Kabanata 21

20 0 0
                                    

Halos lahat kami ay napatanga nang hilahin ng lalaki si Mia palabas. Ilang segundo bago ko naproseso ang pangyayare. Si Mia! Hinila ng lalaki palabas pag uulit ko sa isip ko. Mabilis ako tumakbo para habulin sila. Sino ba 'yong lalaking 'yon? Baka mamaya kung saan niya pa dalhin si Mia.

"Hindi sa' yo 'to, sigurado ako!" rinig kong sigaw ni Mia sa bandang gilid at madilim na parte ng labas.

"Akin 'yan, mas sigurado na ako."

Halos kilabutan ako sa lalim ng boses ng lalaki. Lumapit ako para kunin si Mia. Napansin kong umamba ang lalaki na hawakan siya pero umatras si Mia at muntik matapilok sa pag iiwas niya sa lalaki.

"Don't be so reckless, that's our baby," puno ng pag aalala ang tinig na 'yon.

Nanlamig ako at napatigil nang marinig ko ang sinabi ng lalaki. That's our baby? Tama ba ako nang narinig o guni-guni ko lang? Paano nangyare 'yon? Akala ko ba si Thunder?

"Hindi pwede! It can't be!" sigaw ni Mia at mabilis na nagbago ang ekspresyon ng lalaki. Nasaksihan ko ang pamumungay ng mata nito at pagod na tumango.

"Bakit ka ba natatakot? Ha? Tinatakbuhan mo ba ako? Kaya kitang panagutan, kahit hindi ka na mag aral pa," banayad na sabi ng lalaki.

Nakita ko ang pangangatog ng tuhod ni Mia at walang tigil sa pag iyak.

Kaya ba siya laging aburido at maga ang mga mata sa umaga dahil sa pag bubuntis niya? At sa kanya rin pala 'yong gatas sa refrigerator?

Malamang Cindy! Alangan namang sayo?

Hindi ko alam kung bakit mabilis na ngilid ang luha ko, nag aaral pa kami. Paano na ang pag aaral niya? Alam kong hindi niya kakayanin ang galit ng papa niya.

Napatitig ako sa lalaki. Bakit parang ayaw ni Mia sa lalaking 'to? Mukha siyang desente at nakakatakot, pero halata sa tindig nito na may sinabi sa buhay. Parang nakita ko na siya noon.

"Shit!" rinig kong mura ng lalaki nang biglang nahimatay si Mia.

Mabilis akong lumapit para daluhan ang pinsan ko. Maputla ito at kalat na ang luha sa mga mata niya. Sinamaan ko ng tingin ang lalaki.

"Layo! Sino ka ba? Ha?" maanghang kong tanong.

"Chill out, lady. I'll take her home," kalmado niyang sagot at hindi ako nakapalag nang marahan niyang binuhat si Mia.

"Saan mo siya dadalhin?" habol ko sa kanya sa parking lot.

"Sa tinutuluyan niyo," sagot niya at binuksan ang shut gun seat.

"Sasama ako!" protesta ko.

Habang nasa byahe ay pabalik balik ang tingin niya kay Mia. Mukhang lunod na lunod ata 'to sa pinsan ko.

"Anong pangalan mo? Ano ka ni Mia? Ha?" kati kong tanong, "At isa pa... Totoo bang... buntis si Mia?" halos bulong kong naitanong.

"Klaus, if you don't remember I'm Danica's older brother," sagot niya at nag patuloy nalang sa pagmamaneho.

Para akong mababaliw kanina kakaisip kung sino ba siya. Kaya pala parang pamilyar siya sa akin. Ang daming tumatakbo sa isip, mas marami ang tanong kung paano lahat nangyare? We've been together for years and still I didn't notice her business.

Iginaya ko siya sa kuwarto ni Mia para maihiga na. Dahan dahan niya 'yong inilapag at kinumutan. Habang pinagmamasdan ko siya ay tsaka ko lang napansin ang pagod niya. Mukhang galing pa siya ng trabaho. Bigla akong hinaplos dahil sa ginawa niya.

"Uhm... Gusto mo ba ng kape?" alanganin kong alok dahil hindi pa ako gano'n kakomportable sa presensiya niya.

"Hindi na, uuwi pa ako ng Laguna. Babalik din ako dito bukas para ipaalam siya sa magulang niya," pormal niyang saad. "Alis na ako, take care of her for me. Please," paalam niya at saka humalik sa noo ni Mia.

Left BehindWhere stories live. Discover now