Natapos din ang laro namin at natuloy na sa inuman, halos nalasing ako, si Bamboo, may tama, iyong mga bampira naman nag iinit, siguro dahil kakaiba ang daloy sa katawan nila pero hindi lasing.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa kuwarto ay agad ako napasalampak ng higa.
"Sorry, Aga... Hindi ko naman alam na tatama sa akin ang bote.. pero ako? Tinamaan sa'yo.." sabi ko at tatawa tawa pa, hindi ko na din alam kung ako o iyong alak na ang nagsasalita para sa akin.
"Inom pa, Lea. Inom pa. Pag ako talaga..." sabi niya at kumuha ng tubig at agad ako inupo sa higaan.
"Inom ng tubig." mariin niyang utos kaya sinunod ko na lang kaysa naman hindi na naman ako kausapin.
"Ba't ba galit ka? Mahal naman kita ah.." sabi ko pero alam kong ang binibigay kong boses ay wala na sa tamang pag uutak pero totoo 'yon ha, kayo naman.
"Lea, matulog kana." sabi niya bago hinalikan ang noo ko, hindi niya ba ako mahal? Hm.
---
Kinaumagahan, hindi gaano kasakit ang ulo ko pero pinapatawag daw kami nina Arturo at Vienna at medyo umiikot pa ang paningin ko pero kailangan ko pa din gumising.
"Morning!" bati ng kayakap ko ng minulat ko ang aking mata at napatingin sa kamay na nakapatong na ngayon sa akin.
"Good Morning, babes!" sabi ko at agad na nag unat habang tumatayo kagaya ni Aga at medyo magulo pa ang aking buhok, mi hindi ko nga alam kung baka tinitingnan niya ako tapos may muta na pala ako.
Nag-ayos kaming dalawa agad ng sarili bago bumaba.
Pagkababa namin dalawa, naka ready na ulit lahat sila sa baba. Parang hindi nga nalasing.
Agad kong kinuha ang kape na inabot sa'kin.
"Magandang umaga po." bati ko sa mag asawa at nginitian nila ako na parang ang gaan gaan lamang ng araw na ito.
"Hindi tayo ang susugod pero tayo ang mag aabang. Hindi maganda kung hindi natin iwe-welcome ang bisita. Ang ibig kong sabihin, kailangan ng umuwi pansamantala ni Lea. Kailangan mo sabihin na hindi naman malakas si Aga, mahina." sabi niya at napatango naman ako, hindi ganoon kadali ang pinapagawa niya pero
"Sino kasama niya doon?" agad na tanong ni Aga at tumingin si Arturo kay Bamboo
Oh, shookt.
Tumingin naman ako kay Aga at ngumiti sa kanya ng pilit.
"Hindi natin alam kung kailan sila lulusob, kung mamayang gabi, o tatlong araw mula ngayon. Kailangan namin ng hudyat mo Lea kaya ibibigay ko sa'yo ang singsing ko, tanda ng kay mong proteksiyonan ang sarili mo." sabi ni Vienna at malugod kong tinanggap iyong singsing na binigay niya
"Maraming salamat po." sabi ko at sinuot iyon bago humigop ng kape.
"Aga, spend your day with Lea bago siya umalis." sabi ng mag asawa at sabay na nawala sa harapan namin.
"Isa lang ang dahilan kung bakit binigay ni Vienna singsing sa'yo." sabi ni Simon kaya tumingin ako sa kanya pero siniko naman siya ni Michael, bakit? May magic ba 'yung singsing?
"Ano?" tanong ko sa kanya
"Secret." sabi niya sabay nagkibit balikat, ay, talaga? Sana hindi na sila sikatan ng araw.
Sa bagay, hindi naman gaano natapt dito ang sikat ng araw.
Lahat sila ay umalis at ang natira sa tabi ko ay si Aga.
"Oh, sa'yong sa'yo ako ngayong araw, babes. Huwag mo lang ako hahalayin ah? Hindi pa tayo kasal!" sabi ni Aga kaya naman nairapan ko siya, sa tingin niya ay ako pa ang gagawa ng ganoong kagaguhan sa aming dalawa?
![](https://img.wattpad.com/cover/219712510-288-k514413.jpg)
BINABASA MO ANG
Yours for Centuries
FanficIpaglalaban kita kahit kamatayan ko pa ang kapalit. Sa mundong puno ng pagpapataasan ng buhay, anong gagawin mo kung may taong kumokontrol sa'yo? Saan ka papanig? Sa tama o sa mali? Magtitiwala ka ba kung alam mong una pa lang malaki na ang pinagkai...