NOSTALGIC
The days passed so swiftly, the season change. Everything seems fine and pretty. But I'm afraid. Every time that the rejoicing comes in, there's always a bit of sadness after of rejoicing. That's my greatest fear, but that's the reality. They say, the life of every people is like a season and it's always changing.
A lot of what if's are rushing through my mind and it's creeping me out. I can't help but to think of it.
"Anong itsura 'yan?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang bakla sa aking harapan, ang nag iisang Dominga ay nambulabog na naman sa aking pag iisip.
He's so epal in my moment.
"Mukha ng maganda! Bakit?" bulyaw ko at inis kong baling sakaniya. Ang lalim ng iniisip ko tapos bigla siyang susulpot na parang kabute! Ba't mukhang fresh pa rin 'to, ang haba na ng pinila namin halos mukhang bagong ligo lang.
"Bakit ka na naman tulala? Iniisip mo na naman si Caleb, 'no?" kinurot niya ang aking tagiliran na animo'y isa akong nag pasaway na bata. "Enroll muna girl bago humarot!"
Napapadalas ang paglabas namin ni Caleb sa nakalipas na buwan. Minsan ay tinutulungan niya ko sa mga aralin. Tuwing vacant niya ay pumupunta siya para makipagkita, minsan ay may dala siyang pagkain. Minsan ko siyang tinanong kung may klase ba siya, lagi niya lang sinasabi na huwag akong mag alala dahil seryoso siya pag aaral. Kapag minsan ay may klase pa ako ay hinihintay niya ko sa labas ng school. Lagi siyang nakakaagaw pansin, 'di dahil iba ang kaniyang uniporme kundi sa datingan niya, his piercing eyes are really strong and intimidating.
Natapos ang school year sa gano'ng set up. Walang malinaw na label, but all I can say that's it's more than just friends.
Napatunghay ako sa sinabi ni Dominga. Hindi ko alam pero parang ang bilis magbago ang ihip ng hangin. Parang noon lang, nananalangin ako na makita siya pero sumobra naman na ata ngayon. Pero inaamin ko rin na nanunumbalik ang pag asa ko sa kanyang pinapakita. Tanging sulyap niya nga lang ay para akong natutupok na apoy. Gusto ko mang pigilang umasa sa kanya ay hindi ko mapigilan. Gano'n siguro talaga kapag gusto mo ang isang tao.
Marupok kasi talaga ako, mabilis din bumigay.
Kasalukuyan kaming nakapila para sa huling process, kukuha nalang kami ng schedule at pasukan na ulit sa lunes. Nahagip ng aking mata si Mia na kausap si Clarence, nakita ko ang pagkairita sakanyang mukha. Sinundan ko sila ng tingin, nagbabakasakaling lumingon sila sa gawi ko. Hindi nga ako nagkamali. Nagtama ang paningin namin ni Mia at tinaasan ko siya ng kilay habang papalapit sa akin. Napalingon din si Clarence sa gawi ko at kumaway habang papalapit sa gawi namin.
"Dapat kasi inagahan mo ang gising para 'di mo naabutan 'yang mahabang pila." Tinaasan niya rin ako ng kilay habang nakakrus ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. Ang manipis niyang kilay ay muntik mag pang-abot habang nakatingin sa akin.
"Sana kasi ginising mo rin ako ng maaga 'no!?!?" binulalas ko at inikutan ko siya ng mata. Agad siyang nagpaalam at may kikitain lang daw. Duda ako sa kinikilos niya sa nagdaang araw. No'ng nakaraan e nasa Laguna siya, nandito naman si Thunder sa Maynila kaya't sino ang pupuntahan niya do'n maliban sa magulang niya.
Pagod akong umupo sa isa sa mga food chain sa Mall. Halos abutin kami ng hapon sa pagpila. Lintek na schedule 'yan, nakakapagod sobra. Bahagya akong sumandal sa upuan at binato si Dominga ng panyo na busy sa pag re-retouch. Mas inuna pa ang sarili kaysa mag-order ng pagkain. Tumayo nalang ako dahil si Bettina ay busy din sa kausap niya sa kaniyang cellphone. Pabalik na ko galing sa counter nang tumunog ang cellphone. Baka si Mia na naman 'to at sasabihin niyang hindi na naman daw siya makakauwi.
YOU ARE READING
Left Behind
RomanceCindy Miles Montenegro was naive and pure innocent back then. Meeting Caleb Jameson De Niro was one of the best moment for her. Caleb promised to her that she's the only he's going to marry. How will they fulfill they're promise? But they always say...