Kabanata 1

97 33 82
                                    


PEDESTRIAN

I was staring blankly in our whiteboard, when someone pulled my hair strand slightly. I was trying to sleep while my eyes are open. Nilingon ko s'ya.

"Bakit?" inis na tanong ko kay Jake.

"Nakabili ka na ng libro?" nakangisi pa talaga s'ya. The nerve!

"Hindi pa."

Dumating na ang professor namin sa Understanding the Self, well exploratory palang naman sa first year.

Nasa canteen kami ni Mia para sa break na thirty minutes, at sumabay s'ya sa'kin ngayon dahil alam n'yang may kasalanan s'ya sa'kin. Napalingon kami ng may natapon na juice sa katabing table namin. Nilingon ko 'yong nakatapon, lalaking nakatalikod sa gawi namin. Bumalik ako sa pagkain at uminom ng tubig.

Kinalabit ako ni Mia na parang nanlalaki ang mga mata. Nakaturo ang nguso n'ya sa kabilang table. Napakunot noo ako sa inasta n'ya.

"Bakit?" tiningnan ko naman, kumunot ang noo habang tiningnan ang lalaking nagpupunas ng mesa, naka side view s'ya ng bahagya. S'ya ata nakatapon, teka nga!

"Si Clarence ba 'yan?" tanong ni Mia sa'kin.

"Si Clarence nga!" parinig ni Mia para makumpirma.

It's been six years mula ng huli kaming magkita. Hindi na kasi ako ulit nakabasyon magmula ng magkasakit ang aking Mama. Until now wala akong balita kay Caleb, si Dangdang naman ay balita ko graduating na s'ya ngayon ng Education. Ang triplet naman ay sa UST nag aral, nakausap ko sila nung last time na mag message sa'kin si Tintin. Inadd naman ako ni Tinay sa Facebook, pero nahihiya akong magtanong sa'kanila.

Lumingon si Clarence sa gawi namin.

"Mia? Ikaw nga!" he was amazed.

"Ikaw ba yan Cindy? Wow naman, ganda natin ngayon. Kamusta na?"

'Sobrang panget ko ba dati?'

"Kalma, dito ka pala nag aaral?" ani ni Mia

"Oo, Civil Engineering kinuha ko e."
Nangangati na kong magtanong sakanya kung saan nag aaral si Caleb, but I stopped myself to ask him.

"Nice future engineer, ako naman Architecture ito namang si Cindy ay Business Ad."

"Medyo mabigat-bigat naman 'yan," luminga s' ya sa'kin at ngumiti, sumulyap s'ya ng bahagya sakan'yang relo. Ngumiti siya nang alanganin pabalik sa'kin.

"May klase ka na?" tanong ko.

"Oo e, next time nalang ang catch up. I have to go," kumaway s'ya at tumakbo ng mabilis.

Hinatid ko si Mia sa building nila. Una kasing madadaanan yung kanila kapag galing sa cafeteria.

"Cindy mauuna kang umuwi sa'kin diba?" alam ko na tanongan nito e. Don't me, Mia Courtsy!

"Bakit?" tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay, ako paglulutin n'yan e.

"Ikaw nalang magluto mamaya, gagabihin kasi ako," excuses! Mag babar hopping 'yan mamaya, syempre friday. Madalas sa BGC sila pumunta o sa Soyoung Luxury Lounge.'Di niya na ko niyaya kasi alam n'yang 'di ako nag iinom. Tumakbo na s'ya papasok at tumuloy na ako sa paglalakad.

Simula ng maghigh school si Mia at napabarkada ay mahilig na s'yang uminom, umuwi ng gabi at halos gulapang na papasok ng pinto. Lagi tumatawag si Auntie sa'kin para magbakasyon sakanila para mabantayan ko si Mia. Nawalan na ko ng panahon para magbakasyon sakanila kaya tinatawagan ko nalang s'ya para pagalitan. I don't have time to visit them because I have a burden and problems that I need to face.

Left BehindWhere stories live. Discover now