Kabanata 8

56 24 54
                                        

REUNITE

I took a bath after I ate. Nagyaya si Mia pumunta sa bayan kasama sila Clarence. I suggested that we can rent a bike and have a round in Lake Sampaloc.

I'm wearing black sando with faded denim jacket and black high waisted pants. I decided wear white sneaker to make it feel better.

"Mag iikot ba muna tayo?" Mia asked me.

"Hindi ko alam, kayo na bahala," kinabit ko ang wristwatch ko habang kinakausap si Mia.

"Sabi nga pala ni Ate Danica, mag peperform si Lorie kasama 'yung mga batch mate niya sa bayan."

Today is the opening of Coconut Festival, every school has a talent to perform. Kasama mga Elementary at High school sa iba't ibang baranggay. Sa DLSP nag aaral si Lorie kaya kasali sila at iba pang college ng San Pablo.

"Sabi ni Lorie mag ikot muna tayo kasi pagtapos pa ng parade sila mag peperform," tumango ako bilang pagsang ayon.

Palabas kami ng gate, nauna akong lumabas ng matanaw ko ang magpipinsan at triplets sa labas. Nakita kong naiilang si Tintin. She's really cute.

"Clarence tawag ka ni Tintin," narinig kong kantyaw ni Thunder.

"Tumigil nga kayo, para kayong grade one," awat ni Tintin

Can't help but to laugh with her reaction. Balita ko may nangliligaw kay Christine sa school nila. Lumingon ako kay Joy na tahimik lang sa gilid.

"Tumigil ka nga dyan Kidlat! Baka gusto mong sabihin ko kay Mia na crush mo siya!"

May luwag ata mga tornilyo ng mga 'to. Parang bata kong mag asaran. Saktong paglabas naman ni Mia. Nakita kong sumilip si Othello sa siwang ng gate. Gusto niya atang sumama.

"Nag paalam ako kay Mommy, pupunta daw din mamaya sila Kuya Kurt sa bayan."

Lumapit ako sa gate at binuksan ko ng kaunti ang siwang. I really love dog, they give a love more than you give. Gusto ko yung pagiging malambing nila, sasalubong sayo ng masaya kahit walang pasalubong.

I tap his head and I hug him. Nakapalambot ng balahibo niya. His eyes is so cute, singkit na nagpapaawa. He licked my cheek. Hinawi ko ang ang balahibo na humaharang sakanya.

"Hindi ka pwedeng sumama ngayon. Baka bukas nalang kita ipasyal," umupo siya at parang nauunawaan ang sinabi ko. "Don't be sad," I hug him again.

"Ang ganda ng aso. Anong breed?" rinig kong tanong ni Caleb sa aking tagiliran.

"Tibetan Mastiff siya. Ito nga pala si Othello," tumayo na ako para pagpagan ang damit ko. Gumalaw ang buntot niya dahil narinig niya ang kanyang pangalan.

"Sa ibang bansa niyo binili?" tanong niya at hinimas ang ulo ni Othello.

"Sa India ata or sa China. It is my Dad's gift in my 7th birthday," nakita ko sa mata nya ang pagkaaliw. He was trying to lift up Othello but he can't. Othello is so heavy.

Alam ni Daddy na mahilig ako sa aso, binilhan niya ako noon pero namatay dahil nakakain na matigas na bagay. Napabayaan ng kasambahay, nasa school ako kaya hindi ko nalaman agad.

"You're so heavy Othello," natatawa siyang hinimas ang likod nito. Umupo si Othello na para bang nakikinig.

"Saan daw tayo unang pupunta?" tanong ni Dongdong.

"Ikot muna tayo sa Lake Sampaloc tapos tsaka tayo manood ng performance nila Lorie. Diba Lorie?" sabay baling naman ni Mia kay Lorie.

Tumango lamang si Lorie, kausap niya pala si Cally.

Left BehindWhere stories live. Discover now