Chapter 12

215 22 1
                                    

Umabot na ng gabi, wala pa din, hindi pa din ako kinakausap, aba? Ako ba talaga gusto niya maglambing?

Miss ko na 'yun.

Bakit ba ako aasa na kakausapin niya ako? Eh, ayaw ko nga siyang kausap 'di ba?

Pero siyempre, naandoon pa din 'yung thought na hindi niya ako kaya na hindi kausap.

Bakit? Puwede naman siya mag sorry lang kahit hindi na lambing na okay, basta sorry? Ba't wala? 'Di na agad mahal? Ang bilis naman!

Nang may biglang kumatok sa pintuan ko, napabalikwas naman agad ako ng tayo, 9 na pala.

"Lea, dalhin mo na pagkain niya." sabi sa akin niyong maid at inabot sa akin ang tray, a, oo nga pala.

Umalis din agad siya.

Ako pa ang first move? Ano 'to? Gaguhan? Wala lang ba talaga 'yung mga date sa kanya? Edi sana sinabi niya para 'di ako nagpapadala.

Hindi ako kumatok, binuksan ko na lang ang pinto at pinatong ang pagkain niya, hindi pa ako nakakalabas ng lumabas siya sa banyo, nakatapis lang ng tuwalya.

Lalabas na sana ako ng biglang nagsarado ang pinto, hindi ako lilingon, hindi ako makikipag usap. HINDI AKO MARUPOK.

"Gagawin mo sa labas? Dito ka naman natutulog." pagsasabi pa niya pero hindi pa din ako nalingon o nagsasalita, tiningnan ko lang iyong pagkain niya.

Normal na pagkain iyon, hindi ba talaga siya magpapalakas?

Hindi sa sinasabi kong kumain siya ng tao ha, animal hunting, I guess?

Pakiramdam ko tuloy ay napakasama ko pa din kasi inuutusan ko siyang pumatay ng hayop para may makain.

Pero ganoon din naman kumakain ang tao, 'di ba? Luto nga lang.

"Nakadamit na ako." dagdag pa niya at hindi ko pa din siya nililingon o tinitingnan, ayaw ko.

Huwag kang lilingon, Lea. Hindi mo siya kakausapin. Tibayan mo loob mo, basta Salonga, hindi marupok.

"Lea." nasa likod ko na pala siya na ikinagulat ko lalo na iyong paghawak pa niya sa balikat ko.

"Ay, palaka!" sabi ko naman kaya napalingon ako sa kanya, kaharap ko na. Ang lapit.

"Sorry." sabi ko at agad na bumaba ang tingin, hindi ko din alam kung bakit ako nag sorry.

Kakasabi ko lang na huwag, hindi ba.

Akala ko ba basta Salonga, hindi marupok? Impakto.

Ako ba talaga manunuyo?

"Hindi ko lang naman kasi maintindihan kung bakit parang wala lang sa'yo ito, ganito din ba trato mo sa kaibigan mo?" mahina akong natawa doon "Sorry."" sabi ko, ano 'tong sinasabi ko?

"Hmm, okay." sabi niya at agad na humiga sa kama ng nakadapa, sakop na niya higaan. Saan pa ako hihiga doon kung ganoon?

Lumapit lamang ako sa may tabi pero hindi ko na din alam ang gagawin ko

Potek, bakit ko ba nilalapitan 'to?

"S-saan pa ako hihiga sa lagay na 'yan?" pagtatanong ko sa kanya ng nakakunot ang noo at medyo nautal pa, damn it.

Masiyado atang nahahalata na kinakabahan na ako.

"Ah, dito ka pa ba din tutulog? Sige." sabi pa niya at umayos ng higa, pakiramdam ko tuloy ay naapakan ako doon.

Hindi na ba?

Tiningnan ko siya ng isa bago nagbuntong hininga. Kung masaraduhan niya ang pintuan kanina. Agad agad akong umalis at binuksan ang pintuan at lumabas. Imbis na pumasok ako sa kuwarto ko, pumunta ako sa baba, saktong naandoon ay si Vice na lang.

Yours for CenturiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon