Kabanata 20

21 1 0
                                    


Habang padilim ay inikot namin ang lugar at kumuha ng litrato kasama siya. May iilang nag aalok na kumuha ng pictures, hindi na kami tumanggi dahil mura lang naman ang alok.

"Put me down, Caleb!" Agaran kong saway sa ginawa niyang pagbuhat sa akin. Bahagya akong nakaramdam ng kakaiba dahil sa pagbuhat niya sa akin, halong kilig ang pagkahiya ang namumuo sa loob ko. Mas lalo akong nahiya sa mga taong nakatingin sa amin, may iilang nakatanaw at nakangiti.

"Ma'am, one, two, three smile ..." Wala na akong nagawa kundi ang ngumiti sa camera. Nang matapos ay agad ko siyang hinampas sa braso at kumawala sa bisig niya.

"Ano ka ba!" inis kong baling sa kaniya.

Nakatayo lang siya at tumatawa. Nahawa rin ako sa paraan ng pagtawa niya kaya sinabayan ko rin siya. Lumapit siya sa akin pero umiwas ako na parang nagpapahabol pero nahuli niya pa rin ako at pinulupot ang braso niya sa bewang ko at inamoy ang aking buhok.

Parang hinaplos ang puso ko dahil sa ginawa niya. How can he be so sweet like this... This man is absolutely captured my heart and soul...

"Pag grumaduate ka... Pakasal na tayo," mahina niyang bulong. Bigla akong napatigil sa sinabi niya, parang ang buong paligid ay nakiayon din sa pagtigil ko. The time almost leaps as I realize what he said. Again? W-what? Pakasal?

Damn! Kasal?

"W-what?" kabado kong tanong. Natatawa akong humarap sa kaniya kahit kinakabahan. Pero mas lalong nanlamig ang pakiramdam ko nang makita ang seryoso niyang mukha. Seryoso ba siya?

"Ayaw mo ba?" he ask back with a sad tone. He smiled but it not reach his eyes. Nanlamig na ako ng tuluyan sa pabalik niyang tanong sa akin.

"S-seryoso ka b-ba?" I ask seriously but a bit nervous.

Mabilis akong napaiwas ng tingin ng dahil hindi ko na magawang labanan ang tingin niya sa akin, nagbaba ako ng tingin sa lupa para i-iwas ang tingin sa kanya. Bakit parang masyado naman atang mabilis? Kasal? Para akong malulula sa sinabi niya. Hindi naman sa ayaw kong magpakasal sa kanya... Kaya lang... Hindi ba masyadong biglaan? All of a sudden...

Mahabang minuto kaming gano'n. Isang palatak na tawa ang narinig ko mula sa kaniya. Pagtapos ay sumeryoso siya ng tingin pero ngumiti rin sa akin.

"Relax, I'm just testing you..." he whispers and hugs me tightly. May ibinulong pa siya kaya lang Hindi ko na narinig. "It seems like you don't want to marry me, huh?" mapanuyang tono ang sumilay sa boses niya.

"Pressure..." bulong ko. Hinagilap niya ang kamay ko at inangat ang ulo ko para magtagpo ang mata namin. Sumilip ang malungkot niyang ngiti. "Hindi naman sa ayaw ko, nakakabigla lang... Isa pa, hindi ka naman nanliligaw e," depensa ko sa huli niyang sinabi.

"Hindi pa ba?" maang niyang tanong, "Alam kong may priority ka pa sa buhay kaya hindi kita minamadali... Relax, I'm just teasing you. Why so serious?" saad niya na parang wala sa kaniya ang sinabi niya kanina. "Let's go, nagtext na si Clarence," aniya at tumalikod at naunang pumunta sa parking.

"Nanliligaw na pala siya?" I ask myself for his last draw. Kailan pa? Nagmartsa akong sumunod sa kaniya, pansin sa kilos niya na may malalim siyang iniisip. Bigla akong kinabahan sa ekspresyon niya ngayon, parang kanina lang ang ayos ng mood niya. Problema nito? Sinabayan ko siya sa paglalakad at tinapik ang balikat niya.

"Hoy! Bakit naman ang seryoso mo?" tanong ko dahil hindi ko na mapigilan ang pagiging seryoso niya.

"Why are you so damn dense?" he ask back in a frustrated tone. Hinarap niya ako kaya napatigil din ako sa paglalakad. Malapit na kami sa parking kaya medyo kaunti nalang ang mga tao sa paligid.

Left BehindWhere stories live. Discover now