Almost a Love Story
Pinarada ko ang sasakyan pagdating namin sa harapan ng Coffeeshop, mag-aalas kwatro na rin ng hapon.
Nauna na akong bumaba at umikot sa kabila para pagbuksan ng pinto ang kapatid ko na inalalayan na bumaba ng sasakyan.Tumingin ako sa loob na makikita lang dahil sa glass wall nila, wala ding masyadong tao sa loob.
Hawak ang kamay niyang sabay na pumasok dito, dinig ko ulit ang bell at ang magandang solemn music.Dumiritso kami sa isang bakanting table at magkaharap na naka-upo nakaharap ako sa labas at ang kapatid ko naman nakaharap sakin diritso sa countertop.
Naramdaman kung may paparating na tao samin dahil tingin dito ni Hazel.
"Good afternoon sir, welcome to Homegrown" masayang banggit ng lalaking naka apron at inabot ang menu, isa sakin at isa din kay Hazel.
Sabay kaming nagbasa ng o-orderin.
"May napili kanaba?" tanong ko dito ng hindi naghintay ang lalaki sa gilid namin.
"Yung, Mocha Smoothie!" sagot sakin nito
"Isang Mocha Smothie daw!" banggit ko sa lalaki.
"Small o Large sir?"
"Large!!" mabilis na sagot ni Hazel
"Large daw!"
Napangiti naman ng kaunti ang lalaki habang may hawak na maliit na papel.
"How about you sir?" aniya
"Iced-brewed coffee lang isa lang din, medium!"
"Okey!" aniya at sinukat din ito "Take-out po ba sir? o dito lang iinumin?"
"Ano baby? take-out nalang ba natin? baka maabutan tayo ng gabi sa byahe!" wika ko dito, may kalayuan din kasi ang bahay namin dito, kaya kumuha ako ng condo.
Mabilis namang sumang-ayon ang kapatid ko.
Mabilis na umalis ang lalaki at naiwan ulit kaming dalawa sa doon.Saglit pa narinig kung tumunog ang telepono ko kaya mabilis kung kinuha sa bulsa at tiningnan.
"Baby, sasagutin ko lang to ah, babalik din ako agad" wika ko dito "dito ka lang okey? hintayin mo yung mocha Smothie mo, okey?"
Tumango naman ito kaya agad na akong lumabas sa coffeeshop.
"Hello, sir?"
...
"Yes sir, the files is ready tomorrow!"
...
"Yes, yes ofcourse!!"
Nagtagal pa ang pag-uusap namin ng business partner ko sa companya. Ilang sandali napansin kung lumabas ng coffeshop si Hazel at lumapit sakin.
Inilayo ko ang telepono sa tenga ko at tinanong ito.
"Oh bakit ka lumabas?"
"Kuya ang sakit ng tiyan ko eh!" aniya at nakita ko ngang hawak nito ang tiyan at parang iba yung expression ng mukha niya.
Suminyas ako ng sandali lang at binalik ang kinausap muli ang sa kabilang linya, mabilis akong nagpaalam dito at binaba ang telepono."May kinain kaba? ano gusto mo mag CR?" tanong ko dito.
"Iwan, kuya, uwi na tayo!" daing niya at parang naiba na talaga ang mukha niya.
Napatinging ako sa loob ng coffeshop at napagdesisyonang umuwi na nga."Kaya mo lumakad?" tumango lang siya at dahan na lumalakad, inalalayan ko parin ito hanggang sa makarating kami ng sasakyan.