Chapter 29

3 1 0
                                    

Almost a Love Story






Maagang nagising si Aven mula sa kabilang kwarto kung saan muna natulog dahil sa kwarto niya pinatulog si Alexandra, mas makapal ang foam at malakas ang aircon.

Nagluto narin siya ng breakfast, sumilip muna siya sa dalaga bago lumabas ng condo.

Hindi siya makapaniwala na nandito na ang babae at napoprotetahan. Pinapangako niya sa sarili na walang sinuman na mananakit pa dito.

Muling kumulo ang dugo niya ng nadaanan si Anthony papuntang Polygon. Dinaanan niya lang ito pero hindi natiis ng sarili niyang hayaan nalang ang ginawa kaya mabilis siyang nag U-Turn sa kalagitnaan ng mga dumadaan na mga sasakyan.

Pinarada niya ang sasakyan sa gilid nito na wala namang idea. Galit siya na bumaba at lumapit sa lalaki at binigyan ng malakas na suntok sa mukha na malapit matumba at siya mismo ang humawak dito at hinawakan ang pang damit sa dibdib para ilapit sa mukha niya.

"Matagal kuna yang gusto gawin sayo!!! at ngayon may rason na akong gawin to sayo!!!" aniya at binigyan muli ng suntok  tiyan at mukha. Napahandusay sa seminto ang lalaki. Medyo may nakakuha na ng attention nila sa mga taong dumaan pero walang ni isa ang naglakas loob na umawat.

"Bakit si Alexandra pa!?"


"Eh bakit nagagalit ka Aven? I know na pareho lang naman tayo!" Aniya ng lalaki at imbis na indahin ang sakit, ngumisi pa na parang gago habang hawak ang bibig na dumudugo.

Mas umigting pa ang galit niya sa inasta nito. Akma niyang lalapitan pero pumagitna na nobya niya na kakarating lang.


"Baby!!!! Ano nangyari!!" aniya sa nobyo at tinulungan pang tumayo


"Hoyyy! Aven, ano nanaman to? hindi mo ba kami titigilan?" bulyaw pa ni Amelia


"Ba't hindi yang gago mong nobyo ang pagsabihan mo?" sagot niya "Wag na wag kang magdadalawang isip na magpakita muli kay Alexandra Anthony ah, dahil baka sa susunod hindi kuna alam kung anong magawa ko sayo!" dagdag niya at tumalikod na at bumalik sa sasakyan at umalis.






Naiwang basag ang bibig si Anthony. Pero wala paring pagsisisi.

"Baby, are you okey? Oh my gash your lips" arti nito "Ehhh that fucking CEO una palang I dont like him na eh, baby, why dont you go with me abroad? mas maganda don?" dagdag niya.












Lumabas ng elevator si Aven at dumiritso sa office niya, ilang sandali pumasok si Abigail.


"Good morning sir!!" matamis na bati nito


"Good morning!" bati din ni Aven sa ganung paraan na may ngiti pa sa dulo.


"Naku sir, mukhang good mood tayo ngayon ah!"




"Hindi kasi si ano----" tigil niya para namang tsimosa ang kausap sa pag-abang sa sasabihin "Basta, anyways were's Elias!"


"Naku sir ah! mukhang hmmmmm...." asar niya "And diba si may pinagawa ka sa kanya?"


Naalala nga nito na pinapakuha niya ang lahat ng information ni Anthony.

"Ah yes, sige I remembered!"




Malakas na bumukas ang pinto at hapong-hapo na pumasok ang kanina lang na pinag-uusapan

"Good morning sir!" aniya ni Elias at umupo sa upuan.


A Cup of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon