Nagising na lang ako na kayakap ko na si Aga, inalis ko naman ang kamay niya kasi nakapikit siya pero humigpit lang lalo.
"I don't sleep, Lea. Btw, I removed your necklace." sabi niya at hindi na ako tumayo, bakit niya hinubad?
Hindi naman kaniya.
Nakita niya 'yung kwintas? Nasaan na kaya?
Ba't 'di niya sinabi?
"Nasa bag mo ang kwintas. Nakita ko iyong text sa iyo kagabi ni Ian." pormal niyang sabi at ibinibigay sa akin ang cellphone ko kaya napabuntong hininga ako.
Si Ian lamang pala.
Kinuha ko agad ang cellphone ko at tiningnan ang text ni Ian.
: Huwag na huwag ka maniniwala sa sasabihin nila. Ako ang mas matagal mo nakilala. Iloveyou, baby.
What the hell?! Oo, dati, gusto ko marinig o masabi ni Ian sa akin dati pero ngayon, hindi ko na alam!
Ayan na naman, agad kong ibinato ang cellphone ko, wala naman akong pakielam kung mabasag iyon, kaya kong bumili ng bago
Baby? The heck? Saan nanggaling 'yun? Tatay ko ba siya ha?
"Gusto mo ng bagong cellphone?" agad na tanong ni Aga sa malamig na boses at mabilis akong umiling.
Ayoko na, hindi ko na alam kung paano ko sasabihin kay Ian na alam ko na. Hindi naman ako puwede kumilos agad dahil panigurado, pamilya ni Aga ang mahihirapan dahil sila ang lalabanan.
May pa baby baby pa siyang nalalaman, akala niya ba madadala niya ako doon ha? Hakdog!
Marupok ako pero depende sa kaharap ko, at ngayong nalilito pa ako, wala na akong mapanghawakan sa kung kanino ba talaga ako papanig.
Lalo na at binasag ko ang phone ko, 'di bale, may laptop naman.
"Magkikita kami ngayon ni Bamboo, nasa baba si Dawn." sabi niya at agad akong napabalikwas sa higaan, bakit naman ang bilis nila?!
"Fudge?! Nasa baba si Dawn? Naandito na din si Ian!" sabi ko sa kanya at agad naman kumunot ang noo niya
"How did you know? Wala si Ian." sabi niya naman, so ibig sabihin alam niyang pupunta dito si Ian, pupunta naman talaga.
"Hindi pa puwede, Aga!" padabog kong sabi sa kanya at agad na tumayo sa aking kinagihigahan at tiningnan ang sarili sa salamin.
"Hindi ka pa nakakapagpalakas kahit alam kong malakas ka pero Aga! Natatakot naman ako sa puwedeng mangyari sa'yo!" sabi ko sa kanya, ang pangit ng umaga ko. Tapos nakikipag gigilan ako kay Aga eh kakagising ko lang.
"Hmm, someone cares..." bulong niya habang nakanguso at agad ko siyang binato ng unan, ayaw ba niya noon?
"Aba? Malamang may care ako! Ano 'to? Landian lang sa'yo? Bahala ka nga!" sabi ko sa kanya at pumunta na sa banyo at agad na naligo, hindi ko alam kung anong mangyayari, then if I die for Aga, so be it.
I don't care anymore.
Damn it.
Pagkalabas ko, nakita ko siyang nakasandal sa pader. He look hot standing there pero iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya, baka mahalata pa niya na nag-guapuhan ako!
"Hmm, galit ka pa?" tanong niya sa akin at iniwasan ko siya, bahala siya sa buhay niya.
"Saglit lang." sabi niya at hinila ako papalapit sa kanya at napapikit na lang ako ng hinalikan niya ako.
Anong pangalan ko? Ay, bastos! Bakit ba siya nanghahalik, wala naman akong ginagawa na kasalanan, siya naman ang mayroon!
"1 bad attitude, 1 kiss. Sige." sabi naman niya at nauna pang lumabas, parang ayaw ko tuloy siya sundan sa paglabas.

BINABASA MO ANG
Yours for Centuries
FanfictionIpaglalaban kita kahit kamatayan ko pa ang kapalit. Sa mundong puno ng pagpapataasan ng buhay, anong gagawin mo kung may taong kumokontrol sa'yo? Saan ka papanig? Sa tama o sa mali? Magtitiwala ka ba kung alam mong una pa lang malaki na ang pinagkai...