Dumadaan ang mga araw, busy na busy silang lahat hanggang sa ipinapatawag na lamang ako ni Arturo, medyo wala din gaanong oras si Aga, lahat talaga sila ay may ginagawa.
"Lea, maganda siguro kung magsabi ka kay Ian ng kakaibang nakikita mo dito. Kagaya ng nawawala mabilis sa harapan mo at ang pagbabago ng kulay ng mata." sabi niya sa seryosong tono at hindi man lang tumitingin sa akin.
Mabuti na lang at dala ko ang aking laptop.
Umupo ako doon sa haraon niya at agad na binuksan ang aking laptop.
Me: Ian, weird pala ng tao dito, mabilis nawawala, nagbabago pa kulay ng mata.
Ian: They are vampires, Lea.
Napatingin naman ako kay Arturo at napanguso, kunwari biglang bigla pa din ako kahit 'di naman, chararat ko talaga.
Me: Hoy, Ian! Puro ka na bampira, noong umalis ako, sabi mo bampira ang madadatngan ko dito tapos hanggang ngayon ba naman? Nananakot kaba?
Ian: Siyempre, hindi. Manmanan mo pa, dapat makita mo 'yung sinasabi nila na pinakamalakas.
"Sabi niya, manmanan ko pa daw kayo, kailangan ko daw makita si Aga." sabi ko kay Arturo at doon siya napatingin sa akin at napangiti
"Sabihin mo, nagpaparamdam sa'yo, puwede kana lumabas." sabi niya at agad naman akong sumunod.
Me: Hala ka, feeling ko nga nagpaparamdam iyon sa akin, feeling ko kasi may nanonood tuwing natutulog ako.
Ian: Baka nakuha mo atensyon, ipagpatuloy mo, magaling ka nga, Lea. Maganda mas'yado kasi, tsk.
Sadya, magaling talaga ako, niloloko kana, 'di mo pa alam.
Pagkalabas ko ay sinarado ko din agad ang aking laptop, busy sila lahat, wala ako makausap.
Nasa baba pala si Vice, nevermind, may mapagtya-tyagaan ako.
"Viceeey!" tawag ko sa kanya dahilan ng paglingon niya sa akin.
"Nagbago na isip mo? Ako na mahal mo, hindi na si Aga?" sabi niya kaya napasibangot ako, sa kung ano ano na naman sinasabi.
Akmang babatukan ko na siya pero nakaiwas siya agad.
"Oo, mahal na ata kita." Sabi ko at umaro pa sana ng halik pero agad niyang tinapik ang kamay ko at napatawa naman ako doon.
"Magugulo hair ko, 'no ba? Hindi tayo talo, haler!" sabi niya at kita sa mata niya na ayaw niya nga sa akin, gusto din ay lalaki at wala naman akong pakielam doon, basta masiya siya.
"Hanep naman, kamusta naman mga ginagawa niyo?" sabi ko at tumabi sa kanya, sobrang burdo ko na dito sa bahay dahil wala man lang binigay na gawain sa akin kagaya ng sa kanila.
Bigla din sumulpot si Dawn kung saan at tumabi sa amin, kasama si Charlene, kahit pagod sila ay napakaganda pa din nila.
"Hay, kapagod!" sabi ni Dawn at nakalagay pa ang kamay sa noo, ano ba kaya ang ginawa nila at pagod na pagod?
Napalingon naman ako sa kanya
"Dawn, may tanong ako sa'yo" sabi ko sa kanya, siguro out of curiosity na din.
"Mahal mo ba si Ian? Dapat hindi, pangit siya eh pero hindi mo naman kami ta-traydorin 'di ba?" sabi ko sa kanya habang nilalaro ang aking kamay sa aking hita
Pero nagtawanan iyong tatlo kaya napatingin ako.
"Hindi mo binasa mga war 'no? Tsk." sabi ni Charlene, nasaan libro na 'yon? Wala naman akong nakita doon sa may library o baka talagang hindi ko lamang nabasa iyon.

BINABASA MO ANG
Yours for Centuries
FanfictionIpaglalaban kita kahit kamatayan ko pa ang kapalit. Sa mundong puno ng pagpapataasan ng buhay, anong gagawin mo kung may taong kumokontrol sa'yo? Saan ka papanig? Sa tama o sa mali? Magtitiwala ka ba kung alam mong una pa lang malaki na ang pinagkai...