Almost a Love Story
Naalimpungatan na nagising si Aven ng mahulog siya sa couch, aga itong nakatayo at at ramdam ang sakit ng katawan, at napagtantong wala siyang saplot ni isa, pilit niyang inalala ang nangyari kagabi pero tanging nalala lang niya ay nong bumagsak siya sa labas ng gate nila dahil sa kalasingan, bumalik itong napaupo sa couch, at tiningnan ang sarili at may namumula pabilog sa ilalim ng pusod niya, napagalaman na isa itong chikinini, may mga pangyayaring bumabalik sa isipan niya pero hindi niya ma klaro dahil sa sakit ng ulo na lumalaban dito.
Kumunot ang nuo niya sa mga nangyari, pumasok sa isipan niya na ginahasa siya ng bakla pero sigurado siyang walang wala siyang kasama ng umuwi.
Aga siyang tumayo at kinuha ang mga damit sa sahig at agad na naligo.
"Aba'y parang ang ganda ata ang umaga ng anak ko ah!" wika ng mama niya ng bumalik siya sa kitchen matapos maghatid ng mga order sa isang costumer, wala ding tigil ang pagngiti.
"Dahil ba ito sa lalaki kahapon?" dagdag pa nito.
"Ano kaba ma, kailan paba ako naging malungkot?" turan ng dalaga habang naglalagay ng whipped cream.
Pagdating naman ni Liam, agad na pinatong ang siko sa ibabaw ng glass sa ibabaw ng countertop "Naliligaw naba?"
"Isa kapa, tulungan mo nga ako dito at tambak na nanaman nag order natin!"
Pagalis ni Liam ay medyo natigilan at napag-isip ang sinabi ng Anthony kahapon, hindi siya kasi alam na ganun na kaagad ka comportable ang pakiramdam niya ng kasam ito.
"lexandra Anderson hoyyy!" narinig niyang wika ni Laim na nasa harapan na niya pala
"B-bakit?"
"Paki take out daw tong isa!" at inabot ang isang mocha sa kanya.
Naramdaman niyang nagvivibrate ang telepono niya sa bulsa, pinunasan muna ang kamay gamit ang apron na suot bago sinagot.
"Hello Besh?" narinig niyang boses ni Elias doon.
"Oh napatawag ka?"
"Can I ask a favor!" wika nito habang nakaharap sa laptop sa office niya.
"Go lang besh, as long as kaya ko!"
"Pwede mo ba kaming magpahatid ng Coffee sa companya, busy din kasi ako kaya't wala akong time na pumunta pa diyan, ayos lang ba?"
"Walang problema besh, ilan ba?"
"Dalawang Macchiato, at limang Brewed Coffee!"
"Sige, I'll be there after 5 minutes!"
"Salamat besh, pakidirtso nalang din sa Conference Room okey?" aniya at agad na nagpaalam.
"Ready naba ang lahat Elias?" bungad sa kanya ni Aven ng pumasok ito ng office niya.
"Yes sir!"
"Okey Good, paki double check, hindi dapat tayo magkamali lalo pa't nandito si Mr. Johnson" utos sa kanya ni Aven na agad ding umalis.
Ilang sandali tinapos na ang ginagawa sa laptop at tiniklop itong, at sandali ay lumabas na rin.
"Ayusin mo yan Liam ah!" turan ni Alexandra habang nag-aayos ng sarili sa harap ng salamin sa kusina nila si Liam naman hinahanda ang box na dadalhin nito.
"Opo ma'am!" wika nito.
"Aalis kanaba?" tanong ng ina niyang ng lumapit.
"Yes ma, babalik din ako agad!"