Kabanata 18

17 1 0
                                    


TALK

"Happy Birthday bruha!" I greeted Mia while holding the cake. She slightly taps my arm and giggles. Napairap ako sa ginawa niyang pag tapik sa akin.

"Blow the candle na! Bilis!" sigaw ni Clarence.

"Bakit? Birthday mo? Cake mo?" malditang tanong ng bruhang lagalag. Natawa kaming lahat sa rebutt ni Mia. We have a mini celebration for Mia's birthday. Some of her college close friends laugh at her too.

"Make a wish na," sabat ni Celine. Hilaw na ngumiti si Mia at akmang iihipan ang kandila nang magsalita muli si Clarence.

"Make a wish nga muna, e!" pagmamaktol ni Clarence.

"Ano 'ko? Bata?" Umirap siya kay Clarence at walang pasabing blinow ang candle. Napansin ko ang pagiging tahimik ni Thunder sa sofa at malayo ang tingin. Bakit parang biyernes santo ang mga mukha ng mga 'to? Nahagip ng mata ko ang paglagay ni Clarence sa gitna ng mesa.

"Hoy! May pasok pa tayo bukas," sigaw ni Mia.

"Okay lang 'yan, kaya naman namin bumangon ng maaga kahit may hang over kami!" Ang yabang nga naman talaga ni Clarence. "'Tsaka maaga gumigisng 'yan si Thunder para gisingin ako," dugtong niya.

"Ikaw lang ang ginigising niya? Paano naman si Caleb?" takang tanong ni Mia. Ang pag seryoso ng mukha ni Celine at paghihintay ng sagot ang aking nasilayan. Sumulyap ako kay Caleb na katabi ni Thunder na nakaupo sa sofa.

"S-syempre kasama din siyang g-ginigising," hilaw niyang sagot kay Mia. Halata sa sagot niya na hindi totoo ang kanyang sinasabi. May alam ba siya?

"Cindy!" tawag sa akin ni Dominga. Napataas ako ng kilay sa kanya. Aba, may hawak na agad siyang alak. Lumapit ako sa gawi nila at tinabihan sila.

"Anong pangalan ng naka-wrangler shirt?" Sabay nguso niya sa pwesto ni Thunder. "Papable na papable!" Agad akong umiling sa kanya at tumawa nalang. 

"Sorry to say, but his heart is already taken," I said dramatically.

"Sino nagsabing heart ang kailangan ko diyan? Ha? You know what I mean..." Dominga almost whispered the last word which terrified me. Walanghiya talaga 'tong baklang 'to! Wala sa sarili akong napailing sa kanya.

"Magtigil ka diyan! Don't you see? His full attention and eyes were all in birthday celebrants!" sapaw ni Bettina.

"Oh! You mean..." I nod immediately. "Ito naman! Tinanong ko lang 'yung pangalan, akala mo aagawin na agad," depensa niya agad sa amin. Hinanap ng mata ko si Mia, pansin kong nasa gilid siya at may kausap sa cellphone. Tinahak niya ang pinto ng kanyang kwarto na ipinagtaka ko.

"Anong oras pala tayo uuwi?" rinig kong tanong ni Bettina kay Dominga.

"Lagi ka nalang uwing-uwi!" bulyaw ng baklita.

"You know, strict ang parents," bwelta niya kay Dominga.

"Tama na nga 'yan," I cut them off. "How about ten?" I ask. Parang nilukot ang mukha ni Dominga sa tanong ko.

"Too early..." he whispers.

"That's fine with me," Bettina agrees.

Bahagyang tumama ang aking paningin sa wall clock na nakasabit sa itaas ng bukana ng kusina. Malapit ng mag-alas otso kaya paniguradong bumisita sila ate Shine kay Mama ngayon, hinanap agad ng kamay ko ang aking cellphone. Nag tipa ako para tawagan si Kuya Kurt. 

"Kuya, kamusta si Mama?" agad kong tanong nang sagutin niya ang tawag ko. Hindi ko marinig ang kaniyang sinabi dahil medyo umingay sa loob ng apartment. Tinahak ko ang daan palabas. As I reach the hallway, I propped my left arm on the railings that serve as a barrier to view the chaotic city of Intramuros.

Left BehindWhere stories live. Discover now