumingin siya sa akin at agad naman ako sumakay sa likod niya, nahawak pa ako sa balikat niya sa sobrang tulin niyang tumakbo.
Nang nasa tapat na kami ng mansyon, agad akong bumaba, hindi pa din makapaniwala na nakita ko si Bamboo sa ganiyong anyo.
"Huwag ka kasi alis ng alis ng walang kasama." bulong niya sa isip ko at umalis na agad, doon siya dumaan sa gubat muli, baka dahil sira ang kaniyang suot ng maging isa siyang malaking aso... Wolf...
Nang pagtingin ko sa 3rd floor, nakasilip si Aga. Himala, nagpakita ang patay, totoo naman, matagal na siyang patay.
Mabilis akong umakyat papunta sa kuwarto at wala na agad siya, saan na naman 'yun pumunta? Huwag na lang hanapin ang wala.
Bahala na, ayoko na dito, kung iyon ang dahilan ng ikakapahamak ko, hindi na. Aalis na ako.
Mabilis kong kinuha lahat ng gamit ko at inayos ang mga ito, nagpalit din ako ng damit ko na dala ko pa papunta dito.
Mabilis kong isinarado ang pinto at pumunta sa panagalawang palapag. Kumatok muna ako sa pinto bago binuksan.
"Arturo, aalis na po ako. Hindi ko na kaya. Alam ko na kung ano kayo, alam ko na kung ano si Bamboo." halata ang pagkamangha sa kanyang mga mata
Sino ba namang normal na kagaya ko ang mabilis malalaman ang mga ganitong bagay? Wala naman 'di ba?
Pero hindi naman natin alam kung sino ang pumatay sa magulang ko 'di ba? Bago pa ako tuluyan mahulog kay Aga, bago pa ang lahat, pipigilan ko na.
"Sigurad--" hindi pa siya natatapos magsalita ng tumitig siya sa likudan ko.
"What are you doing here?" malamig kong tanong kay Aga, ayaw niya bumaba 'di ba? At bakit ngayon pa siya magpapakita kung kailan paalis na ako?
"Why are you leaving? Give me a one good damn reason." sabi niya at kinuha sa akin lahat ng gamit ko, ano ba ito? Bakit ba pati pag alis ko ay ku-kuwestyunin niya?!
"Bakit Aga? Kung aalis ako, papatayin mo din ba ako? I already gave you an opportunity, ba't 'di mo ginawa?" matalim ko siyang tinitigan kahit pa sa bawat lalim ng titig niya sa akin ah 'di ko masuklian, at pilit inaagaw ang mga gamit ko sa kaniya pero hindi niya ito ibinibigay.
Tumingin si Aga kay Arturo at biglang may nagplay na lamang sa utak ko na pangyayari, ang buhay nina Mama.

BINABASA MO ANG
Yours for Centuries
FanfictionIpaglalaban kita kahit kamatayan ko pa ang kapalit. Sa mundong puno ng pagpapataasan ng buhay, anong gagawin mo kung may taong kumokontrol sa'yo? Saan ka papanig? Sa tama o sa mali? Magtitiwala ka ba kung alam mong una pa lang malaki na ang pinagkai...