Almost a Love Story
Alexandra's POV
"Baba!" seryoso kung wika sa kanya nong pumasok siya ng sasakyan, abay wala nga talagang plano magbayad ang loko.
Tiningnan niya ako mula paa pataas ng ulo habang nasa pinto parin ng kotse niya ang kamay ko.
Agad siyang lumabas at tumayo, napaatras naman ako agad dahil sa tangkad niya, hanggang balikat nga lang niya siguro ako, pero hindi parin ako nagpatinag, alam kung mayaman siya pero hindi ibig sabihin non hahayaan ko nalang siya na abusuhin ang karapatan koTiningnan niya lang ako ng seryoso na parang may inaalam.
So ito pala yung histura ng hindi nagbabayad sa Coffeeshop namin.
"May kailangan ka?" seryosong tanong niya sakin.
"Ou, at ang kapal din ng mukha mong aalis nalang na hindi nagbabayad no?" pagtataray ko
"Hindi kaba binayaran ni Elias?"
"Lokong boss to secretary pa ang pinababayad i-ikaw yung nakipagmeeting!"
Nakita ko siyang huminga ng malalim at may kinuha sa loob ng jacket niya.
"Magkano ba?" kalmado niya paring wika sa mga malakas na boses ko.
"Fifteen Thousand!"
"What?" malakas na tanong niya, alam kung nagulat din siya sa binaggit ko. "Fifteen Thousand?"
"Bakit may reklamo ka? pasalamat ka nga pumayag akong dito kayo mag meeting eh!"
"Dammit, pano naging fifteen thousand yun? eh tig iisang order lang naman ang inorder namin?"
"Hoy, alam mo ba kung magkano yung inorder niyo? 500 lahat yun, times mo sa buong customer na pinalabas ko dahil sa inyo? plus sa air freshener na dinagdag ko, sa aircon na mas pinalamig ko, sa magandang music na binili ko pa sa Spotify para sa inyo at, sa ilaw ng kuryente na ginamit niyo!"
"Pati ang mga yun babayaran ko?"
"Bakit may reklamo ka? tsaka di lang yun, bayaran mo rin yung tatlong kapeng inorder mo na hindi mo man lang ininum at binayaran! kita mo yang sign board na yan?" sabay turo ko sa pinto ng Coffeeshop kung saan ito makasabit "Para yan sayo, actually 13k lang naman lahat kaso dinagdag ko yung sinabi kung tatlong kape kaya flat 15k lahat!" sabay taas ng kamay ko na tatanggap ng pera.
Hindi magkamuraw ang mukha niya sa sinabi ko, pero huminga ito ng malalim at binuksan ang wallet niya.
Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa wakas mababayaran niya narin ako sa utang niya, duhhh mayaman naman siya kaya ayos lang yun.
"Wala akong cash ngayon!"
Parang malalag ang panga ko sa sinabi niya.
"Wala akong cash ngayon!"
"Wala akong cash ngayon!"
"wala akong C.A.S.H ngayon!"
"Wala akong Cash!"Paulit-ulit na boses ang naririnig ko sa isip ko.
"Magpapawithdraw ako ng Cash sa secretary ko, papahatid ko nalang dito!"
mabilis na wika niya at agad na bumalik sa loob ng sasakyan at mabilis na sinira, tumingin ito sakin bago pinaandar ang sasayan at umalis sa harapan.Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at kahit ang kamay ko ay nasa ganu paring position.
"CEO tapos? walang Cash?" maiyak-iyak na wika ko, at matamlay na pumasok sa loob ng Coffeeshop.
"Oh Lexan? ano nagbayad na ba?" masiglang tanong sakin ni Liam habang nagpupunas ng mesa sa pagdaan ko at dumiritso sa kay mama dun sa kitchen, niyakap ko ito habang naghuhugas ng mga mug.