Pagkadating na pagkadating ko dito kina Ian parang nakakapanibago na naman ang lahat, ang muling pagtapak ko dito ay parang unang tapak ko na naman dito.. Nag doorbell muna ako ng biglang magbukas ang gate, bakit ba sa pakiramdam ko ay may mali.
"Lea!" sigaw ni Ian ng makita ako at nakaamba ng yakap, lumapit naman agad ako doon para yakapin siya pero para din akong natauhan at tumikhim ako.
Nakikipagyakapan ba talaga ako sa pumatay ng magulang ko?
"Kamusta? May impormasyon ba?" pagtatanong niya sa akin at marahan akong tumango, hindi ako komportable ngayon sa kaniya.
"Tara muna sa loob, kain ka muna, for sure, pagod ka sa byahe. Nasa loob din si Angelika" sabi niya at pumasok sa bahay, dala ang iba kong gamit. Parang may bumaliktad sa sikmura ko ng sinabi niyang nasa loob din si Angelika.
Pumasok naman ako doon at nakita ko si Angelika, she looks good lalo na sa personal. Hindi pa gaano kalaki ang tiyan niya. Mukha pa din siyang dalagang dalaga.
"Hi!" bati ko sa kanya at ngumiti, nginitian niya lang din ako, para siyang iwas na iwas sa akin, hindi ko naman siya aanuhin, I just wanna know her.
"Ian" tawag ko sa kanya at tumingin siya sa akin bago nagtaas ng kilay, hindi ako gaano ngayon dapat lumapit kay Ian, I still respect Angelika.
"Hindi malakas si Aga, nanghihina na siya. Wala na silang alas. Nakita ko na siya, guapo pero mahina na." sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya, pakiramdam ko ay naniniwala naman siya sa akin.
Alam niya na hindi ako makakatingin sa mata niya kung nagsisinungaling ako, that's why I am looking straightly into his eyes dahil dire-diretso ko iyong sinabi at hindi ko man lang pinutol.
Tumingin naman siya kay Angelika at biglang nagbago ang kulay ng kanyang mata.
"Ian?" pagtawag ko sa kanya at mariin siyang pumikit
"Panahon na para lumaban. Para mang ubos ng lahi." sabi ni Ian at binitawan na ang bag ko sa kuwarto, ako naman napaupo dito sa sofa nila dahil pakiramdam ko ay iiwan na lamang nila ako dito.
Lumapit sa akin iyong si Angelika.
"Are you sure, Lea?" para siyang attorney kung magtanong, tumango naman ako at kung akala ko aalis na siya.
"How sure? To the point that you will betrayed Ian over Muhlach's? Really, Lea? Mas'yado kang nagpapagamit sa mga taong hindi mo alam kung pipiliin ka. Marahil minahal ka, hindi ka naman pinili sa huli. Ingat ka." pagbabanta niya sa akin bago tuluyan umalis, ano bang sinasabi niya?
Si Ian naman nagpunta doon sa mga kasamahan niyang aatake sa mga Muhlach, madami sila. Madami pa sa tauhan ng mga Muhlach.
Ito ang labanan na kahit kailan ayokong may matalo. Maybe Ian was the killer but he stand as my friend. Damn this feelings.
Bakit ba hindi ko kaya magalit?
Maaaring ngayong gabi, umatake sina Ian, maaaring bukas, sa makalawa, hindi ko alam.
Paano ko matatanggap na may mawawala na isa sa kanila? Kasalanan ko 'to eh. Kung ana hindi ko hinayaan na gamitin ako nila, baka sakaling mapipigilan ko, ang tanga tanga ko.
Bakit ngayon ko lang narealize lahat ng 'to? Bakit ngayon pang kahit anong oras puwedeng may mamatay?
Dumiretso ako sa kuwarto ko ng makita ko ang presensya ni Simon, hindi ako sigurado kung siya nga kaya agad akong pumunta doon.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya at umupo naman siya sa kama ko, paano siya nakapasok?
"Nice room, I just saw Veneracion soldiers, ang dami naman nila, nakakatakot, baka maubos kami." sabi niya at agad ko siyang binatukan, at napalunok ako sa takot na iyon, paano nga...
"Gago ka ba? Bakit ba napaka nega mo? Nakakainis, hindi ko na nga alam kung ano gagawin ko, gaganyan ka pa. Kung hindi ko lang hinayaan na gamitin ako ng magkabilang kampo, baka walang labanan." sabi ko at napatingin sa akin si Simon bago nagkibit balikat at mapaklang ngumiti.
"You can't, Lea. It's on our prophecy, pinaaga mo lang." sabi niya at napanguso pa bago ngumiti sa akin, kahit medyo nasasaktan ako sa mga binibigay niyang mga ngiti.
"At sa propesiya na iyon, ang nakasulat na mananalo ay ang mga?" pagtatanong ko sa kanya, kinakabahan ako, oo, sinong hindi?
Kung alam nila ang mananalo, bakit pa sila lalaban?
"Ang mga Veneracion." sabi niya at agad na humiga sa kama ko at niyakap ang unan, bakit parang hindi siya natatakot na baka anytime, puwede na siyang mamatay, buwiset.
Kung ganoon, alam itong lahat ni Aga?
"Are you saying your goodbye words? Simon naman, lumaban ka naman kahit para sa akin?" pagsasabi ko sa kanya, ayoko naman mamatay si Muhlach 'no! Lahat sila, actually.
Mahalaga sila sa akin sa mga araw na nakasama ko sila, bakit sila aalis kung mayroon silang ako?
Pero anong nagawa ng isang ako kung normal lang ako? Damn.
![](https://img.wattpad.com/cover/219712510-288-k514413.jpg)
BINABASA MO ANG
Yours for Centuries
FanficIpaglalaban kita kahit kamatayan ko pa ang kapalit. Sa mundong puno ng pagpapataasan ng buhay, anong gagawin mo kung may taong kumokontrol sa'yo? Saan ka papanig? Sa tama o sa mali? Magtitiwala ka ba kung alam mong una pa lang malaki na ang pinagkai...