Kabanata 15

47 11 60
                                        

HEADERTHON

"Kuya Caleb, Daddy is looking for you." tawag ni Cally sa kanyang Kuya.

"Just stay here." baling niya sa akin.

Tahimik lang akong nakatitig sa damo, ramdam ko pa ring pananinitig niya. Ayoko siyang tingnan, nasaktan ako sa sinabi niya but that's the truth. Masyado siguro akong sumawsaw sa kanilang family issue.

Umupo sa tabi ko si Cally. Rinig ko ang kanyang pagbuntong hininga. Kita ko sa mata nila ang pag aalala habang dinadaluhan nila ang kanilang Mommy. Ganyan din ako kay Kenken, every time na makikita kong parang hindi normal ang kanyang paghinga ay halos patayin ako sa kaba.

"Hey, why are you silent? May sinabi ba si Kuya?" I just shook my head and smile sweetly on her. But I can see the doubt in her eyes.

"I'm so sorry for that. Matagal nang may sakit si Mommy sa puso. Meron naman siyang gamot pero kailangan niyang mag undergo sa operation. She doesn't want to undergo in an operation because she's always think about our other hospital all over the world, my dad can't roam around and can't handle it. Si Kuya lang ang nakikita nilang pag asa para makatulong sa kanila."

"How about you?" bulong ko ng wala sa sarili sakanya.

"It takes years before I can help them, I really want to be a good doctor and I'm striving hard it for now. Chemical naman si Kuya kaya pasok rin naman siya kahit papaano sa field."

It's really in their bloodline but only Caleb did not take medicine. We're both silent and looking to the grass. I took a glance on my wrist watch. It's already eight thirty three in the night.

"Pupunta lang ako saglit kanila Auntie Amethyst."

Tumango lang siya inihatid ako sa gate. Hindi naman gaanong madilim dahil streets lights at lamp posts. Hindi ko maiwasang mag isip habang naglalakad. Hindi mawala sa isip ko ang kanyang sinabi. Ito ang hirap sakin, sabi nila pwedeng pakinggan huwag lang dibdibin. Mabilis akong maapektuhan, but I managed myself not to be bother to think about it but I can't help.

"Cindy?"

Bahagya akong nagulat dahil sa marahang tapik ang naramdaman ko sa aking balikat. Nakaramdam ako ng  kaba.

"Kanina pa kita tinatawag, pero nagdadalawang isip ako na baka hindi ikaw." ani ni Headerthon.

Alam kong kita niya mukha ko dahil nakatalikod siya sa lamp post samantalang ako ang nasisinagan ng liwanag.

"Cindy? Are you okay?"

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Sinabayan niya ako sa paglalakad. Napansin kong nakasuot siya ng pang basketball at alam kong napansin niya ang paninitig ko sa damit niya.

"Kagagaling ko lang kasi sa practice. Ano palang ginagawa mo dito akala ko na sa Manila ka?"

"Sinama lang ako sa family dinner."

"Nandyan na ang Daddy ni Mia?"

"Hindi, I mean sinama lang ako ni Caleb sa family dinner nila." I almost whisper it, I don't want him to hear it.

"He introduced you to his family?"

"Nah, dinner lang. Hindi niya ako girlfriend."

"I doubt it, I can sense something more."

I didn't mind his last word. Pinindot ko ang door bell, it takes minutes bago bumukas ang gate. Lumingon ako kay Headerthon. Binati kami ng kasambahay at ginaya ang daan papasok sa loob.

"Pasok ka, kumain ka na?" tanong ko sakanya.

Sumunod naman siyang pumasok. Nakita kong nahihiya siya, bahagya siyang nag angat ng tingin sa akin. Napakamot siya sa batok at bahagyang ngumiti. Para siyang grade one na nahihiyang magpakilala. How cute!

Left BehindWhere stories live. Discover now