Simula

193 33 77
                                    


This story is work of fiction. Any resemblance of events, names of the characters', places etc., are work of fiction. This story is purely work imagination of the author. Do not distribute any parts or content of the story without the consent of the author.

Plagiarism is a crime.
_______________________________


"Cindy!" Hinanap ko ang pinanggalingan no'n habang tumatakbo. Halos kapusin ako ng hininga sa paspasang takbo.

"Cindy! Bilisan mo, nagbibibilang na si Dangdang. Magtago na tayo!" habol hininga ko s'yang tiningala sa taas ng puno. Natatawa ako sa itsura ni Mia habang nakaupo sa taas ng puno habang hawak ang sanga na puno ng mga dahon.

Nasa likod bahay kami ng magpipinsan, kalaro namin ang kapitbahay nila Mia na magpipinsan din at ilan naming mga kaibigan. Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng magbakasyon ako ulit dito sa San Pablo. Apat na taon ako ng una ko silang  makilala, ngayon at sampung taon na ako. Tuwing hapon ay naglalaro kami ng tumbang preso, taya-tayaan at kapag pababa na ang araw ay naglalaro kami ng tagu-taguan gaya ng kasulukuyang ginagawa namin ngayon.

"Saan nagtago sila Caleb?" inabot n'ya ang kamay ko para makasampa. Nang nakaakyat ako ay nilingon ko s'ya at nakita ko s'yang tumatawa.

"Hoy, bakit?" nilingon ko ang tinitignan n'ya. Nanlaki ang mata ko kasabay ng impit na tawa habang tinatanaw ang magpipinsan at triplets na nagtago sa kulungan ng mga inahin manok.

"Wag kang maingay! Nasa likod si Dangdang ng kulungan, nalaglag yung sinampay ng Tita ni Caleb sa ipot ng manok." nakita ko si Clarence na kinakabahan ang itsura. Umikot si Dangdang papapuntang tricycle sa tabi ng kulungan.

"Boom Tinay!" natatawang lumabas si Tinay sa loob ng tricycle.

"Wala d'yan, wala d'yan! Hala ayan na," tawa ng tawa si Tinay habang tinutuya si Dangdang. Luminga si Dangdang pakanan at kaliwa, at may nakita s'yang pink na tsinelas na nahulog. Pumikit ako sa sobrang gulat.

Naiihi ako kakaipit ko ng tawa habang kinakabahan. Si Mia naman ay sinesenyasan si Lokreng na palapit na si Dangdang sa kanila.

"Boom Lokreng! Boom Tintin! Boom Clarence! Boom Kidlat! Boom Dodong! Boom Joyjoy! Dyan pa kayo nagtago a," halatang galak na galak siya habang sinasabi 'yon.

Dahan dahang bumababa si Caleb at umikot sa likod ng kulungan papunta sa likod ng tricycle. Nilingon n'ya kami ni Mia habang nakangisi. Kumuha s'ya ng bato at binato n'ya ang puno na malapit sa'min. Lumingon si Dangdang habang sinisilip ang taas ng puno. Hinawakan ko si Mia sa laylayan ng kan'yang damit at sumenyas s'ya na wag maingay.

"Boom Cindy! Boom Mia! Si Caleb nalang pala. Pinahirapan nyo ko," bumababa si Mia at hinintay akong bumaba. Sinenyasan ko si Dangdang kung nasaan si Caleb. Akala n'ya d'yan hindi ko sya ituturo, manigas s'ya!

Natatawang binatukan ni Kidlat si Clarence.

"Ang likot mo kasi kaya nahulog 'yong tsinelas ni Lokreng," habang natatawang tiningnan si Lorie. Tumakbo palayo si Clarence. Habang si Dangdang at Lokreng ay umupo sa ilalim ng puno.

Si Dangdang ang pinakamatanda sa'min, si Tin, Dodong at Joyjoy naman ay siyam na taon. Lahat kami ay halos magkakaedad maliban kay Dangdang, katorse na si Dangdang. Si Lokreng ang unang kung naging kaibigan ng bago pa lamang ako noong nagbakasyon dito. Maganda s'ya at manipis ang kanyang kilay pero nakakorte. Habang si Dangdang naman morena na medyo makapal ang labi pero bumagay ito sa hugis ng kan'yang mukha. Habang ang magpipinsang sina Caleb, Clarence at Kidlat, halos parehas sila ng tindig pero makikitaan mong may lahi si Caleb, habang si Clarence at Kidlat ay kamukha ni Jacob sa twilight. Si Dodong, Tintin at Joyjoy naman ay triplets.

Left BehindWhere stories live. Discover now