Kabanata 19

11 1 0
                                        

BREATH

Biyernes na naman at maaga ang pasok. I was preparing myself when I heard Mia's voice in the kitchen.

"Cindy!" sigaw niya sa akin. Ano na naman kaya ang problema ng bruhang 'to? Ang aga-aga pa pero ang bibig ang ingay-ingay na. Inayos ko ang kuwelyo ng uniform ko ng mapansing gusot ito ng bahagya.

"Bakit?!" galit kong tanong sa kaniya. Lumabas ako ng kuwarto at kinuha ang bag ko. Hinanap ko ang black shoes ko at nagmartsa papunta sa kusina.

"Amuyin mo nga! Bakit ang baho?" inis niyang sabi at sabay abot sa akin ng platong mayroong bacon at ham. Sininghot ko 'yon at kumurot ng kaunti para tikman. Masarap naman ang lasa at wala namang mabahong amoy. Taas ang kaliwa kong kilay ng harapin siya.

"Anong arte mo na naman ngayong araw? No'ng isang araw ka pa, a! Ang sarap sarap ng pagkain na 'yan tapos sasabihin mong mabaho! Tabi riyan, ako nalang ang kakain," mahaba kong litanya sa kaniya. Napataas ako ng tingin sa kaniya ng makitang paiyak na siya. Ay, hala! Ano bang nangyayare sa bruhang 'to?

Tumalikod siya sa akin at nagmartsa paalis. May saltik talaga ang babaeng 'to. Tahimik nalang akong kumain at chineck ang schedule ko kung ano ang mga subject ko ngayong araw. Nag message si Bettina at sinabing ma-le-late siya dahil nasiraan sila sa kahabaan ng EDSA. Ang swerte naman ni ate mong Bettina. Hinugasan ko ang pinagkainan ko at napatingin sa wall clock. Sakto, ala-sais trenta uno pa lang ng umaga. Lumapit ako sa fridge at kumuha ng maiinom, nagtaka ako sa isang fresh milk Anmum na nakalagay sa isang sulok. Kanino 'to? Hindi naman ako nainom nito, a! Kibit -balikat lang akong tumalikod at nagdiretso sa kwarto ng bruha para magpaalam.

"Mia! Papasok na ako, kumain ka na! Huwag ka nang mag inarte riyan!" sigaw ko at inayos ang bag sa pagkakasabit sa aking balikat. Palabas pa lang ako ng pinto nang tumawag sa akin si Caleb, agad ko 'yong sinagot.

"Good morning! Where are you?" tanong niya sa kabilang linya.

Hindi kami nagkita ng sabado at linggo dahil umuwi siya ng Laguna dahil may kailangan daw siyang asikasuhin. Sinara ko ng maayos ang pinto bago siya sagutin. Narinig ko pa lang ang boses niya ay parang sobrang tagal na naming hindi nagkita.

"Good morning, naglalakad na ako papasok sa school. Nasa Laguna ka pa rin ba?" tanong ko at tahimik na naglalakad patungong school. Tanaw ko na ang Bay Leaf dito, marami akong mga estudyanteng mga nakakasalubong. Busy ang lahat at ang iba ay may kwentuhan habang naglalakad. Natagpuan ng mata ko si Celine na kumakaway sa akin. Kunot noo ko siyang nilingon pero ngumti rin sa kaniya agad.

"Oo, pauwin na rin ako ngayon. Hanggang anong oras ang klase mo?" sagot at tanong niya sa kabilang linya.

"Hanggang alas dos lang ang klasae ko ngayong araw, baka sa susunod na linggo ay on job training na ako."

"I'll pick you up later, let's go somewhere after your class. Have a great to you," imporma niya.

"Okay, take care!"

Pinatay ko ang tawag at sinalubong si Celine. We're not totally close, but I think we're friends. I don't know but I have this bad feeling about her or maybe I don't like her because Cally mentions her before.

Alam ko liligawan siya ni Caleb dapat noon, pero bakit parang hindi naman ata. Pero bakit nakasunod pa rin siya kay Caleb? Sa UST siya pero nakakarating pa rin siya rito. At bakit din kailangan pang sabihin ni Caleb na may group meeting sila noon kung pwede niya namang sabihing si Celine ang ka-meeting niya. I really have this strong feeling na may tinatago sila, baka may namamagitan sa kanila? Pero bakit niya pa kailangang iparamdam na may nararamdaman siya sa akin kung may namamagitan naman pala sa kanila. Matagal ko na 'yang tanong sa isip ko pero hindi ko lang maisatinig kapag nandiyan siya, dahil natatakot ako sa maari kong malaman.

Left BehindWhere stories live. Discover now