Hell night.
Lahat ng gamit ko panglaban na bigay sa akin ni Ian ay nakasabit sa katawan ko, dalawang baril sa tagiliran, isang malaking baril na hinahawakan, hindi ko naman ito magagamit siguro laban sa mga Muhlach..
Bakit kailangan ko humawak ng baril? Hindi naman ako lalaban. Hindi ko naman sila kayang labanan kahit sila ang pumatay pa din ng magulang ko.
"Are you ready?" bulong sa akin ni Angelika kaya napatingin ako sa kanya, tumango lamang ako sa kaniya at nagbuntong hininga.
Halos magsitayuan lahat ng balahibo ko, paano malalabanan si Angelika kung damn it, nakakita pa ako ng isang libro na tungkol lamang sa kaniya pero alam ko naman na doon matatapos ang mga Muhlach...
May magagawa ba ako?
"Ian, I must go their first since may trabaho pa ako doon." sabi ko sa kanya ng nangungusap at tiningnan naman ako ni Ian sa nagtataka, hindi ba at parang tama naman ang dahilan ko?
"Tama, sabihin mo na sa kanila Lea. Sabihin mo din na 'di kami lalaban." sabi ni Ian at nabigla ako doon, sana tinotoo na lamang niya.
So, kung hindi ako kumampi sa mga Muhlach? Hahayaan niya nga ako mag isa pumunta doon? Anong tingin niya ba? Na kapag pumunta ako doon makakabalik ako ng buhay?
I don't have time for rants.
Mabilis akong lumipat ng sasakyan ko na binili ni Ian gamit ang pera ko. Well, after this hella night, ilagay niyo na ako sa korte, gusto ko na panindigan napag aralan ko.
Nang makasakay ako sa aking sasakyan, agad ko itong pinaharurot papunta sa lugar ng mga Muhlach.
Dumaan ako sa isang secret way kasi sure ako, traffic sa dinaanan namin kanina ni Boo.
--
Pagkadating na pagkadating ko sa mansyon, nakita ko agad ang pamilya ng Muhlach pati mga kaibigan.
"Damn it, what's with the guns, Lea?" pagtatanong sa akin ni Vice habang binibilang kung ilan nasa katawan ko nmatapos ay binaluktot niya ang tutok ng isang baril papunta sa kanan kaya nahampas ko ang kamay niya.
"Angelika Del Real. Ang ina ng dinadala ng anak ni Ian. Siya 'yung witch na puwedeng umubos ng lahi niyo!" sabi ko sa kanila at kung kanina ay parang handang handa sila, napalitan iyon ng pagkaseryoso, parang ang mukha nila ay mga nalanta.
"At anong magagawa natin sa taong may mahika?" tanong ko sa kanila at isinuot iyong kuwintas na tinanggal sa akin ni Aga. Pinapalitan ko naman iyon kay Manang, baka hindi umepekto eh.
"Tanggalin mo 'yan. Hindi ka lalaban, dito ka lang." sabi sa akin ni Aga habang nakaturo sa aking kuwintas, nilapitan ko naman siya at agad na hinawakan sa pisngi
"If this will be the hell night, hell, I will sacrifice all my self just to see you again." sabi ko at agad na bumaling ng tingin sa mga Muhlach
"And do you think I will let you? Lea, sa tagal kong nabuhay, baka hindi ko kayanin kapag nawala ka." sabi ni Aga bago huminga ng malalim, pero kaya kong mawala kung para sa kaniya din naman.
"They are here." sabi ko at agad na naalarma sila at agad naman na madaming tao ang nakalabas.
Patay ang ilaw sa lahat. Hindi maliwanag ang dinadaanan ng mga Veneracion. Si Angelika, siya lang ang nagbibigay liwanag doon, here I come Angelika. Fight with me, labanan mo ako hanggang mamatay ako, huwag lang amg mahal ko.
Agad kaming lumabas ng mga Muhlach but wait, sino 'yung dalawang nakatalikod?
Bigla din nagsilabasan ang madaming bampira, napapalibutan sina Ian pero mas madami pa din sila kumpara sa amin.
BINABASA MO ANG
Yours for Centuries
FanficIpaglalaban kita kahit kamatayan ko pa ang kapalit. Sa mundong puno ng pagpapataasan ng buhay, anong gagawin mo kung may taong kumokontrol sa'yo? Saan ka papanig? Sa tama o sa mali? Magtitiwala ka ba kung alam mong una pa lang malaki na ang pinagkai...