Prologue

550 23 0
                                        

"Hindi kapani-paniwala pero bakit?" takang taka na ako, naguguluhan sa aking naiisip. Kailan ba nangyari mga 'to? Napakalabo naman, para kaming naglolokohan dito at nagsusukatan ng titig sa kaniyang mga pinagsasabi sa akin.

Bakit ganito ang nga nalalaman ko?

"Lea, hindi man kapani-paniwala pero totoo 'yan, hindi mo na mababago ang resulta." sabi ni Ian sa akin, malamang, paano ko pa ito mababago ay siya na mismo ang nagbigay sa akin.

Ian is my long time bestfriend, maybe 8 or 9 years? I don't know. Sa kinatagal tagal na din ng pagsasamahan namin, hindi ko na mabilang kung gaano katagal, isa pa, hindi naman ako palabilang sa kung gaano katagal ang pinagsasamahan ng isang tao, as long as magkasama tayo, it's already good for me.

Just stay.

"What the hell, Ian? This is not even right! Bakit ako ang papupuntahin sa lugar ng mga Muhlach?!" sabi ko ng pasigaw sa kanya at hindi ko pinalampas na tingnan siya ng masama, bakit ako?

Paano kung sa sobrang kyuryoso ko doon ay doon pa matapos ang buhay ko?

"Kasi ikaw lang ang makakatapos ng misyon. Ikaw lang, Lea. Ikaw lang ang makakapagpatigil ng kaguluhang ito sa bayan natin, kailangan mong malaman kung anong mayroon sa Muhlach. Kung kailangan mong maging isang guro doon, kung kailangan mong maging pulubi, then it should be fine! Wala tayong magagawa! Tauhan lang din ako ng ama ko!" sabi niya sa akin at nasapo ko na lamang ang noo ko, kita ko pa ang pagdaan ng awa sa kaniyang mata kaya napabuntong hininga na lamang ako.

"Fine. Kailan ba ako aalis? Sinong maghahatid sa akin?" pagtatanong ko sa kanya at tinititigan siyang mabuti, trabaho lamang ito, Lea. Trabaho lang.

Pilit kong pinapakalma ang aking sarili kahit medyo nakakarinig ako ng kung ano nga ba ang nangyayari sa bayan ng mga Muhlach.

"Ako. Ngayon." sabi niya na pawang napipilitan pa na siya ang maghahatid sa akin at nilapitan ako, ano daw? Ngayon? Nababaliw na ba siya?

"N-ngayon? I am not even ready!" sabi ko sa kanya at kung nakakamatay lamang ang tingin, baka patay na siya at patuloy pa din naguguluhan. Ang daming pumapasok sa isipan ko. I hate this man, really. But I still love him cause he is my bestfriend.

Bago pa lamang ako sa trabaho ko, madami akong nalaman na hindi ko alam na totoo pala, siguro nga kung tinuloy ko na lamang ang pag a-abogado ko, problema na lang ng iba ang isipin ko, hindi ganito ngunit masiyado akong nahuhumaling sa pinag gagawa ng mga kaibigan ko at isa pa, kailangan ko ng hustisya.

"Lea, isipin mo ang magulang mo para dito. Isipin mo sila. Nakahanda na ang gamit mo, lahat lahat." sabi niya at'yaka ako niyakap ng mahigpit, siguro'y nakaramdam siya na kailangan ko iyon, tama naman ang ginawa niya at hindi na ako nagpigil pa doon.

"Mag-iingat ka. Doble ingat." sabi niya at hinaplos ang buhok ko ng marahan at hindi ko napigilan ang sarili na yakapin siya ng mahigpit bago bumitaw doon.

"I will. Thank you for giving me this mission. Sana lang makauwi pa ako ng buhay." sabi ko at medyo napatawa pa kaya dumilim ang tingin sa akin ni Ian ngunit nagkibit balikat na lamang ako doon.

"You will. Tumawag ka kapag kailangan mo ng tulong." sabi ni Ian, iyon ang huling paalala niya sa akin bago pa niya ibinigay sa akin lahat ng mga kailangan kong hanapin na impormasyon.

Tumango naman ako sa kanya.

Kung sa akin talaga ang misyon na ito, gagawin ko na ang lahat, ibubuhos ko na ang lahat.

Wait for me, Muhlach.








Vote and support.

Yours for CenturiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon