Almost a Love Story
"Narinig kung pinaalis mo daw ang secretary mo?" wika sakin ni Aliric habang magkaharap kaming umiinom sa isang maliit na lamesa at nakaupo sa couch, humihithit din ito ng yosi.
Inubos ko ang laman ng baso ko at nagtagay ulit bago nagsalita
"Ano ba nangyari? masipag naman yun ah!" dugtong niya
"Personal daw eh, bigla nalang nag resign" pagsisinungaling ko. "Pero nagpapahanap na ako ng bago"
"Mabuti naman!"
"Uuwi pala ako sa katapusan, baka may ipagawa ka, sabihin muna para magawa ko!"
"Wala naman sa ngayon, wag ka magalala tatawagan nalang kita pag meron!"
Agad na tumunog ang telepono ko sa bulsa tumayo ako at medyo kumuha ng distansiya at sinagot
"Hello!" babaeng boses ang narinig ko sa kabilang linya.
"Pano mo nakuha number ko?" pagtataka kung tanong sa kanya
"Nandito ako ngayon sa ibaba ng building, binigay ng security guard yung number mo, asan kaba? sabi niya daw wala ka dito!"
"Ano ba kasi kailangan mo sakin?"
"Dinalhan kita ng pagkain, baka kasi nagugutom ka, san kaba ngayon, pupuntahan kita!"
Huminga ako ng malalim bago siya sinagot "Hintayin moko diyan, babalik na ako!" binaba kuna ang telepono at nagpaalam na sa kay Aliric na hinahanap na ako sa kompanya kaya agad naman itong pumayag, mabilis akong umalis sa mansion at dumiritso sa kompanya.
Hindi paman ako nakababa sa sasakyan nakita kuna itong bumaba sa puting kotse at may bitbit na brown bag na alam kung pagkain iyon gaya ng sinabi niya sa tawag.
Bumaba na din ako at sinalubong siya, agad niya akong hinalikan sa labi at niyakap pero hinawi ko ang katawan niya."Bakit ka nandito?" inis kung tanong sa kanya, hindi lang ako sanay na sinusundan ako ng babaeng natikman kuna, siya rin ang babaeng ang unang nakalawa sakin halos lahat kasi ay isang beses lang at hindi kuna nakita pa ang pagmumukha.
"Dinalhan kita ng pang lunch mo, baka kasi di kapa nakakain!" aniya.
"Di ko kailangan niyan!" wika ko at akmang aakyat ng hagdan papasok sa building, pero agad niya akong niyakap sa likuran dahilan sa pagtigil ko sa paglakad.
"Mahal kita!" aniya, hindi na ako nagulat pa, meron narin ang nagsabi sakin ng ganyan.
"Mahal?" wika ko at kinuha ang kamay niya at humarap sa kanya.
"Narinig mo ba ang sinabi mo? alam kung may nangyari satin, pero hanggang dun lang yun, hindi ko pa nga alam ang pangalan mo!" sabay alis sa harapan niya.
"Sir, girlfriend niyo po ba yun?" wika ng guard pagdating ko sa pinto.
Tiningnan ko ito ng seryoso at nagsalita "Sa susunod wag mong ipapamigay ang number ko, kuha mo?"
"Sorry po sir!" mahinang wika niya at nagpatuloy na ako sa pagpasok.
Damn Girl, akala niya siguro madadali ako sa katawan niya, I know masarap siya pero Love? no?.
***
"Girl, seryoso kaba sa gagawin mo?"
"Ou nga, kulit mo!"
"Kasi hanggang nextweek pa yung kontrata mo, tsaka dumadami customer dito sa bar, at dahil yun sayo!!!"
"Wala akong pakialam, basta huling performance kuna to!" malakas kung wika, habang pinapaganda ang sarili sa harap ng salamin.