Chapter 24

212 18 7
                                        

Nakalabas din naman agad kami ng hospital ng maging okay na kalagayan ko, I can walk freely again pati na din si Aga, ang sama lang kasi akala ko pupuntahan namin ang mansion na naiwan ng mga Veneracion pero hindi pumayag si Aga. Kaasar.

Kanina pa ako nakatingin dito sa may bintana, kung dati patay mga bulaklak dito, ngayon, buhay na buhay na.

Kamusta na kaya sila Mama at Papa? Siguro kinakalaban na nila doon si Ian, nako. Lagot kayo kay Mama at Papa, patay na nga siya, papatayin pa siya ni Mama at Papa.

Naramdaman ko na lang na may yumakap mula sa likod ko, iniligay pa niya ang mukha niya sa balikat ko.

"I love you." bulong niya bago halikan ang leeg ko

"I love you more.." sabi ko sa kanya bago siya harapin pero pinigilan niya ako, si Aga.

"Why?" pagtatanong ko sa kanya pero inilagay niya ang buhok ko sa kabilang balikat ko

"Ready to be my wife?" pagtatanong niya sa akin bago isinuot ang singsing

Ready to be my wife? Wala pa akong sagot pero sinuot na singsing, anong klaseng bampira 'to?

"How? Hindi pa naman tayo ikakasal ngayon ah?" pagtataka ko sa kanya ng maramdaman ko ang pangil niya sa leeg ko

"This is how it works, baby. Magigising ka na lang, kagaya na kita. Noong araw na nakita ko kung paano tayo dalawa nawalan ng buhay, nakaramdam ako ng saya. Ibig kong sabihin, hindi man tayo nabuhay, magkasama tayo sa kabilang mundo. Alam mo 'yun? Ang solid kasi ng pagmamahalan na 'to. Babes, alam ko naman na pikon ka kasi 'di kita sinusuyo, try mo maging asawa ko, konting simangot mo, may halik ka sa akin, biro lang. Pero gusto kong sabihin at ipagmalaki na napakasuwerte ko at mayroon akong ikaw, Lea. Hinding hindi ko ikakahiya ang babaeng nagbigay sa akin ng lakas para maipakilala ko kung simo talaga ako. I love you, Lea. Mahal na mahal. I, Ariel Edward Muhlach, take you to be my wife, to have and hold from this day forward for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, 'till death do us apart. " pabulong na sabi sa akin ni Aga

Ito ba dahilan kung bakit kailangan magdress ako ng maganda? Ba't 'di nila sinabi? Hindi man lang ako na-inform.

May batang nagdala sa akin ng singsing, ang cute naman nito, lumilipad pa siya galing sa bintana, siguro, witch na mabait din.

Kinuha ko iyon, ang chubby, ang sarap kurutin ng pisngi.

Bago siya bumaba, kinindatan niya ako.

"Ang cute." pabulong kong sabi at binigyan ako ng tawa ni Aga mula sa aking likudan.

"Babes, hindi mo naman sinabi sa akin. Hindi ko tuloy nagpaghandaan ang lalaking kahit kailan, hindi ako binigo sa mga pangako niya. Alam ko na kapag naging bampira ako, mawawalan tayo ng anak, Aga. But I'm ready to face it basta ikaw ang kasama ko hanggang sa huli. Ibig sabihin nito, sabay tayo lalaban sa bawat pagsubok na dadaan. Sabay nating haharangan ang likod ng isa't isa, kasi Aga, you made me realized that I should not trust anyone easily except when they love you to the point na mas mahal ka nila kaysa sa sarili nila. You know there are times that I hate you kasi ang daming babae na nagkakagulo dito dahil sa kaguapuhan mo and ayoko noon, gusto ko, kung ano ang akin, akin lang. That's what I am at hindi ako mahihiya na hawiin lahat ng babae na papaligid sa'yo para masabing asawa kita. I love you more, Babes. More and more. I, Lea Georgian Salonga, take you to be my husband, to have and hold from this day forward for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, 'till death do us apart." sabi ko sa kanya at sinuot iyong singsing ng bigla na lang nakita ko sa labas 'yung pamilya at kaibigan namin.

"You may now, kiss the bride!!" sabi ni Vice habang dahan dahan nila pinatutunog ang baso gamit ang kutsara, wow. Just wow.

Iniharap ako ni Aga sa kanya bago halikan sa labi at sinarado na niya ang bintana.

"You ready?" tanong niya sa akin bago ako tumango.

Naramdaman ko na naman ang hapdi na binigay niya sa akin ng maramdaman ko na lang na unti unti ng nawawala 'yung hapdi.

"Aga..." sabi ko sa kanya at agad niya akong hinalikan sa noo

"I will wait for you, baby." bulong sa akin ni Aga bago ako tuluyan makatulog.

--

Nagising na lang ako na nakahiga si Aga sa tabi ko, para akong unan niya, kahit ang binti niya ay nakadantay sa akin.

Para akong uhaw na uhaw.

Lahat ng nakikita ko kahit sa malayo ay parang nakikita ko lang ng malapitan.

Bakit ganto?

"Aga, nauuhaw ako." sabi ko sa kanya at agad niyang inabot 'yung baso na puno ng dugo

Pero dahil nauuhaw na ako, wala na akong nagawa kundi ang inumin iyon.

"Good Morning, my vampire buddy." sabi ni Aga bago ako halikan sa pisngi

"What?" Vampire na nga ako? Wala ng atrasan 'to? Wala na nga kaming anak, kawawang lahi.

Pero nauuhaw talaga ako.

Tumingin ako sa salamin, mas gumanda ako kaysa, talagang naging wavy ang buhok ko, mas pumuti, mas pumula ang labi.

Parang kapag suot ko iyong kuwintas, ang pinagkaiba lang, mas maganda ako sa kung ano ako ngayon.

Niyakap ko ng mahigpit si Aga, ba't ganoon? Parang ang lakas lakas ko.

"Honeymoon? Ayaw mo magising kagabi eh." sabi sa akin ni Aga at pinagtaasan ko siya ng kilay at ayan talaga ang isasalubong niya sa akin ha?

"Honeymoon your face!" sabi ko at tumakbo na sa baba bago pa niya ako mahabol, uhaw na uhaw na ako.

Yours for CenturiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon