Almost a Love Story
Pasado alas syete na ng gabi, pero patuloy pa rin ang pag-iinuman ng dalawang magkaibigan sa Bar at seryosong nag-uussap na nakaupo sa mga upuan doon sa countertop.
"Wala paba yung Aliric na yun!" pagiibang tanong nito kay Aven.
"Tagal nga eh! hayaan muna baka papunta na!"
"Maiba ako pare, bakit ikaw pa yung naging CEO ng Polygon eh, nandiyan naman si Aliric diba?" huwistyon nito sa kaibigan bago uminom ng alak sa boteng hawak.
"Ou nga pare eh! pero ayos na rin kasi di na ako nahirapan pang maghanap ng trabaho at the same time dito ko nakukuha ang pangtustos sa therapy ni papa!" emosyong sagot ni Aven at uminom din ng alak.
"Pero, did you ever think na hindi nagseselos ang lalaking iyon kasi parang mas nagtitiwala pa sayo yung papa niya kaysa sa kanya?" sinsirong tanong nito "kasipag ako ang nasa position niya, hindi ko maiwasan na mainggit kasi ba't sa ibang tao pa ipagkakatiwala ang pagmamay-ari namin kung nandito lang naman ako diba?"
"Gusto mo ba akong mawalan ng trabaho pare?" mabilis nitong tanong na may halong pang aasar
"Hindi sa ganun pare, pero we can't deny the possibilities, pero as I observed, hindi naman nakikita sa mukha niya ang inggit!"
Hindi na nag abala pang sumagot si Aven at parang napagisipan din ang mga sinabi ni Anthony, tinaas nalang nito ang boteng hawak at inubos ang laman bago tumingin sa mga babaeng sumasayaw sa stage at kumakalabog malakas na musika sa loob.
"Nandiyan na pala si Aliric oh!" narinig niyang wika ni Anthony at tumingin sa pinto at nadatnan nitong papalapit sa kanila kasama ang tatlong tauhan na nakasunod, napatayo naman ang dalawa para salubungin ito.
"Good evening sir!" wika ni Anthony dito na tiningnan lang ni Aliric at hindi na sumagot pa o kahit reaction ay wala din.
Bumalik sila sa pagkakaupo doon at nag order na rin ng maiinum si Aliric habang ang dalawang tauhan ay kumuha na ng isang table.
"May ipapagawa ka ba?" mahinang tanong nito.
"Dad want me to go to California, and may ipapagawa lang sana ako!" mahinang wika nito, hindi na nagsalita pa si Aven at tahimik naman na nakikinig lang sa gilid si Anthony.
Mabilis na nagpaalam ito sa kanila at lumipas ang isang oras naisipan narin nitong na umuwi dahil pareho itong may mga trabaho bukas.
Palabas ng pinto dumiritso agad ito kotse niya, na agad namang may humarang kaya't napatigil siya pati ang kasama, marami siyang nainum pero wala pang tama ang mga ito kaya itong nakilala."Ano ginagawa mo dito?" mabilis na wika niya.
"Hindi mo ba ako na miss!"
"Sinusundan mo ba ako?" pagibaba niya na halatang ayaw sagutin ang tanong nito.
"Pano kung sasabihin kung ou, magagalit ka?"
"Umuwi kana nga!" galit na wika niya at umalis lumiko ito para makadaan papunta sa kotse siya na agad namang binuksan pero pinigilan ulit siya nito.
"Hindi mo ba talaga ako titigalan?" may galit na wika nito at hinawig ang kamay at agad na sinirado ang pinto ng kotse at ganun din si Anthony sa tabi niya.
"Sino yun?" curious na tanong ng kasama nito
"Wala, isa sa mga na tira ko, ayaw nga akong tantanan eh!" aniya at mabilis na pinatakbo ang kotse.
"Morning!" sagot nito sa mga employees ng lumalabas ng elevator at dumitiritso sa office niya, agad itong umupo at binuksan ang laptop, pero nakuha ang pansin nito sa papel na nakasukit sa ilalim ng coffemug na laman ay mga ballpoint pen.