Chapter 15

229 18 0
                                        

Natapos na lahat ng performance, ngayon naman ay ang kailangan ng pumili ng sasayaw pero hindi naman ako lumalapit doon, madami dami na din nagtanong sa akin.

Pero umiiling lamang ako. Si Aga, pinapalibutan ng babae doon, pakasaya siya.

Mas sexy naman ako, mas maganda, mas talented, ano pang kulang?! Naiirita na naman ako sa naiisip ko.

Kumuha ako ng isang cocktail doon, wala naman halong dugo, okay na din.

Naka-lima na ata akong cocktail pero hindi pa nakakapunta si Aga dahil sa dami ng nakapalibot sa kanya.

Ghad, mapapasabak ako.

Ako na ang pumunta sa kung nasaan siya at habang naglalakad ako, alam kong nakatitig siya sa akin.

Nang makalapit ako doon, agad kong kinuha ang kamay niya.

"Excuse me girls, I need my husband, we need to talk." sabi ko at agad silang nagbigay daan para makapunta ako ng diretso kay Aga

"You jerk." sabi ko ng pabulong pero hinapit niya ako kaya mas napadiin ako katawan ko sa kanya na ayaw ko naman, napakadami masiyado ditong nakatingin.

"I love being jerk if you will do this all day, wife." sabi niya at agad ko siyang tinapik sa pisngi, hibang na ba talaga siya?

"Lea, maaari ba kitang isayaw?" marahan niyang pagtatanong at iniabot pa sa akin ang kamay, pinagkatitigan ko pa iyon.

Tinanggap ko naman iyon pero masama pa din ang tingin ko sa kanya, gustong gusto talaga niya ang atensiyon na ibinibigay sa kaniya.

Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking bewang at ako naman ay sa kanyang balikat.

"What's with that look?" pagtatanong niya at marahan na itinaas ang aking ulo gamit ang kaniyang kamay na sinundan ko naman ng titig.

"Ang dami mo naman babae, happy ba?" sabi ko at pinalibot ang tingin, halos lahat, sa kanya nakatingin, kahit sa sino ata na makikita dito na babae, sa kaniya lamang nakatingin.

"Sa'yo lang naman ako, huwag ka magselos." sabi niya habang nakangiti at hinalikan ang aking noo, kahit naman hindi niya sabihin iyon, gusto ko lang makita sa aksyon niya na akin nga siya.

Hindi ako pumikit ng halikan ang noo ko, nahihiya na ako masiyado sa mga tao dito.

"Selos mo mukha mo at'yaka duh, mas maganda ako. May tanong ako." sabi ko sa kanya at mas inilapit niya lang ako sa kaniya ng pakiramdam niya ay lumalayo na ako.

"Paano kung sabihin ni Dawn na, you know. Baka mamaya sabihin niya kay Ian, mapapasabak tayo ng wala sa oras, Babes." maingat, halos pabulong kong tanong sa kanya, pakiramdam ko ay mas kinakampihan ko na ngayon si Aga.

Galing na mismo kay Dawn na si Ian nga pero magkagalit naman sila.

"She will not, trust me, babes." sabi niya at iniikot ako para makasabay kami sa tugtog, doon ko na lang muli naalala, sumasayaw nga pala kami.

Nakayakap na siya mula sa likudan ko at nakapatong ang baba sa aking balikat.

"Aga, if gagawin mo'ko bampira, okay lang." sabi ko at naramdaman ko ang marahan niyang paghinga sa aking leeg at ramdam ko din ang dampi ng labi niya na ikinataas naman ng balahibo ko.

"Hindi mo pa oras, Lea. At'yaka na kapag asawa na kita." sabi niya at hinalikan ang aking ulo, kanina pa siya halik ng halik kaya kanina pa din nakatingin sa amin ang mga tao.

Nakakahiya na.

Hinaplos ko naman ng aking kamay ang kanyang pisngi habang nagsasayaw kaming dalawa.

"Everybody, it's time to bite!" wika ni Arturo at marahan na iniipod ni Aga ang aking buhok sa aking leeg, huminga ako ng malalim ng marinig ko iyon, bumilis ang pintig ng puso ko, hindi ko maintindihan kung ano ba ang dapat kong gawin.

Yours for CenturiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon