Chapter 16

219 21 0
                                        

Naiwan ako mag isa dito sa bahay kasama ang mga katulong, nagpaalam naman sa akin si Aga eh, bago umalis, pero para siyang nagmamadali kanina at naiintindihan ko naman iyon, madami siyang kailangan gawain at hindi ko siya pipigilan doon.

Muli kong tinitigan iyong itusra niyong babae na nabuntis ni Ian, maganda, mahaba ang buhok, matangos, kung iisipin ay ideyal na babae para sa mga lalaki, hindi ko alam pero kung ikukumpara nga naman iyon sa akin..

Hindi ko alam.

Ian: Nice, online kana. May balita kana ba?

Me: Malapit na, baka nga makauwi na din diyan ako. Saglit ka lang. Sino pala mapang aasawa mo? Hindi mo man lang pinakilala sa akin.

Ian: Angelika Del Real. Ipakikilala kita sa kanya kapag naandito kana muli. Ingat ka, Lea.

Pumunta naman ako sa timeline ni Ian, ako dati cover nito eh, hmp! But it's fine, ang pangit maging cover ng kagaya niya.

Manloloko.

Naligo na agad ako at nagsuot lang ng komportable, naka jogger, naka shirt at naka ponytail, hindi na mun ako mag d-dress, wala naman si Aga, wala akong pagsisilbihan.

Pumunta na ako sa baba at tinanaw sina Simon na nag eensayo, at kagaya nga ng sabi ni Arturo, wala doon si Aga, sasabihan na daw niya ang mga taong lobo.

Naandito ang nga manggagawa ng sandata, nakita ko kung paano nila ilapat sa apoy iyong espada, masiyadong mainit dito kung tutuusin, nagsisi tuloy ako na ganito ang suot ko.

Ayoko naman tumanga lang dito sa bahay, pumunta ako sa kung saan nag eensayo ang mga Muhlach dahil sa nararamdaman ang sobrang init ng apoy.

"Lea, what are you doin' here?" pagtatanong noong chinito, si Rob, bawal ba?

"Nothing. Just wanna watch. Galingan niyo." sabi ko pa at binigyan siya ng magandang ngiti, gusto ko lamang makita talaga kung paano sila lumalakas, para hindi ako masiyadong tensyonado o kabado kahit isang normal na bampira lang naman ang kalaban nila.

"Wanna try?" tanong sa akin ni Rob, at ako naman, gusto ko din nga ang masubukan iyon.

"Why not?" sabi ko at tumayo sa tapat niya, ako ba ay hinahamon niya?

Kailangan ko lamang matalo iyong mga imaginary vampire, medyo kapag nalapitan ka, nasugatan ka, imaginary lang din 'yun maliban kung papatayin na remote control at gusto ko lang naman subukan, hindi naman ako mapapahamak.

"Hoy Robert, huwag nga si Lea! Dami dami mo na laruan eh! Lagot ka kay Aga!" pagtutol ni Simon na para bang natatakot pa, hindi naman ako masusugatan, a.

"Hayaan mo, hindi naman talaga ako masasaktan eh." sabi ko pa pero umiling siya na parang concern na concern pa.

"Lea, baka malagot kami doon." sabi naman ni Michael na katabi na ngayon si Richard

"Ako ba eh minamahina niyo?" pagtingin ko sa kanilang tatlo na tumututol, umiling naman agad sila, hindi naman pala, huwag na lang tumahol.

Lalakas na bampira pero parang tuta kapag ako kaharap, ewan ko ba naman sa kanila.

"Hoy, Robert, mild lang! Ikaw ang papatayin ko!" utos ni Michael at tumango lang si Robert

"Manood tayo!" pabulong na sabi ni Simon habang lumalapit lapit kay Robert, tumutol pa, manonood din naman.

Mapipilitan din pala kayo, 'di pa agad para kanina pa tapos.

Yabang ko naman sa part na 'yan.

Inayos ko muna ang pagkakatali ng buhok ko bago pinindot ni Robert iyong mild.

Lintik na imagination 'to, hindi limitado, mga 10 ata ang kaharap ko na bampira. Imbis na magmulat ako ng mata, ipinikit ko agad at naramdaman ko ang pag-alis nila.

Nasa isa kaming kagubatan pero sure ako, naandito pa din ako kung saan nagte-training sina Robert.

Tinrain naman ako ni Ian bago pumunta dito, sure akong alam niya kasi kauwi niya 'to eh.

Agad na napakiramdaman ko na mayroong bampira sa puno sa likod ko.

Hindi ko pa din minumulat ang mata hanggang sa bumaba ito sa likudan ko at kasabay noon ang pagharap ko dito

Akmang tatalon ito palapit sa akin ngunit agad ko na itong nasipa at tinapakan ang katawan bago hilahin ang kamay, walang dugo, hinila ko naman ang ulo at bago ko pa man mahila ang ulo ay may bampira na naman sa likod ko.

Nasipa ko agad ito, hanep, anong klaseng imahinasyon 'to.

Sinipa ko ulit ito kasabay ng pagkakaalis ng ulo ng hinahatak ko, ginawa ko naman na bola iyong ulo, pinatama ko sa bampirang nasa kaliwa ko.

Sapol.

Dalawa ang papunta sa akin, hanep. Ganito ba talaga 'to?

Pagkapunta sa akin ng dalawa ay ang kasabay ng sipa ko sa gitna nila dahilan para tumalsik ang katawan nila.

Nilapitan ko iyong sinapulan ng ulo, at tinanggal ko ang ulo nito.

8 na lang.

Nilapitan ko naman iyong dalawang sabay na pumunta sa akin ngunit biglang may dalawang humawak ng kamay ko. Patay, dead end.

Tinalon agad ako noong isa dahilan ng pagkakahiga ko.

Shookt. Halos lahat sila ay lumalapit na sa akin ng bigla akong tumalon sa pagkakahiga, oh, 'di ba. Hindi pa ako bampira, talo ko na sila.

Paano pa anak namin ni Aga? Mamamatay na ako at lahat sa imahinasyon na 'to, anak pa din nasa isip ko, buwiset na Aga ito, masiyado ko atang minamahal.

Kailan ba?

Agad kong sinuntok ang mukha noong lalapit sa akin, sa lakas ng suntok ko, tumalsik na iyong ulo.

Kasunod naman noong ay iyong nasa likod ko na naman na tatalon kaya umatras ako para tumalon siya sa kapwa bampira niya.

Kasabay noon ay nagpugutan sila ng ulo.

4 na lang.

Sabay sabay na iyong apat na lumapit sa akin ngunit bago ko pa mapagpapatay, nasa tabi ko na si Aga at sabay sabay pinugutan ng ulo iyon.

Tumingin siya sa akin at'yaka ngumisi, paano siya nakapasok dito?

"Hindi ka naman nasaktan?" tanong niya at doon ko lang naramdaman iyong sakit sa likod ko.

Massage nga, Aga.

"Medyo masakit sa likod." sabi ko at bigla na lang kami nawala sa imagination, nasa practice-an lang nga pala kami.

Nakanganga iyong apat sa akin.

"Hanep bro, akala ko maaarteng babae." sabi ni Richard at agad na binatukan si Michael

"Pa mild mild pa kayo, dadating din naman si Aga." sabi ni Robert at agad na sa kanilang apat tumingin si Aga

"Pinagpapractice-an niyo ba ang asawa ko?" sabi ni Aga ng diretsuhan at napanganga naman 'yung apat, miski ako.

"A-asawa mo?" pagtatanong ni Simon at tinaasan siya ng kilay ni Aga

"Lea, akala ko ba ikaw bahala sa amin? Ikaw na nga bahala!" sabi ni Richard at sabay sabay naglaho sila sa paningin namin.

Parehas lang kaming natawa ni Aga sa inakto ng apat.

"Natakot naman ako, baka pag naging bampira ka, talunin mo pa ako." sabi ni Aga at tatawa tawa pa.

"Matakot kana, hindi pa ako bampira but I'm capable of doing many things, my love." Anong things kaya 'yon? sabi ko at kinindatan siya

Iniwan ko siyang tulala doon sa pinagte-training-an nila, haha. Guapong tulala.

Yours for CenturiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon