Chapter 4

236 25 1
                                        

4:30 pa lamang ng umaga ay nagising na ako, naalimpungatan ako siguro dahil naninibago ako sa kinatutulugan ko, masiyadong malaki ang kama ko, dumiretso na ako sa banyo para maligo.

Habang naliligo ako, para bang may nakatingin pero wala naman, iniikot ko ang aking mata pero wala naman talaga, baka guni guni ko lamang iyon o baka dahil masiyadong malakas ang presensiya ko kaya kahit wala ay nararamdaman ko.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na muli ako, pinagkatitigan ko pa iyong sinuot ko kagabi bago ko ito suotin muli, hindi naman siguro masama ang mag ulit dito, wala din iyon sa mga rule.

Nagpabango ako kagaya ng sabi ni Bamboo, para hindi na nga ako mapahamak pero kada pabango ko naman ay para akong sinasampal ng amoy nito.

Natapos ako ng saktong 5:50, kaya naman bumaba na agad ako para makuha ko na ang kakainin ng kung sino man ang tao sa pintuang ginto, pakiramdam ko din naman ay wala, hindi siya nalabas kaya paanong wala iyon doon?

Pagkakuha ko ay ito na naman muli tayo, maghihintay hanggang mag 6 ng sakto, hindi ko alam kung dapat ba laging sakto ako naandito, gusto ko na lang minsan i-try ma-late at tingnan kung ano ang mangyayari.

Pansin ko lang, ang aga aga wine agad titirahin nitong taong 'to dahil iyon daw ang gusto na dalahin sa kaniya.

Biglang tumunog ang cellphone ko, si Ian.

"Lea, ingat ka ha? Napatawag lang ako para sabihin na huwag kang lalabag sa rules diyan. Mag-ingat ka." sabi niya at ibinaba din agad, sana ay ni-text na lamang niya iyon.

Hindi pa nga niya ako naintay umimik kung tutuusin, bastos.

Nang makita ko na saktong 6 na, kumatok muna ako bago ipasok ang pagkain, wala pa ding tao.

Sure ba silang may tao dito? Sa bagay, naubos 'yung weird na pagkain kagabi eh. Ibinaba ko na 'yung pinagkainan niya kagabi at marahan na isinarado ang pinto, baka kasi langgam iyong nakain at naglolokohan lamang kami na may tao doon?

Nag-iwan naman ako ng note sa kakainin niya na maglilinis ako ng 8, sana naman maalam magbasa iyon, baka kasi hindi o baka sinaunang sulat lang ang alam niya, minsan ang sama ko din at hinuhusgahan ko agad pero totoo naman, e.

Pagkababa ko ay iniwan ko na doon ang plato ng may makita akong makinis, maalon, maganda, para bang naalala ko siya. 'Yung nasa painting! Asawa ni Arturo? Buhay pa din 'to? Wala man lang kulubot kulubot sa mukha, maganda pa din, kagaya pa niya ang itsura noong nasa libro.

Nilapitan niya ako kaya naman napaatras ako medyo nabigla ako doon.

"Huwag ka matakot. Ikaw ba ang bago dito? Saan ang binigay sa'yo na trabaho? Sino nagbigay?" sunod sunod na tanong sa akin ni Vienna, miski hindi ko nga nasundan dahil mabilis din ang kaniyang pagsasalita.

"Yes, Vienna. I am the new one. Taga bigay po ng pagkain at taga linis ng kuwarto ng tao doon po sa ginto na pinto, si Arturo po nagbigay." sagot ko naman at nakita ko ang pagkabigla sa kaniyang mukha at ang pagngisi pa nito, hindi man lang ako makapagbigay ng saktong reaksiyon sa kaniya,

Be confident, Lea. Huwag daw mag M-Ma'am or Sir eh.

"Himala." sabi naman niya kaya pinagkatitigan niya din ako, hindi nila nais ang hindi tumititig sa mata, parang lahat sila ay ganoon na yata.

"Wala bang masakit sa'yo?" tanong niya kaya napakunot ang noo ko, sabay iling, ano naman ang sasakit sa akin? Ang sarao nga ng tulog ko, e.

Tumango lamang siya at umalis ng marahan sa aking harapan, hindi ko naman na siya pinagkapansin dahil baka mairita lamang ito sa akin.

Habang kumakain ang kung sino man ang nasa taas, hahanapin ko na mga panglinis, isa pa, wala masiyadong gamit doon sa kuwarto niya pero napakalaki.

Nakita ko na naman si maid, iyong kagabi, and even her, she's so freaking weird, panay ang ngisi sa akin at ang pag iling tuwing makikita ako.

Yours for CenturiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon